Chapter 38

1K 23 1
                                    

Lance's POV

Tatlong araw na mula ng mangyari ang pagkakamaling ginawa ko. Pinagsisisihan ko ang lahat pero alam kong hindi ko na mababago ang tapos ng mangyari. Harold is one of my friend. Miyembro siya ng badboy gang. Ang grupong binuo namin nila kuya jacob. Kaya naman hindi ako makapaniwala na sa dinami rami ng tao sa mundo siya pala ang nasa likod ng pagkamatay ng Kuya ko.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang nangyari three days ago. Hindi ako pinatulog nito, Tila ito isang bangungot para sa akin.

Nakatanggap ako nun ng tawag mula kay lian. She told me na nagpanggap lang daw na naghiwalay si Cait at eythan para hindi ko na guluhin si Cait. Sinabi niya na nasa birthday party ang dalawa. Kaya naman kumilos agad ako para puntahan sila nun.

Galit ako kay eythan. Dahil siya ang pinaniniwalaan kong pumatay kay kuya jacob non. Para makaganti ay ginamit kong panakot sakanya ang taong malapit sa kanyang buhay at yun ay ang girlfriend niya. Ngunit mali pala ako ng pinagbintangan. Hindi pala sila eythan ang may kasalanan sa pagkamatay ni kuya. Si harold pala. Si harold na pinagkatiwalaan ko.

Nang sabihin ni amanda ang totoo sa akin ay agad kong pinuntahan si Harold sa Condo nito. Pagkapark ko ng kotse sa parking lot ng condo ay sakto namang pagkababa din ng taong pinunta ko. Makikikipaghigh five pa siya sakin nun pero imbis na makipagdaop palad ay sinalubong ko siya ng suntok.

Binalewala ko ang panay sigaw ni amanda. Iyak siya ng iyak at Ilang beses akong sinabihan na tumigil na. Pero hindi ako nakinig. Sa sobrang galit ko ay hindi ko napigilan ang sarili. Pinaulanan ko ng madaming suntok sa mukha at katawan si harold. Hindi ako naawa sakanya. Paano ako maaawa sa taong walang awang pinatay ang kapatid ko? Maya maya ay umalis si amanda para tumawag ng guard. Pero shit! Huli na ang lahat, Nawalan na ng malay si harold at alam kong binawian na siya ng hininga.

Nanginig ang buong katawan ko ng mapagtanto ang nagawa. I killed harold. Napaupo ako sa sementadong lupa ng parking lot. Hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng pagpapakawala ko ng galit. Nang marinig ko ang paparating na mga guard ay nagmadali na kong umalis. Ayaw kong makulong kaya tumakas ako.

Ilang beses akong tinawagan ni amanda pero ayaw kong sagutin dahil natatakot ako na baka may kasama siyang pulis. Lumayo na lang ako ng lumayo hanggang sa napadpad ako sa rizal. Medyo malayo na ito sa maynila at may kakilala akong isang kaibigan na nakatira sa squater area. Pinuntahan ko siya at nakiusap na sana'y patuluyin muna ako sa maliit niyang bahay kahit ilang araw lang. Pumayag naman siya at ngayon ay tatlong araw na nga akong nandito.

Sa ilang araw na nanatili ako sa loob ng maliit na kwarto ng aking kaibigan naisipan kong lumabas. Nagsuot ako ng jacket at nilagay ang hood nito sa ulo ko para hindi ako makilala kung magkataon man.

"Oh pre, Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni michael. Ang adik kong kaibigan.

Kasalukuyan siyang gumagamit ngayon at nasusuka ako sa amoy. Ilang beses na niya akong inalok na gumamit pero ayaw ko. I hate drugs! I'll never be addict on that bullshit medecine.

"Hahanap lang ako ng payphone."

"Ah. Doon sa may kanto malapit sa waiting shed may payphone dun."

Sinunod ko ang sinabi ni michael. Naglakad na ko papuntang kanto. I just want to check my parents, Alam kong nag aalala na din sila. Tinapon ko na yung phone ko kasi baka matrack pa kung nasaan ako gamit yon. Tinapon ko yun sa maynila pa lang.


Cait's POV

It's monday in the morning. Papasok na ko sa school kaya nag aabang ako ng bus na masasakyan. Nakaupo ako sa waiting shed ng biglang tumunog ang phone ko. The caller is no other than eythan. Nislide ko ang green button para masagot.

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon