It's monday. A freaking three o'clock cold monday morning. And we had to go in the airport para maihatid si Mr. enrico. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Si eythan ay seryosong nagmamaneho.
"Monday ngayon, so may pasok na kayo ni eythan mamaya right..?" Ani tito enrico.
"Uhm si eythan lang po. Hindi pa ho ako makapasok mamaya kasi hindi ko pa nababayaran yung tuition fee ko," Sagot ko. Nalungkot ako bigla ng maisip na hindi pa ako makakapasok dahil sa unpaid tuition fee.
"Ah yes, i almost forgot.. pumasok kana mamaya cait. Kinausap ko na si Mrs. santiago at ipinabalik ko na ang scholarship mo. Kwinento sakin ni mildred ang lahat.."
"Oh my! talaga po..?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakangiti itong tumango.
"Naku! salamat po.." Sa sobrang saya napayakap ako sakanya ng hindi sinasadya. narinig ko naman ang pagtawa nito kaya ng marealize ang ginawa ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap at nahihiyang tumungo.
"Pasensya na po! sobrang saya ko lang po kasi naibalik po ang scholarship ko. pasensya na po talaga..." nahihiyang hingi ko ng paumanhin.
Narinig ko itong tumawa ulit. "I understand hija, you don't have to say sorry. In fact, nakakatuwa ka nga dahil mukhang desidido ka makatapos ng pag aaral. Your parents surely proud of you.." Nakangiting sabi nito na sinuklian ko din naman ng ngiti.
But later on sumeryoso din ang ekspresyon at na kay eythan na ang atensyon. Seryoso niyang tinititigan ang anak kahit nakatalikod ito sa amin. Nang tingnan ko naman si eythan ay seryoso din ito habang tutok ang atensyon sa pagmamaneho ngunit kapansin pansin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. May alitan ba ang mag ama kaya ganun na lang kalamig ang trato nila sa isa't isa? Binalewala ko na lang ang nakita ng magpark na ang kotse at bumaba si eythan. Sumunod naman si tito enrico at akma na sana akong bababa ng pigilan ako nito.
"Dito ka nalang sa loob ng kotse, Si eythan na lang ang maghahatid sakin sa loob. Kailangan ko din siyang makausap ng kami lang bago ako umalis." Sabi nito at saglit na tinignan ang anak na ilang layo lang ang distansya sa amin. dala dala nito ang bagahe ng ama at seryosong nakatingin lang sa amin.
Tumango ako. "Sige po, Thank you po sa scholarship na binigay niyo. Mag iingat po kayo.." I heaved a deep sigh bago ko siya niyakap. Naramdaman ko naman ang paglapat ng mga kamay nito sa aking balikat.
"You're welcome, cait." Sabi niya pagkatapos naglakad na papunta sa kinaroroonan ng anak.
____
Makalipas ang halos kalahating oras dumating din ang asungot na si eythan. Seryoso ito at bakas ang pamumula ng dalawang mata at ng ilong. Pumasok ito ng kotse at narinig ko pa itong suminghot. He cried. The great eythan monte cried because his daddy left him. Sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Why you're smiling?" Nagulat ako ng magsalita ito habang inaatras ang kotse.
"H-ha!?" Nauutal kong sabi.
"Here we go again. Puro 'Ha' lang ba ang alam mong sagot pag tinatanong kita? O bingi ka lang talaga..?" Halos magkasalubong na ang kilay nito na nakatingin sakin.
"Tumingin ka sa harap. mamaya mabunggo tayo eh!" Sabi ko.
Agad naman itong tumingin sa harap at tinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. Thank god at hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa mansion.
Matapos niyang ipark ang kotse. Bumaba ako agad at mabilis na pumasok ng palasyo. Oo palasyo! Hindi naman kasi to simpleng bahay lang dahil napakalawak nito. may swimming pool, may malawak na garden at napakalaki ng bahay. Tapos dalawang tao lang ang nakatira? creepy.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
Genel KurguI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.