Chapter 32

970 25 0
                                    

"What are you talking about?" He asked, Confused.

"I saw you talking with amanda sa kitchen kanina."

"Cait, We're just talking. Wala kaming ginawang masama. It was just a serious matter kaya kailangan kaming dalawa lang ang mag usap. Bakit ka nagseselos? Wala..." He stop. "Wait! Narinig mo ba pinag usapan namin?"

"Yup. I heard... That's why I want you to stay away from her."

Natahimik siya. Huminga siya ng malalim. Nakikita ko sa mata niya ang paghihirap sa sitwasyon. Natatakot ako! Natatakot ako na magdesisyon siya na magpanggap nga sila ni amanda na magkarelasyon para maprotektahan ako. Ayaw ko ng ganon. Mas masasaktan ako kung makikita ko siyang si amanda ang kasama sa halip na ako.

Kapag naging sila ba ni amanda titigil na si lance? I'm sure hindi. Kung hindi masasaktan ni lance ang sariling pinsan Baka siya na lang ang puntiryahin ni lance. At ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong mapahamak siya! Alam ko kung gaano namumuhi si lance sakanya dahil sa pagkamatay ng kapatid nito. I'll rather sacrifice myself than him to get hurt. If he can protect me, I can protect him too.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tumitig ng husto sa akin.

"Cait, hindi ko pa dapat ngayon to sasabihin sayo-"

"No eythan. Wala kang sasabihin. Ayaw kong makinig. Shut your mouth!" Nanginig ang labi ko. Tinangka kong umalis doon pero pinigilan niya ko sa braso.

"Cait Please... That will be just a pretending act. Me and amanda were just going to pretend as a couple. Pero sa totoo tayo talaga! Hindi naman tayo magbibreak. Ikaw pa din naman ang mahal ko-"

"You and amanda? Marinig ko pa lang na magkadugtong ang pangalan niyo At kayong dalawa ang magkapares ang sakit sakit na, e. Paano pa kaya kung makita ko kayong magkasama? Ano? Torture? Yun ba gusto mo?"

Pumikit siya. SHIT! Pinapahirapan ko na ba siya ng husto? Bakit kasi ganto nangyayari. Kung sana'y tumigil na lang si lance sa paghihiganti hindi na sana kami nahihirapan ng ganito. Mali naman siya ng pinagbibintangan. Hindi naman talaga kasi sila eythan ang pumatay sa kapatid niya.

"Eythan, Ipakulong na lang natin si lance para matapos na to."

Umiling agad siya sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba dapat yun na lang ang dapat naming gawin para matapos na ang lahat? Para wala ng mapahamak at wala na ding pagpapanggap na mangyari.

"Cait..."

Parehas namin nilingon ni eythan ang nagsalita. Pumasok si amanda at lumapit sa amin. Namumula ang mata niya. Naiiyak siya!

"I'm sorry to interrupt. But cait, Please huwag mong ipakulong pinsan ko. Mabait si lance. Hindi lang talaga niya matanggap na namatay si Kuya Jacob. Nadepressed siya at alam kong sinisisi niya sila eythan para may masisi lang talaga... I know walang kasalanan sila eythan kaya nga pinapaimbestigahan ko ang kaso hanggang ngayon para mahuli ang totoong may sala." Puno ng pagsusumamo ang boses niya.

"Amanda, Hindi tama yung ginagawa ng pinsan mo. Madami na siyang naperwisyo! Nasaktan na niya ako. Sina eythan pinagbibintangan niya. Mali yun. Dapat matigil na siya."

"Alam ko, cait. Kaya nga humihingi ako ng konting panahon sayo na magpanggap kami ni eythan bilang magkarelasyon. We're just going to do that to protect you. Kapag napaniwala namin si lance na wala kang kinalaman sa buhay ni eythan hindi kana niya madadamay. Hindi ako masasaktan ng sarili kong pinsan. Eythan can protect himself from lance. Si mildred nasa States. I will make sure na matatapos din ang lahat. I promise you. So please? Trust me." Tumulo ang luha sa pisnge niya.

