Chapter 24

985 27 0
                                    

It was a cold monday morning. Lahat ng nasuspensyon ng isang linggo ay maaari na ulit pumasok. Ang balita ko ay si tito enrico pa ang nagsuggest na dapat makatanggap din ng parusa ang anak. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi man lang siya nagparamdam kay eythan?! Imposible namang hindi niya nababalitaan ang mga nangyayari dahil lahat ng pangyayari sa school at kay eythan ay ibinabalita sakanya ni mrs. santiago. We tried to contact him but we couldn't. Galit kaya siya na nasangkot si eythan sa drag racing accident? Galit kaya siya dahil may relasyon kami ni eythan?

I was passing by on the gymnassium, on my way to my first class,  when someone grab my arm. Hinila niya ako papasok sa gym na nadaanan. Walang katao tao kundi kaming apat lang ang nasa loob. Lian locked the door. Padarag niyang binitiwan ang braso ko dahilan para matumba ako sa sahig. Tumawa siya at inutusan si melanie at krisha na itayo ako. Sumunod naman ang dalawa at hinawakan ako sa magkabilang braso para hindi ako makapalag.

"Hello bitch! How are you? Have you been well?" Lian said smirking.

I glared at her. Wishing glares could kill, but it didn't make a single scratch not even erase the annoying smirk on her face.

I bitterly smiled.

"Yes. I'm doing well. And happy with eythan. How about you? Are you going to be like this all the time? Being jealous? Being bullies? Being low class? Are you happy being like that? I guess not. I can't help myself but pity you, lian."

Naglaho ang nakakaloko niyang ngiti. Galit na ekspresyon ang pumalit. Lumapit siya sa akin at sinampal ako. Isang sampal na nagpamanhid sa pisnge ko.

Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak sakin ni melanie at krisha. Halos maramdaman ko ang mga kuko nila sa balat ko sa sobrang higpit.

"What did you say? Naaawa ka sa akin?" Pinagtaasan niya ko ng kilay sabay halukipkip.

"Yes. Nakakaawa ka." Matapang na saad ko.

Ngumisi siya. Pero hindi iyon nagtagal at tila napupuno niya kong tinitigan. "You want to die?"

"Are you really going to be like this? Can you just accept the fact that eythan not unto you but mine?" Kalmado kong sabi.

Ngumisi siya bago lumapit sa akin. "I'm not going to stop until i make eythan mine. But before i can do that, i need to get rid of you first." tiim bagang na sabi niya.

Sinenyasan niya ang dalawa na bitawan ang braso ko. Binitiwan ako ng dalawa at agad na hinila ni lian ang buhok ko sa likod. Naging dahilan iyon para mapatingala ako. Hinila niya pa pababa ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit ng pagkakahila niya, Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang kamay niya. Pero ayaw niyang bitawan ang buhok ko bagkus ay mas lalo niya pa iyon hinihila. Hanggang sa napaupo na ko sa sahig. Nanghina ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kamay niya. Wala na kong nagawa kundi ang hayaan siya sa pagsabunot sa akin. Halos maalog ang utak ko nang atras abante niyang ihampas ang ulo ko sa hangin na tila pinanggigigilan niya iyon ng sobra.

Hindi niya ako tinigilan hanggang sa halos mawalan na ko ng malay. Napahiga ako sa sahig. Hinahabol ang hininga sapagkat parang tatakasan na ako nun. May kumatok sa pintuan ng gym. Napadilat ako ng mata sa pag aakalang may makakatulong na sa akin ngunit laking gulat at dismaya ko ng makita ang ilang grupo ng kalalakihan na pumasok pagkatapos silang pagbuksan ng pinto ni melanie. Nanglalabo ang mata ko kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit.

"How is she?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Lance benedicto. Narinig ko ang pagngisi niya.

"Tinuruan ko na ng leksyon. Hindi ko lang alam kung makakabangon pa yan." Sagot ni lian.

Tumawa si lance. "Good job, girls. Hayaan niyo na siya dyan. Let's go bago pa tayo dito maabutan." Sabi niya.

Isa isa silang lumabas ng gym. Pinatay nila ang lahat ng ilaw kaya ng iwan nila ako doon ay wala akong ibang maaninag kundi ang konting liwanag na binibigay ng araw sa labas ng maliit na bintana. Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit maski ang boses ko ay tila pinagkait sakin sa oras na ito. Tumulo ang luha ko. Sunud sunod na luha hanggang sa humikbi ako. Sinubukan kong tumayo. Ngunit ang nanghihinang tuhod ay hindi naging mabait sakin, Natumba muli ako sa sahig at sa pagbagsak ng katawan kong iyon ay kasabay ng pagkawala ko ng malay.

