Chapter 33

937 19 0
                                    

"Totoo bang wala na kayo ni pinsan? Bakit? Anong nangyari? Akala ko ba nagkaayos na kayo?" Sunud sunod na tanong ni mildred sa akin ng magkita kami sa school.

Kahapon lang siya nakabalik galing states. Wala akong sinabi sakanya sa mga nangyayari kaya hindi ko alam kung saan niya nalaman yun? Pwedeng kay wilson, Pwede din sa mga kaibigan namin at pwede ding narinig niya sa mga nagtsitsismisang estudyante. Paano ba naman kasi kalat na kalat na agad sa school na nagbreak na 'daw' kami ni eythan. Bagay na hindi naman totoo dahil parte lang iyon ng pagpapanggap.

"Oo mils. Nagbreak na kami ni eythan mga isang linggo na nakalipas. Umalis na nga ako sa bahay nila, e. Sa bahay namin sa rizal na ulit ako nakatira." Labas sa ilong kong sinabi. Sorry mils, Kailangan kong magsinungaling.

"Huh? Ang bilis naman ng pangyayari. Akala ko pagbalik ko okay na kayo. Anong nangyari? Hindi mo na siya mahal?" Niyugyog niya ko. Na para bang kapag ginawa niya iyon ay matatauhan ako.

"Mahal ko siya. Pero nagparaya na lang ako sakanila ni amanda. He still loves amanda, e." Sumikip dibdib ko kahit hindi naman totoo iyon.

"Tang ina naman pala ni amanda, e. Sinabi niya sakin na wala na siyang feelings for eythan. Masasabunutan ko ang bruhang yon kapag nakita ko yun." Gusto kong matawa sa pinapakitang galit ni mildred. She's really my bestfriend. Pero ayaw kong awayin niya si amanda.

"Mils, hayaan na lang natin silang dalawa. Makakamove on din ako." Fuck? What the hell. Para kong nagsusuicide sa ginagawa ko.

"Move on my Ass! Ipaglaban mo si eythan. Hindi pwede yung ganyan. Parang ang hirap paniwalaan, Kitang kita ko noon kung paano niyo kamahal ang isa't isa tapos ngayon break na? Ang bilis naman mabago ng lahat? Naiinis ako huh? May hindi tama dito." Inirapan niya ako.

Nang matapos ang ilang klase ay time na para sa isang subject kung saan kablock ko si eythan. Dapat ay magkatabi kami sa upuan nun pero dahil nga nagpapanggap kami na wala na ay nakipagpalit ako ng upuan sa iba para hindi na kami magkatabi. Oh diba? Para maging makatotohanan naman.

"Aw. bitter!" Sinabi ng isang babae.

Hindi ko na lang pinansin. Yun naman ang gusto kong mangyari. Isipin nilang wala na talaga kami ni eythan. Para worth it naman yung pagsasakripisyo ko kahit papaano, no! Habang nagbabasa ako ng notes naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

From : Eythan
Bakit hindi ka tumabi sakin? Miss na kita ng sobra! :(

Nilingon ko kung saan siya nakaupo. Nagkatinginan kami. He frown. I bitterly smile. Gusto kong makita niya ang side effect ng ginawa niya. Kailangan naming magpretend na break na di ba? Then, I'll go with the flow. We should act like one. Kunwari bitter ang peg ko dito! Tapos siya pinagpalit ako for amanda.

I composed a text for him.

To : Eythan
Serve you right! :P

Nakita kong binabasa na niya ang text ko. Kumunot ang noo niya sabay tingin sa akin. Pagkatingin niya Dumila ako sakanya! Nagulat siya sa ginawa ko kaya napangisi ako. Nakita kong nagtype ulit siya.

From : Eythan
Is that a punishment, Baby? :(

Ngumisi ako sa nabasa at mabilis na nagtype.

