Cait Belo's POV
"Bye pa! Ingat sa pagdrive," I kissed my father on his forehead then I started entering the school.
Hatid sundo ako ni papa. Kasi sa maynila pa tong school na pinapasukan ko. Medyo malayo to sa tinitirahan namin sa rizal. Ginagamit niya ang minamanehong taxi. He's a taxi driver. Nag iisang anak lang ako. Masaya naman kami kahit kapos kami sa pera.
Nakayuko akong naglalakad sa hallway ng school. Papunta ako sa first subject ko. Isa akong simpleng estudyante na tila invisible at hindi nag eexist. Ang MONTE UNIVERSITY ay exclusive para sa mga mayayaman at kaya lang naman nakapasok ang tulad kong mahirap dito dahil isa ako sa nakatanggap ng scholarship.
Madalas akong mag isa kasi wala namang gustong pumansin sakin, walang gusto na maging kaibigan ang tulad kong nobody. Not until Mildred Monte came. Iba siya sa lahat. Siya lang ang nag iisang kumausap sakin. Pamangkin siya ng may ari ng school.
"OMG! My dress," Napabalikwas ako ng may nakabungguan ako at marinig ang reklamo nito. Mula sa pagkakayuko unti unti kong inangat ang ulo ko.
Galit na nakatayo ang babae sa harap ko habang nakahawak ang kanang kamay sa juice at ang kaliwang kamay sa dress na natapunan ng iniinom niya. Nanginig ako sa takot ng mapagsino ang kaharap. She's Lian Santiago. Ang Queen of bullies ng University. Nasa likod nito ang dalawang alipores na si krisha Santos at Melanie Soledad.
Hindi ako nakapagsalita. Kinakabahan at natatakot ako sa presensya nila. Napako ako sa kinatatayuan at hindi ko alam ang gagawin. Malaking kamalasan ito. Sa dinami dami ng makakabunggo. Bakit ang mga bullies pa. Lumapit sakin si lian at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Hindi mo ba alam kung magkano tong damit ko?"
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang matalim na nakatitig sakin. Nakakatakot ang awra niya.
"Girls, pipi ata tong babaeng to, e." Sabi ni lian sabay lingon kila krisha at melanie. "Pakituruan nga magsalita."
Sa isang iglap lang naramdaman ko ang pagdaloy ng malamig na likido mula sa ulo pababa sa pisnge ko. Ngiting ngiti si melanie habang hawak ang juice na iniinom kanina ni lian. Napansin ko ang pagdami ng mga estudyanteng pumalibot sa amin. Yung iba tila natutuwa sa pinapanood, yung iba nagbubulungan samantalang yung iba naman gulat lang na nakitingin.
"How. dare. you. to do that?" Mariin kong nasabi. Pinaghalong takot, pagkapahiya at galit ang emosyong nararamdaman ko.
People around us start whispering.
"Aba! Lumalaban si girlalu. Girls, success nagsasalita na sya," Pumalakpak si krisha at pekeng tumawa.
I heaved a dramatic sigh! Kailangan kong huminahon at palagpasin na lang ang lahat. Ayokong magulo ang tahimik kong buhay. Kapag pinatulan ko sila hindi na nila ako titigilan kahit kailan.
"Please.. let me go," I manage to say.
Tinalikuran ko sila. Paalis na sana ako nang biglang hinablot ni lian ang braso ko para mapaharap ulit sakanya.
"Hindi pa ko tapos. Wag mo kong tinatalikuran!"
"Sorry, Okay? Di ko sinasadya na-"
Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi, Malakas na sampal ang nagpamanhid sa kaliwa kong pisnge. Nag init ang mata ko. Tila ako maiiyak sa sobrang sakit. But i don't want to show them how weak i am.
Tumawa ang tatlo. Sumikip ang dibdib ko sa galit na nararamdaman. How dare them to laugh like that? Ang sarap nilang pag untugin. Aambang aalis na sila ngunit hindi ko iyon hinayaan. Hinablot ko ang braso ni lian at hinarap siya sa akin. Nginisian niya ako. Tila nakakatawang bagay sakanya ang ginawa ko. Parang bulkan na lalong umalab ang galit sa dibdib ko at alam kong isang maling galaw na lang niya ay mapapasabog na niya ito.
"What? Lalaban ka? Tumingin ka nga sa salamin, know your place ugly duckling,"
Napuno na talaga ako. Ubos na pasensya ko. Napakuyom ang mga palad ko sa sobrang galit. I put all my energy to my right hand and solidly landed it to her face.
Take Note.
I do not slap, i punch.-
"Cait Belo, Our dean lister. What have you done?!" Mrs. santiago half hissed, half yelled at me. She's our dean. Kay mrs. santiago ipinagkakatiwala ng mga monte's ang University dahil matagal na ding magkaibigan ang santiago at monte.Hindi ako nakasagot agad. Nanginginig ang buo kong katawan. Pamangkin niya si lian kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari. After i punch lian, bumulagta siya sa sahig at nawalan ng malay. Dinala siya sa clinic ng school. Mabilis na nakarating sa dean ang nangyari kaya agad akong pinatawag.
"How dare you to hurt her?"
"I'm sorry ma'am," Yun lang ang salitang lumabas sakin. Nanginginig pa din ako at pinipigilang kumawala ang mga luhang nagbabadya ng bumagsak.
"Alam mo naman siguro na yung ginawa mo ay labag sa rules ng school, Hindi ba?" Ani mrs. santiago sa mababa ngunit may bakas pa din na galit sa boses.
Tumango lang ako habang nakayuko.
"We won't tolerate those hard- headed students, mga Bullies especially yung mga taong nananakit ng kapwa estudyante!"
"Ma'am hindi ako ang unang-"
"Kung ako lamang sana ang masusunod ieexpel na kita. Pero dahil hindi lang naman ako ang maaaring magdesisyon sa ganitong bagay aba maswerte ka pa." Humalukipkip siya at tinitigan ako.
Agad ang pag iwas ko ng tingin.
"But you're not lucky enough. Of course may parusa ka sa ginawa mo. You're scholarship is now terminated,"
"What?"
"This is your punishment. Got it?"
Napatayo ako bigla. "Hindi ako ang bully dito kundi ang pamangkin niyo ma'am. Bakit kailangan niyong tanggalan ako ng scholarship dahil lang sa gumanti ako sakanya? Gayong siya ang nag udyok sakin na gawin ko iyon?" Naiiyak kong sinabi.
Ang lahat ng nasa loobin ay hindi ko namalayang maisasatinig ko. God knows hindi ko ginusto ang nangyari. It's all lian's fault. Siya ang nag udyok sakin na gantihan siya.
"Wala ka ng magagawa sa naging desisyon ko. Once na inulit mo pa ito, hindi na ko magdadalawang isip na idrop out ka sa school,"
Umiling iling ako. Tears fell down in my cheeks. Mahinang hikbi ang kumawala sa bibig ko.
"Ma'am im begging you.. Scholarship na lang ang inaasahan ko. Kung wala yun hindi na ako makakapag aral,"
"That is not my problem anymore. Get out now!" Bulyaw niya.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kanyang office. Napaupo ako bigla ng manghina ang mga tuhod ko. Isang hikbi ang lumabas sa bibig ko hanggang sa masundan iyon ng pagbagsak ng maiinit na luha.
I messed up!
---🥺
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.