Pumikit ako at nag iwas ng tingin. Ang hirap! Alam kong masasaktan ako. Kagagaling lang namin sa problema ni eythan At eto na naman ang panibagong problema.

Narinig kong tumikhim si eythan. Inabot niya ang kamay ko at tumitig siya doon. Pinaglaruan niya iyon hanggang sa nagsalita siya.

"Cait, do you trust me?" He asked, not looking at my eyes.

Tumango ako. "I trust you eythan." Masakit lang talaga ang gagawin nila.

"Then please..."

"Okay eythan." I cut his words. A sigh escape on my lips. "Do what you want." Sinabi ko at iniwan silang dalawa doon.







"HAPPY NEW YEAR!"

Halos mabingi ako sa ginawa ni mama. Itapat ba naman sa tainga ko ang bibig niya sabay sigaw.

"Happy new year mama, papa... I love you!" Humalik ako sa pisnge nila pareho bago pumasok sa loob ng bahay. Nagsisindi sila ng paputok ng iwan ko doon.

Naghugas ako ng kamay sa lababo pagkatapos ay kumuha ng mansanas sa lamesa. Umupo ako sa maliit naming sofa at nilabas ang cellphone sa bulsa. Wala pa din siyang text. Kanina ko pa inaantay ang mensahe niya pero wala ako natatanggap.

To : Eythan
Pupunta ka pa ba?

Umasa ako na pupunta siya. Nangako siya na kahit anong mangyari ay magkakasama kami sa araw ng bagong taon. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang makita. It's been one week nang umalis ako sa mansyon nila eythan. Kailangan naming gawin iyon dahil may nagmamatyag sa paligid ng bahay. Iniisip namin na sila lance yun.

Pumayag na akong magpanggap sila ni amanda na sila at kami ay break na. Walang alam ang mga kaibigan namin na nagpapanggap lang silang dalawa para maiwasan ang komplikasyon. We need to be careful. Kaya naman si claire at aveya ay sobra sobra ang galit kay amanda. Iniisip nilang inagaw ni amanda sakin si eythan. Pinipigilan ko na nga lang ang dalawa sa tuwing binabalak nilang sabunutan si amanda, e.

"Cait, hindi na ba pupunta nobyo mo?" Pumasok si papa at naitanong iyon.

"Hindi pa po siya nagrereply, Pa. Hindi ko lang po alam." Napabuntong hininga ako. Pati yung plano naming new year celebration sa mansyon nabulilyaso.

"Ah. Kain na tayo! Tirahan na lang natin siya. Nagugutom na ko, e."

"Pa, mauna ka na po. Busog pa po ako!" Pilit akong ngumiti kay papa.

Ayaw kong makita niya na malungkot ako kasi wala si eythan. Geez! Bakit wala pa siya? Magkasama ba sila ni amanda ngayon? Hays! Ayan na naman ako sa kakaisip. Can't I relax?

Ilang oras pa ang lumipas. At wala pa din siyang text sa akin. Mag aalas dos na ng madaling araw. Nakatulog na lahat lahat sila mama wala pa din! Puta. Hindi ko na napigilan at tinawagan ko na siya. Pero nagriring lang ang tawag! Tatlong beses kong inulit pero ring lang ng ring. Huminga ako ng malalim at pinigilang bumagsak ang nagbabadyang luha.

Ugh!

Ayaw ko sa lahat yung hindi marunong tumupad sa pangako, e. Tumayo na ko sa sofa at pumasok ng kwarto. Nang pagpasok ko sa loob ay saka lang ako nakatanggap ng text. Nanginginig pa ang kamay ko habang inoopen ang screen ng phone. Hindi ko akalian na madidisappoint lang ako sa pagbukas ng mensaheng iyon.

From : Eythan
Cait I'm sorry hindi na ko makakapunta. Lance outside, Nagmamatyag. Hindi ako makaalis dahil makakahalata iyon. I'm really sorry. Happy new year, baby!

****
Pafollow please? :)
Ig: mijoyxxii

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon