"Jigs, sa akin sasabay si cait. Magkita kita na lang tayo sa school. Una na kayo!" Eythan demanded nang yayain ako ni jigs sumabay sakanya papuntang school.
Hindi na nagreklamo si jigs sa sinabi ni eytha para hindi na magtalo pa. Dito ulit sila kumain ng breakfast kasama sina mio, mildred, wilson at shawn.
"Okay.. We have to go then?" Tumayo na si jigs. Tapos na din naman silang kumain. Ako na lang ang hindi pa dahil late na kong gumising kaya late din akong nakakain.
"Cait, bye.. " Sinabi ni Wilson sabay akbay kay mils tapos umalis na sila.
Nagpaalam din sina jigs, mio at shawn. Tinanguan ko lang sila at nagmadali ng ubusin ang pagkain na nasa plato ko.
"May game kami mamaya, Okay lang ba kung manood ka muna samin para sabay na tayo umuwi?" Sabi ni eythan ng nasa biyahe na kami.
Nagulat ako sa hinhin ng boses niya. Tila wala siyang topak ngayon? At bakit niya ko niyayaya manood ng game nila para sabay kami umuwi? Eh pwede naman akong magcommute? Iba talaga mood niya ngayon. Sana ganito siya palagi.
"Wag na. May tatapusin kami ngayon na report ng mga kagrupo ko. Baka matagalan kami.. kaya kung natapos agad kayo sa basketball mauna ka na. Magcocommute na lang ako pauwi."
Saglit siyang sumulyap sakin na nakakunot ang noo. Wow. Ang bilis talaga magpalit ng mood.
"Sinong mga kagrupo? Anong subject?"
"Sa english32. Hindi mo naman kilala yun. Hindi ka naman namin classmate sa subject na yun.."
Tinignan niya akong muli saglit. Lalong kumunot ang noo nito. Tinaasan ko siya ng kilay kaya ibinalik niya sa daan ang tingin.
"Alright." Walang gana niyang sabi.
Kaya naman matapos ang lahat ng klase ay pumunta agad ako ng library dahil doon ang usapan namin ng mga kagrupo ko.
Pagkapasok ko ng library. Nakita ko na agad ang mga kagrupo ko na nagkukumpulan sa isang lamesa.
"Oh.. Ayan na pala si cait. Usog kayo. Dito siya sa tabi ko.. Cait dito ka.." Sabi ni zander. Siya yung group leader namin. Naging classmate ko din siya nung highschool. Niligawan niya ako dati pero binusted ko kasi hanggang kaibigan lang ang turing ko sakanya.
I don't know why kung bakit ganito siya umasta ngayon samantalang simula nung araw na binusted ko siya, iniwasan at hindi na niya ako pinansin noon. Hm? Siguro nakalimutan niya na yun. Tutal matagal na din naman ang nakalipas. I have to forget it too.
Sinunod ko si zander. Umupo ako sa tabi niya. Naghiyawan sila pagkatapos. Bukod kasi kay zander. Naging classmate ko din noon sina troy, joshua, aveya at claire. Alam nila yung past namin ni zander dahil magkakaibigan sila that time. Hindi ko naman sila masyadong close kasi introvert ako noon.
"Zander, nililigawan mo ulit..?" Tanong ni aveya sa tonong nanunuya.
"Kung pwede nga lang eh.. Pero baka mabusted lang ulit ako.."
Nagtawanan sila sa sinabi ni zander. Nahiya pa ako ng konti kaya tipid lang akong ngumiti.
"Kung liligawan ka ba ulit ni zander cait.. Busted ba siya ulit?" Si troy naman ang nagtanong. Tiningnan nila akong lahat pati yung tatlong kagrupo namin na walang kaalam alam sa past namin ni zander ay sakin nakabaling ang atensyon. Nag aabang sila ng sagot.
"Hoy! Ano ba kayo.. Huwag niyo nga kulitin si cait. Tapusin na natin tong report ng makauwi na tayo." Sabi ni claire. Kaya naman nakawala ako sa mga titig nila ng magsimula na silang gawin ang report. Thanks to claire.
Alas sais ng gabi ng matapos namin ang report. Sabay sabay kaming lumabas ng school at nag antay ng tricycle para makauwi.
"Cait, wala bang susundo sayo?" Tanong ni zander ng nasa labas na kami ng school. Naunang nakasakay yung tatlo naming kagrupo na sina Baste, Shanel at kendra. Magkakalapit lang sila ng bahay kaya sabay sabay sila sa tricycle na sinakyan nila. Katulad ko mga scholar din ang tatlo. Si aveya at troy naman ay magkasabay ng umuwi. Ihahatid daw ni troy si aveya gamit ang kotseng dala niya. They we're boyfriend and girlfriend anyways. Naiwan naman kaming apat nila claire, joshua, zander at ako.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.