Nagising na lang ako na puro puti ang tanging nakikita. Puting kisame, puting dingding at puting kumot. Ginala ko ang aking paningin at nakita ko sa gilid ng aking kama si eythan. Nakaupo lang siya sa upuan habang ang kanyang ulo ay nakapahinga sa kamang hinihigaan ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Sa ginawa kong iyon ay hindi ko aakalaing maiistorbo ko siya sa pagtulog.

"You're awake?" Nagulat niyang sabi at natatarantang tumawag ng nurse sa labas.

Pagkabalik niya ay kasunod na niya ang nurse at ang aming mga kaibigan. Jigs, mio, shawn, wilson at mildred. Lahat sila ay halatang nag alala ng lubusan sa akin.

"Bessy, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni mils.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

Pagkatapos akong icheck ng nurse ay kinausap niya si eythan. Saglit lang iyon na tila ba wala naman na dapat pang alalahanin pa. Lumapit si eythan at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?"

"Okay na ko," Sagot ko.

"Ilang oras ka naming hinanap sa school. Sa gym ka namin nakita, wala kang malay. Sino gumawa nito sayo?"

Hindi agad ako nakasagot. Madami na siyang iniisip na problema. Ayoko na sanang dumagdag pa. Subalit natatakot ako sa posibilidad na maulit pa yung nangyari kung hindi ko sasabihin sakanya.

"Cait, sabihin mo sa amin kung sino gumawa nito sayo." Ani jigs.

Tila bumalik ang takot na naramdaman ko maisip lang ang ginawa sakin nina lian. I held back my tears. Umupo ako ng maayos sa kama pagkatapos ay huminga ng malalim.

I tell everything. Lahat ng nangyari. Kung paano ako saktan ng walang kalaban laban nila lian at ang pakikipagsabwatan nito kila lance. Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni eythan sa kumot. Nagusot iyon dahil sa mahigpit niyang pagkapit.

"God, masasabunutan ko sila lian pag nakita ko mga yan. How dare them to do that to you," Nanggagalaiti sa galit si mildred.

"Mils calm down, will you?" Pagalit na sinabi naman ni wilson sa girlfriend bago bumaling kay eythan. "Bro, tingin ko dapat na natin to ireport sa pulis."

"Hindi pwede. Mas lalong malalagay sa panganib si cait. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ni lance? Kapag nagsumbong tayo sa pulis, mas mapapahamak si cait." Pagtutol ni shawn sa sinabi ni wilson.

"Kailangan natin mag isip ng ibang paraan para mapatigil sina lance." Ani mio.

Natahimik ang lahat. Problemadong umupo si mio at shawn sa sofa na nasa gilid. Wilson and mildred followed. Si jigs ay nanatiling nakatayo.

"Anong balak mo eythan?" Tanong ni jigs.

"I want to talk lance and lian personally," Sagot niya.

"I think that's not a good idea. Kilala kita hindi usap ang gusto mo, Eythan you should not let your anger--"

"Shut up, jigs! I'll do what i want. Hindi ko palalagpasin yung ginawa nila sa girlfriend ko."

"Fine." Sumusukong sinabi ni jigs. "But i just want to remind you... amanda's coming back tomorrow. Gusto ko lang naman sabihin na hindi siguro magandang ideya ang gagawin mo dahil lalo lang madadagdagan atraso natin kay amanda at sa pamilyang benedicto."

"Wala tayong atraso sa kanila.. Tayo. Tayo ang agrabyado dito naiintindihan mo?"

Tila ako nanlamig sa galit na pinapkita ni eythan. Dagdagan pa ng narinig kong babalik na ang ex-girlfriend niya-- Amanda benedicto.

Nagkatitigan kami ni jigs. Nagkibit balikat na lang siya at lumayo na kay eythan para umiwas na lang sa pakikipagtalo. Then, i turned my gaze to eythan. He's effin mad.

"Eythan.." Namamaos kong sinabi at hinawakan ang isa niyang kamay.

Tumingin siya sa akin. His deep serious gaze fade. "What is it?" Malamunay niyang tanong.

"Alam kong galit ka. Naiintindihan ko nararamdaman mo.. pero tama si jigs. Huwag kang magpadala sa galit. Please pag isipan natin to ng mabuti." Sinabi ko.

Hindi siya agad sumagot. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Begging him.

"Please..." Ulit ko.

A sigh escaped on his lips. He calm down himself then he nod. "Okay.. For you i'll do that."

Ngumiti ako sa sinabi niya at niyakap siya. "Thank you.."

****

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon