Thanks for the book cover @maygayzerr! :)
****
Good morning.
Isang text na naglalaman ng salitang yan ang natanggap ko mula kay eythan pagkagising ko kinaumagahan.
Kahit simpleng mensahe lang feeling ko kumpleto na agad ang araw ko. Feeling ko may dahilan pa na maging masaya ako sa pagsapit ng bagong umaga. That's eythan for me. Kahit sa simpleng ginagawa niya para sa akin ay pinapasaya na ako. I love him very much. At natatakot ako na sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sakanya ay masama ito para sa akin.
Paano kung hindi kami ang magkatuluyan sa bandang huli? Paano kung isang araw magising ako na wala ng matatanggap na good morning text? Walang forever ika nga! Hindi ko ata makakaya kung maghihiwalay kami. Pero teka nga? Bakit ko ba iniisip to? Kaaga aga, e! Hays.
Pumasok na ko sa school. Hinatid ako ni papa gamit ang taxi niya. Humalik ako sa pisnge niya bago siya umalis. At dahil maaga pa tumambay muna ako sa open field. Umupo ako sa isang bench at nilabas ang librong binabasa ko kahapon. Habang nagbabasa napansin ko na parang may tao sa harap. My eyes shifted to the three pairs of luxury shoes on the ground. Inangat ko ang ulo at doon ko napagsino ang tatlong nagmamay ari ng mamahaling sapatos na iyon. They're lian and her two followers.
Well. This day is not really a happy day!
Tumikhim ako at taas noo silang nilabanan ng titigan. I'm not scared anymore! Actually nangangati nga itong mga kamay ko at gustong gumanti sa ginawa nila saking pananakit e. Pero chillax lang muna. I'm better than that.
"What is it?" Sinabi ko sa matigas na ingles. Kaya ko din umacting ng sosyal kung pag uusapan ang ingles na lingwahe. I'm a scholar student. Matalino ako!
Krisha and melanie raised their eye brow while lian crossed her arms and smirked at me.
"Mmmm. Nothing! Napadaan lang naman kami dito tapos hindi sinasadyang nakita ka. How are you?" Sinabi ni lian sabay upo sa espasyo ng upuan na nasa kanan ko.
Krisha and melanie do the same. Sa kaliwang tabi ko naman sila umupo. Nagtataka ako sa inaakto nila. They're not like this kapag kinakausap nila ako. Usually malayo sila sa akin kapag kinakausap ako na tila ba nakakadiri akong tabihan. What's with their mind now? Ano na naman bang binabalak nila? Huwag silang magkakamaling gumawa ng masama ngayon dahil madaming tao dito sa openfield. Isang sigaw ko lang malalaman agad ng mga kaibigan ko kung may gagawin silang masama.
"I'm fine. Ano naman sayo?"
Tumawa si lian. "Really? Don't lie sweety. I just heard the news, balita ko bitter ka daw sa break up niyo ni eythan eh?"
"Eh? So what?" I said and raised my eyebrow.
"Oops Relax! I'm not here to fight with you. Actually i want you to be my friend." She smiled. A fake smile actually.
"And do you think i will believe that?"
"Oh yes. No one better than me can understand your feelings right now. You're in pain because eythan leave you for another girl, right? Ganyan na ganyan din ang naramdaman ko noong pinagpalit ako ni eythan para sayo."
"But you and eythan never happened. That's what he said at me. For him you're just his fling," Diretsahan kong sinabi sakanya. Hindi ko alam na pwede pala naming mapag usapan ng mahinahon ang tungkol sa bagay na ito.
"Yeah. Para sakanya laro lang yung namagitan sa amin. Pero sa akin hindi, I took it seriously. Minahal ko siya ng totoo kaya ng malaman kong may relasyon kayo nagalit ako sayo ng sobra sobra. I want to kill you alam mo ba yon?"
"Obvious naman lian. Sa lahat ng ginawa mo ramdam na ramdam ko ang galit mo sa akin. But you know, Wala naman akong kasalanan sayo. Ako ang sineryoso ni eythan. Girlfriend niya ako at ikaw? Hmm Just... His fling. Sana alam mo ang pagkakaiba non."
"Sineryoso? Nakikita mo ba ngayon ang sarili mo? Just like me ginamit ka lang niya at pagkatapos pagsawaan bigla na lang tinapon na parang basura. Ginawa niya din sayo ang ginawa niya sa akin. Can't you see?" Umiling siya at ngumisi.
Umirap na lang ako. Gustong gusto ko na sanang sabihin sakanya na hindi naman kami naghiwalay talaga ni eythan kaya tumigil na siya sa mga sinasabi niya dahil wala naman lahat katotohanan ang mga lumalabas sa bibig niya. But i am the one should shut the mouth. I know i can't tell her that. Mas maganda ng alam ko na effective ang pagpapanggap naming tatlo nila eythan at amanda dahil pinaniniwalaan iyon nila lian.
Pero teka nga. Kanina ko pa iniisip kung bakit namin pinag uusapan ang bagay na ito. Hindi ko maintindihan. Kaya ba siya nakipag usap para talaga maging kaibigan na ako dahil tingin niya parehas kaming nabigo ng parehong lalaki? O para insultuhin ako?
"Ano bang gusto mong mangyari lian? Diretsuhin mo na ako. Huwag ka ng magpaliguy ligoy pa."
"We can be friends. Then fight with her together. Alam ko namang nagagalit ka din sakanya, yung feeling na gusto mo siyang saktan. We feel the same way, Sweety."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Sino ba ang tinutukoy niya?
"You're talking about whom?"
"Jesus! Who else? Haler. I'm talking about amanda benedicto, Eythan's new girl." Umiikot ang eyeballs niya habang nagsasalita. Arte!
But wait. Did i just heard na balak niyang saktan si amanda at gusto niyang makipag fullforce sa akin?
"Are you kidding me?" Sinabi ko sa hindi makapaniwalang ekspresyon.
"I'm not kidding! I'm serious here. Bakit ayaw mo bang makaganti sakanya? Come on. Tutulungan ka naming tatlo ni krisha at melanie makaganti sa babaeng yun," Anya at may tinuro sa malayo.
Nang sundan ko ng tingin ang tinuturo ng daliri niya nakita ko si amanda kasama niya si eythan. They're talking in one of the bench. Kahit medyo malayo ay kitang kita ang masaya nilang pag uusap. Sa ganoong imahe nilang dalawa na masayang magkasama ay sapat ng dahilan para manikip sa sakit ang dibdib ko. It hurts seeing them together, happy and smiling.
"See? Ang sakit di ba? They look happy. Samantalang tayo mamamatay na sa sakit. It's unfair, right? So be with us sweetty. We'll give them our revenge," Patuloy na nilalason ni lian ang isip ko.
Hey cait, don't believe lian. You know that they're just pretending. I keep on reminding myself.
"I'm not going to hurt others just like the way you did at me before. I'm not devil, lian." I said, shaking my head.
"Hey-"
Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at umalis na ako doon sa inuupuan. Hindi ko hahayaang lasunin niya ang utak ko. I'm better than her. I'm not going to be a devil.
****
Shortest update. Sorry na! Kesa naman hindi ko masulat yung nasa isip ko. ^^
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
Ficção GeralI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.