To : Eythan
Oh yes baby. Haha :)

Nilingon ko siya. Nagulat ako ng hampasin niya ang arm chair pagkatapos mabasa ang text ko. Madami ang tumingin sakanya at napagalitan pa siya ng professor namin. Tinakpan ko ang bibig para mapigilan ang pagtawa.

Nang natapos ang klaseng yun ay nagmadali akong lumabas ng classroom. Ayaw kong maabutan ni eythan. Desperada na akong parusahan siya sa naging desisyon niya. I'll make him sick by missing me.

Yun nga ang nangyari sa buong araw hanggang sa mag uwian na. Diretso uwi na agad ako sa bahay dahil wala naman akong gagawin na kahit ano. I stayed in my room and open my phone. There was a text from eythan.

From : Eythan
Where are you? Don't ignore me. Don't do this to me. :(

Nag- isip ako ng pwedeng isagot sakanya. Ilang segundo bago ko siya nireplyan.

To :
I don't want them to see us together. Don't find me. I'm already home.

Kinuha ko ang isang libro na hindi ko pa nababasa. I need to do something. Ang boring ngayon. Dumapa ako sa kama at sinimulang basahin ang fictional books habang inaantay ang reply niya. A minute later nakatanggap na ko ng text.

From : Eythan
Bakit hindi ka nagpahatid sakin? Are you avoiding me? Galit ka ba? Cait, please understand me. Para sa kaligtasan mo din naman lahat ng ginagawa ko. :/

Literal na umikot ang eyeballs ko sa nabasa. Alam ko naman na kasi yun. Oo na nga. Para sa kaligtasan ko nga yung ginagawa niya. Hindi na niya kailangan ulitin ng ulitin. Gets ko naman na eh.

Umiiwas ako sakanya dahil sa dalawang rason. Una, inaamin kong gusto kong marealize niya na mahihirapan kami sa ganoong set up. Na madami na kaming bawal gawin. Tulad ng mag usap at magkita. Pangalawa, I'm just helping. Hindi lang naman silang dalawa ni amanda ang umaacting dito eh. Pati ako kasali. Tatlo kaming artista dito at ang role ko babaeng iniwan ng nobyo kaya naging bitter. At kapag sinabing bitter kadalasang ginagawa ay umiiwas sa taong nanakit sakanya, hindi ba?

It's his desicion. A fucking desicion to pretend! Kaya dapat panindigan niya. At dapat alam niya ang consequences.

Napabuntong hininga ako. Puro sana ang naiisip ko. Sana matapos na ang problema. Sana hindi ito ang maging dahilan ng paghihiwalay namin. Sana masaya na lang kami. Sana. Sana. Sana. Bwisit na Sana!

I calm myself and heaved a dramatic sigh. Nagtype ulit ako ng irereply kay eythan. I just hope maintindihan namin ang bawat isa.

To :
Kailangan kitang iwasan para hindi tayo mahuli nila lian. Kapag nalaman ni lian na hindi tayo totoong naghiwalay magsusumbong siya kay lance. Mawawalan ng saysay yung ginagawa natin kapag nangyari 'yun. Baby, I'm not mad. And please... Ikaw din huwag kang magalit sa akin. Bear with the situation! We can do this.

Isang minuto lang ata ang nakalipas may sagot na agad siya sa sinabi ko.

From :
I understand. Sorry baby :( Miss na miss lang talaga kita. Tsk. Ang hirap pala ng ganto. I missed your hugs and kisses.




To :
I missed you too! Fighting lang baby :)



From :
I missed that too.



To :
You missed what?



From :
You calling me baby. :) Naalala ko yung nasa hotel tayo. Tinawag mo kong baby. It's like a moan to my ears. :D

End of conversation.

Hindi na ko nagreply dahil feeling ko binawian ako ng hininga. How could he easily say that? Ako tuwing naaala ko yung nangyari sa hotel hiyang hiya na ko sa sarili, e. Hays! Ang pervert ko ba naman kasi ng time na yun.

Young wild and free.

****

Sorry lame update! Bawi next time.

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon