Halos ilang oras din akong nagkulong sa kwarto. Hindi din naman ako nakapagpahinga. Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Hey. Pinapalabas ka na ni daddy, kakain na.." Sigaw ni eythan mula sa labas ng kwarto.
"Oo. andyan na!" I shouted back.
Tumayo na ko at bumaba ng kama. saglit kong tinignan ang sarili sa full length mirror na nandoon bago bumaba ng hagdan. Bumungad sakin ang nakangiting si tito enrico samantalang nakapoker face naman ang asungot pagkababa ko.
"Lets eat," Anyaya ni tito enrico.
Umupo ako agad. Katapat ko si eythan samantalang nasa left side ko si tito enrico. Ang tanghalian ay tahimik lang, Tila namiss ko agad ang magulang ko. Kapag kumakain kami ay maingay at hindi nawawala ang kwentuhan. Unlike here, the atmosphere were so silent! Hindi ako sanay sa ganito.
"Tito may iba pa po bang maid dito bukod sa'kin?" Basag ko sa katahimikang namamayani.
Tila hindi inaasahan ni tito enrico ang aking tanong. Tumikhim siya bago ako sagutin.
"Actually to tell you the truth hija, Walang tumatagal na maid dito.. So i was hoping na this time may tumagal na.." Tumingin ito sa anak at napabuntong hininga ng malalim.
Napatingin din ako kay eythan. He was just seriously eating his foods. Tila walang pakealam sa mundo. Napakurap ako ng tumingin din siya sa'kin.
"Anong tinitingin tingin mo?" Iritableng sambit niya.
"Huh? Wala." Sagot ko.
"Intindihin mo na lang hija, ganyan talaga siya," Ani tito enrico.
"Opo-"
"Hindi mo ko kailangan intindihin. Kung ayaw mong makisama sa ugali ko, you're free to leave.. Besides hindi ko kailangan ng tagabantay! Hindi na ko bata for pete's sake," Iritableng sambit nito at Padabog na umalis.
"Sorry for that. I know mahihirapan kang makisama sakanya pero sana matiis mo siya."
I hope so! Ngayon pa lang gusto ko ng magback out. Kaso nga lang kailangan ko tong trabaho na to.
"I'll try my best po.." Sagot ko at ngumiti ng pilit.
"Okay.. Anyway i heard from mildred hindi ka marunong magluto?" He said, changing the topic.
"I'm sorry.." Nahihiya kong sagot.
Tumawa si tito enrico.
"Don't worry! Marunong magluto si eythan. Ang importante sa'kin ay may makasama siya dito habang wala ako at sana mabantayan mo siya ng maayos."
So hindi ko pala kailangan mamroblema sa ipapakain kay maldito dahil siya naman pala ang chef ng mansyon na to! That's good.
Meaning..
Ang trabaho ko lang dito ay tagalinis ng buong mansyon at tagabantay ng loko lokong lalaki na yun. Tagalinis? Check. Tagabantay? Hmp. That's bad! May record na to sa katarantaduhan, e! Mahihirapan ata ako sa part na tagabantay. Hayss!
flashback. Two years ago!
"Cait, magsisimula na! Oh my god. go babe!" Sigaw ni amanda na nasa left side ko.
Si amanda benedicto. kaibigan ko siya since first year highschool. Parehas kaming graduating na at parehas naming classmates ang limang magkakaibigan na drag racer na sina mio, wilson, shawn, jigs at eythan. Boyfriend niya si eythan monte. secret crush ko naman si jigs chua. isang chinese pero ang pagkakaalam ko lumaki siya dito sa pilipinas.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.