Kinaumagahan, 7 o'clock in the morning. Nagising akong masakit ang ulo. Obviously, it's because of the alcohol i drank lastnight. Naligo ako para mawala ang hang over. Nagsuot lang ako ng simpleng sleeveless top at shorts bago bumaba ng hagdan.
Naabutan ko si eythan na nagluluto sa kitchen. Ang aga niya talaga magising lagi. Hindi niya ko nakita dahil nakatalikod siya sakin kaya nilagpasan ko muna siya doon at hinanap si mildred kung saan saan. Nang malibot ko ang mansion at hindi ko siya mahagilap ay bumalik ako ng kitchen para tanungin si eythan.
"Where's mildred?"
Narinig ko siyang nagmura ng mahina. Nagulat ata siya ng bigla akong magsalita. Natawa ako dahil doon. Humarap siya sa'kin ng nakakunot ang noo.
"Sinasadya mo bang manggulat?" Halos magkasalubong ang kilay na sabi nito.
"Hindi. Sorry! Hindi ko alam na magugulatin ka pala.." Pinigilan kong tumawa dahil baka mabadtrip pa siya lalo..
Huminga siya ng malalim at hinarap ulit ang niluluto. Ang bango ng amoy ng niluluto niya. Mukhang masarap. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.
"Sinundo siya dito kanina ni wilson.. Hinayaan ko na lang dahil mukhang may problema silang dalawa na dapat nilang ayusin.." Sabi niya. Pinatay na niya ang lutuan at nilipat sa bowl ang ulam.
Pork sinigang. My favorite.
Dinala niya iyon sa dining table. Tinulungan ko siya mag ayos ng hapag kainan. Kumuha ako ng plato at kubyertos. Nagtimpla din ako ng pine apple juice. Tingin ko'y mapapadami ang kain ko dahil favorite ko yung ulam ngayon..
"Marunong ka pala magluto ng sinigang?" Tanong ko sakanya. Umupo siya at ganun din ang ginawa ko. Naglagay siya ng karne at sabaw sa maliit na bowl at inabot sa'kin.
"Tikman mo nga kung masarap ba ang luto ko.." Sabi niya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Kumagat ako ng konting karne at humigop ng sabaw. It's good. Sobrang sarap ng luto niya.
"What can you say?.. Masarap ba?"
Nag angat ako ng tingin sakanya. Para siyang kinakabahan na baka mahatulan ng bad comments ang niluto niya.
Tumawa ako. Pinagtaasan niya ko ng kilay.
"Huwag kang mag-alala masarap yung luto mo.." Sabi ko.
Umaliwalas kaagad ang mukha niya at ngumiti.
"Good. Sabi ni mildred favorite mo yan kaya nagsearch pa ko kung paano lutuin.."
Napatigil ako sa pagnguya ng karne. Seriously? Ginawa niya 'yun? Tinitigan ko siya. Nagbabakasakaling tumawa at sabihing nagbibiro lang siya.
Nag-angat siya ng tingin sakin.
"What? I'm serious.." Sabi niya sabay subo ng pagkain.
-
Tama nga ang hula ko. Napadami nga talaga ako ng kain kaya busog na busog ako. Pinagtatawanan nga ako ni eythan dahil nakatatlong sandok ako ng kanin. Iniirapan ko lang siya kaya lalo siyang natatawa. Nang matapos kaming kumain, hinugasan ko agad ang mga pinagkainan.
Grabe! Minsan lang ako kumain ng sobrang dami lalo na breakfast pa lang iyon.
"Ang dami mong nakain. Lagi nga ko magluluto nun.." Si eythan. Nasa sofa siya. He motioned me to sit beside him. And i did.
"Turuan mo na lang ako kung paano lutuin. Para ako na lang ang magluluto.." Sabi ko.
"Ay grabe. Are you even a woman? Bakit hindi ka marunong magluto?"
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.