Ilang beses ko atang binasa ang text na iyon ni eythan. Hanggang ngayon ang lakas pa din ng tibok ng puso ko! Miss na miss ko na din siya. Gusto kong ireply sakanya. Pero pinipigilan ko ang sarili. Hindi pa kami okay. Gusto ko munang marinig ang eksplanasyon tungkol sa narinig ko noong nag usap sila ni lance.
To : Eythan
Thank you! Merry Christmas din.Yun lang ang nireply ko. Wala pang isang minuto may reply na siya. Hindi naman siya nagmadali nun ha?
From : Eythan
God, totoo bang nagreply ka na? O baka lasing lang ako kaya naiimagine kong nireplyan mo ko? :(Napairap ako sa nabasa. Fuck! Nag-iinom siya? Saan? Sa party? Sa bahay ni amanda? Nakakainis. Naiinis ako! Hindi ko na siya nireplyan at sumalo na kila mama at papa sa hapag kainan. Paupo na ko sa pwesto ko ng magvibrate na naman ang phone ko! Message from him again. Hindi ko na binasa yun dahil naiinis ako sakanya. Umupo na ko ng tuluyan sa upuan ko. Nagpray muna kami, Hinalikan ko si mama at papa sa pisnge tsaka kami kumain.
"MERRY CHRISTMAS! CHEERS." Sinabi ni mama sabay angat ng hawak niyang baso na may lamang juice.
Tawa kami ng tawa ni papa. Imbis kasi na alak ang iniinom namin ay juice na lang. Wala naman kasi sa lahi namin ang lasinggero at lasinggera, e. Sinabayan na lang namin ni papa si mama sa trip nito. Inangat din namin ang aming mga baso at dinikit iyon sa kanina pang nag aantay na baso ni mama.
"CHEERS!" Sabay sabay naming sinabi. Tapos nagtawanan ulit.
Matapos naming kumain, nagvideoke naman kami. Masasayang kanta yung mga kinanta ni papa like 'Nosi ba lasi'. May pagkarock kaya puno kami ng tawanan. Alas dos na ng madaling araw ng tumigil kami. Syempre, inaantok na din sila kaya nagpahinga na.
Ako lang ang hindi pa natutulog. Nagprisinta kasi ako kila mama at papa na ako na lang ang magliligpit ng mga pinagkainan at mga kalat namin. Pagkatapos kong maligpit lahat. Dumiretso na ko sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at sinubukang matulog pero ilang minuto na ang nakalipas hindi pa din ako makatulog! Nagvibrate ulit ang phone ko. Napukaw nun ang atensyon ko. Nilabas ko sa bulsa ang phone at tinignan. Apat na pala mensahe ni eythan. Binuksan ko iyon.
From : Eythan
Hindi ka na nagreply. I guess lasing lang talaga ako.-
Baby, Please talk to me. I missed your voice. I missed you so bad. :(-
Today is christmas. Imbis na magsaya. Sobrang lungkot ko! I am alone. Wala talagang nagmamahal sa akin.-
I really missed you so much. Wish you were here.May tumulong luha sa mata ko. God knows kung gaano ko na din siya kamiss. At isa pa bakit ba mag isa lang siya? Nasaan ba siya? Hindi ko maiwasang mag alala. I texted him. Asked him where he is. And he called. Hindi siya sumagot sa text kundi tumawag na lang siya. Kinakabahan kong sinagot iyon.
"Baby." Narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. His voice is husky. Napasinghap ako! God, miss na miss ko na talaga siya.
"Eythan, Where are you?" Sinabi ko sa namamaos na boses.
Pinakinggan kong mabuti ang background sa kabilang linya. Tahimik. Wala akong ibang marinig kundi ang paghinga niya. May narinig akong babasagin. Naiimagine ko na nagsasalin siya ng alak sa baso. Hindi siya nagsalita. Siguro ay nilagok muna niya ang alak na sinalin. Fuck! Naiinis ako sa mga naiisip.
"Baby, Nandito lang ako sa bahay! I'm alone here. Miss na miss na talaga kita. I wish you were here." Nabasag ang boses niya. Is he crying?
Pinakinggan ko siyang mabuti. Narinig ko siyang suminghot. Napasinghap ako. Oh my god. Umiiyak siya! My baby is crying.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.