Chapter 3

1.6K 49 1
                                    

Matapos ang ilang araw na pag iisip sa trabahong inalok ni mildred. Napagdesisyunan ko na tanggapin ito. Para maipagpatuloy ko na nga ang pag aaral ko. Sayang din naman ang pagkakataon. Mildred gave my number to her uncle kaya nagkausap kami via call.

"Mama," I called. Dali dali akong bumaba sa hagdanan dahil narinig ko na ang pagbusina ng isang kotse mula sa labas. I cursed silently as i searched for my bags.

"Cait," mama shouted back. "Bilisan mo! Nandyan na ang sundo mo. Naku! napakagwapong driver." Sabi ni mama habang kinikilig.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Mabilis kong binitbit ang dalawang bag nang makita ko ito na nakapatong sa sofa. "I'm going," Paalam ko sakanya.

"Hep! Aalis kana agad agad? Wala man lang hug at kiss bago umalis?" She demanded.

Nilingon ko siya. I flashed a smile pagkatapos tumakbo ako papunta sakanya "I love you ma,"

"I love you too anak. Mag iingat ka doon ha?"

"Pwede bang makisali?" Sabi naman ng bagong dating kong papa. Nagmamaneho siya hanggang umaga. Todo kayod sa trabaho.

Lumapit ako sakanya saka hinalikan sa pisnge at mahigpit na niyakap. "I will miss you papa!" Sabi ko.

"Mamimiss din kita anak.  Pag may problema huwag mahihiyang tumawag ha," Bulong sakin ni papa.

"Yes, pa!" Sabi ko at kumawala na sa yakap. Humakbang na ko papunta ng pinto. Sa huling pagkakataon nilingon ko sila. I flashed a smile then waved my hands.

Lumabas na ko ng tuluyan ng bahay at bumungad sakin ang pulang kotse. Hindi ko makita ang nasa loob dahil black tinted ang bintana. Kumatok ako ng tatlong beses. Dahan dahan namang bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw ang napakagwapong driver. Sa sobrang gulat ay tingin ko'y nakanganga ang bibig ko.

"Sakay na," Seryosong sabi ni eythan monte. He's wearing a black fitted shirt. kitang kita ang kakisigan ng katawan nito sa suot. Plus pointed nose, dark black eyes and kissable red lips. He's effin hot!

But wait, bakit siya nandito?

"Hey!" Kunot noong sabi nito.

"Ha?" Gulat kong tanong.

"Are you deaf? Sabi ko, sakay na?" Halos magsalubong ang dalawang kilay na sabi nito. Mukhang naiinip na.

"Bakit?" Napakamot ako sa ulo at ngumiting pilit.

"Akala ko ba nakausap kana ng dad ko? Magtatrabaho kana samin, right?" Iritableng tanong nito. Binawi nito ang tingin at humarap sa unahan habang mahigpit ang hawak sa manibela.

Bigla naman akong natauhan. Oo nga pala, Mr. Enrico called me kanina. He told me na may magsusundo sakin dito. Eh kaso hindi niya naman sinabi na yung napakagwapo pero ubod ng sungit niyang anak pala ang susundo sakin. Malay ko ba!

"Wala kaming driver," Sinabi ni eythan. Tila mind reader lang ang peg.
Nang hindi ako nagsalita. Muli itong tumingin sakin. "Ano hindi ka pa ba sasakay?" Pasigaw nitong tanong. Halatang naiinip na.

"Si sir enrico ba ang nagsabi na sunduin mo ko?" I asked instead.

"Hindi ko naman to gagawin kung hindi niya inutos. Will you please stop asking questions and just get in to my damn car? You're wasting my time," He gritted his teeth.

Dali dali akong napasakay ng wala sa oras. Binuksan ko ang kotse at napaupo sa tabi nito. Medyo natakot kasi ako sa boses niya. Habang nasa biyahe na. Wala man lang saming dalawa ang nag isip na magsalita. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang tahimik lang din akong nakatingin sa bintana. Pero paminsan minsan ay napapasulyap ako sa katabi ko.

For how many years na naging classmate ko siya noong highschool at hanggang ngayon na classmate ko pa din siya sa tatlong subject ngayong college. Ni hindi man lang ako nito pinansin o kinausap man lang. Ni hindi nga siguro nito alam pangalan ko kung hindi lang ako pinakilala ni mildred sakanya at sa mga kaibigan nya doon sa coffee shop e. Silang lima ng mga kaibigan niya matagal ko ng kilala. Pero ako? Wala man lang sila kaalam alam kahit konti sakin. sabagay invisible naman kasi ako sa school eh, ano pa nga bang ipagtataka ko?

Napatingin ako kay eythan. Napakagwapo niya! Kaso ubod ng sungit eh.

"Stop staring," He said without smiling.

My eyes widened. "Ha?"

"Bingi ka ba?" Sumulyap ito sakin saglit pero mabilis ding binaling ang atensyon sa daan.

Umirap ako. Sungit!

Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy na lang ang pagtingin sa bintana.

Maya maya lang huminto kami sa tapat ng pulang gate. Lumabas siya sa kotse at ganun din ang ginawa ko. Pumasok siya ng gate at mabilis na naglakad. Wow! That's all i could say. Napakalaking bahay, may malawak na garden at swimming pool. Sinundan ko siya pero ang bigat ng bag ko. ang layo na ng distansya namin.

"Hey! Pwede bang hintayin mo ko?" Sigaw ko habang tumatakbo para maabutan siya.

Tumigil siya at lumingon sakin. Parang naiinis na humugot ng malalim na hininga bago lumapit. Nagulat ako ng kuhain niya ang lahat ng bag ko at tila hindi man lang siya nahirapan doon.

"You don't have to get all my bags. I can-"

"Shut up," He shouted. At nagsimula na ulit maglakad. Tahimik ko naman siyang sinundan papasok ng malaking bahay.

Natigil kami sa tapat ng double door ng makita ang isang lalaking nakangiti na nakatayo doon. Sa tingin ko ang edad ay mga nasa 40's na. I'm sure he's Mr. Enrico Monte? He's familiar dahil minsan ay nakikita ko ito sa school.

"Good morning, sir!" I flashed a smile

"Hello hija, good morning! Tito na lang ang itawag mo sakin besides kaibigan ka naman ni mildred at ng anak ko."

"She's not my friend, dad." Agap ni eythan.

"Whatever," Natawang sabi ni mr. Enrico.

Eythan heaved a deep sigh bago umakyat ng hagdan. Dala pa din nito ang mga bag ko.

"Ganyan talaga siya. Just bear with him," mr. Enrico explained.

I know. What so ever!

"Yes tito enrico," I said shyly.

Ngumiti ito saka ako inakbayan papasok ng tuluyan sa loob ng mansyon.

"I Hope you can keep that as a promise kahit na kayong dalawa na lang ang magkasama kapag umalis na ko papuntang new york, cait." Sabi nito dahilan para mapanganga ako.

What? he's leaving? And he will leave me with that devil ethan guy? This can't be.

Umakyat kami sa second floor at binuksan nito ang isang pintuan ng kwarto doon. sinilip ko ang kwarto at nakita ko doon ang mga bag ko. Siguro ito ang magiging kwarto ko.

"Pero mr. Enrico-"

"Don't worry! Eythan is harmless." Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Go in. Magpahinga ka muna! I'm sure pagod ka pa sa byahe."
Ngumiti ito at saka bumaba na ulit ng hagdan.

I was left dumbfounded.
I'll be living here with a devil. What the hell?

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon