"Seriously? Sa iisang bahay kayo nakatira?" Ani zander.
Nasa room kami. Pinaalis niya pa talaga yung katabi ko para tumabi sakin. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol dito. I'm already annoyed.
"Will you please stop bothering me, Zan?"
"Just answer me and i'll leave.."
Humugot ako ng malalim na hininga. Alam ko namang alam na nito kagabi pa lang eh. He's just making it sure.
"Yes.."
Nakita ko kung paano siya malaglagan ng panga. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala huh?
"Teka nga, May relasyon ba kayo?"
Umiling iling ako.
"Are you drugs?" Naiirita kong sabi.
"Curious lang. Ano ba kasing relasyon niyo? Bakit ka nakatira sa bahay ni eythan?"
Nakatitig siya sakin na gulong gulo ang ekspresyon. Eh bakit ba curious to? Talo pa imbestigador kung magtanong.
"I'm his ... Maid." Ayan nasabi ko na. Nakakahiya! Para lang matigil na siya sa pag iisip ng kung anu- ano. Mas okay pa na malaman niya ang totoo na maid ako kesa girlfriend.. Mas nakakahiya 'yon. Mamaya kung ano pa sabihin ni eythan e.
"What? come again? Maid? Ni eythan?"
"Sino yung maid ni eythan, zan?" Si aveya, nang makalapit ito sa amin.
Shit!
Napalakas kasi boses ni zander. Nagsipaglapitan tuloy sina aveya.
Tinuro ako ni zander. Tinitigan ko siya ng masama. Hays, Wala na. Kahihiyan na naman ito. Kay bilis pa naman kumalat ng tsismis. Si Cait belo yaya ni eythan Monte.
"Talaga beh?" Ani aveya. Mahilig talaga siya sa 'beh'. Endearment niya sa mga babae.
Tinanguan ko siya.
"Oh my god. Ibig sabihin araw araw mo siya kasama? Ay beh, Ang swerte mo!" Ani aveya, Kinikilig at hinampas pa ko sa braso.
Really? kinikilig talaga? Harap harapan ng boyfriend? Nakabusangot tuloy si troy.
"Bakit ka naman nangangatulong cait? Hindi ba naaapektuhan pag aaral mo?" Ani claire.
Nakapalibot na kasi sila sa akin. Wala ata kaming professor kaya libre kaming magdaldalan ngayon. Katabi ko si zander at aveya. Si troy at claire naman ay nasa unahan. Inikot nila ang upuan para humarap sa amin. Si joshua, Hindi ko alam kung bakit hindi nila kasama ngayon.
"Hmm. hindi naman! Actually malaking tulong sakin yung trabaho ko kasi may sahod na, binigyan pa ko ng scholarship ni Mr. Enrico monte.."
"Yung daddy ni eythan? Balita ko nasa ibang bansa yun ah? So ibig bang sabihin kayong dalawa lang ni eythan yung magkasama sa bahay nila?" Ani aveya.
Oh yeah. Pero dapat bang malaman pa nila yun? Paano kung mag isip ng hindi maganda ang mga ito pag nalaman nila na kaming dalawa lang ni eythan ang nakatira sa mansyon?
"Ano ka ba babe? Siyempre may iba pang kasama. Alangan namang si cait lang yung maid dun. I'm sure madami pang maid si eythan. Mayaman yun eh." Ani troy.
Nagsitanguan naman sila sa sinabi ni troy.
"Oo nga naman.." Sang ayon ni claire. Tumango tango pa siya.
Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Oh zander, Tahimik ka dyan? Huwag ka ng magselos kay eythan. Madami naman silang kasama ni cait doon.." Sabi ni aveya sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.