Chapter 28

1.1K 21 1
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama. Ilang minuto ng nasa bathroom si eythan. He's taking a shower. Nasa Centro Hotel kami. Nagstop over muna kami dito dahil hindi siya maayos magdrive. Babalik na dapat kasi kami kanina sa mansyon pero nahintatakutan ako sa pagdadrive na ginagawa niya.

"Can we stop over in that hotel for a minute?" Tinuro niya ang mataas na building na nasa tapat pagkastop namin ng kotse. "Madaling maaalis ang hangover ko kung makakapagshower ako." Sinabi pa niya.

Nang una ay nag alangan ako pero ng maisip na ilang buwan din naman akong nasa mansyon nila kasama siya. Wala naman sigurong pinagkaiba? And besides, I know eythan wouldn't do something stupid!

Lumabas si eythan sa bathroom. Bigla na naman tuloy kumalabog ang puso ko lalo na ng magtama ang aming tingin. Nakasuot lang siya ng pang ibabang short tapos wala siyang damit pang itaas. Kaya naman lantad sa harap ko ang six pack abs niya. Nalanghap ko pa ang mabango niyang amoy. Titig na titig sakin ang malalim at mapupungay niyang mata kaya para akong nabarahan ng lalamunan. I looked away! His gaze is intense. Hindi ko kayang makipagtitigan.

Bumangon ako at umayos ng upo sa kama. Naramdaman ko naman ang paglapit niya. Umupo siya sa paahan ng kama at alam kong sakin siya nakatitig. Tumikhim siya bago nagsalita.

"I'm okay now. But i want to talk to you before we leave.. Can we?" Sinabi niya sa malamyos na boses.

"Okay eythan. Let's talk." Nilingon ko siya at tinitigan ng buong buo ang loob.

Gusto ko ng malaman ang totoo. I want to know his true feelings. Kung sino ba talaga ang mahal niya. Narinig kong sinabi niya na mahal niya pa si amanda noong nag usap sila ni lance. Pero kapag kaharap niya ako, sinasabi naman niya na mahal niya ako. Is he playing with me and amanda? Ano siya? Namamangka sa dalawang dagat? That's ridiculous.

I heard him clear his throat. "So mind to tell me the problem? Are we not okay?"

"Obviously we are not okay." Medyo masungit kong sagot sakanya. Nag uumpisa na naman akong mainis.

"Why? May nagawa ba kong hindi maganda? Ano bang ikinagagalit mo Cait? Umalis ka sa bahay ng walang paalam. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala sayo? Dalawang linggo mo akong pinag isip. Halos mabaliw na ako kakaisip sayo, Kakaisip kung anong problema natin. Kung ano ba nagawa ko at bigla mo na lang ako iniwan. Yun ang masakit dun e. Maiwan ng walang dahilan." Pasigaw niyang sinabi.

Tumalim ang titig ko sakanya. How dare him to raise his voice at me? Hindi ko siya iniwan dahil sa wala lang. Ano ako baliw? Iiwan ko siya dahil gusto ko lang? Ganun ba kababaw tingin niya sa akin?

"JERK! How could you say that to me? Hindi ako umalis dahil sa wala lang. May dahilan ako, eythan. And that is what i want to tell you." My throat took on a sudden tension that was reflected on my voice.

"Then tell. That is what you should done before you left our house. Tell me what's wrong. Do you understand Cait?" His voice was still ascending.

"Are you shouting at me? Don't you dare raise your voice at me. This is your fault. Ikaw ang dahilan kung bakit ako umalis ng walang paalam. Nasaktan ako sa narinig ko ng mag usap kayo ni lance."

"What are you talking about? Direct to the point cait. Huwag mo na kong gawing parang tanga dito. Dalawang linggo na kong nababaliw sa kakaisip ng kinagagalit mo."

"Do you still inlove with amanda?" Diretso kong tanong sakanya.

"WHAT?" He exclaimed in a deep throated- baritone.

Great! Wala siyang alam? Ano to? Naglolokohan ba kami dito?

"Sinundan kita ng magkita kayo ni lance. Hindi mo na na ba naaalala? Two weeks ago, eythan. Alalahanin mo yung araw na nakipagkita ka sakanya. Rinig na rinig ko ang sinabi mo kay lance. You still inlove with amanda, right? I'm right. You can't deny that. Ako mismo ang nakarinig nun. Now tell me.. Sabihin mo sa harapan ko na hindi ako ang mahal mo kundi si amanda. Tell me that... Right in my face." Sigaw ko.

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon