Chapter 6

1.3K 36 2
                                    

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang klase ni ma'am martinez. Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa mga kablockmate ko kanina. Death glare. Curses. Rolling eyes. Yan ang mga natanggap ko sakanila matapos gumawa ng kagagahan si eythan. Akala ata nila pinopormahan ako ng aroganteng lalaki na yun e. Saksak nila sa baga nila si eythan. Si jigs Chua ang type ko eh.

Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. One message received.

From : mildred
hi bessy! hindi ako makakasabay sayo maglunch ngayon. kasama ko si wilson. kita kits na lng later after lunch sa library. i miss you mwa!

Wala akong nagawa kundi pumunta ng cafeteria ng mag isa.. Umorder ng pagkain at saka umupo sa available na upuan at lamesa. Nasa kalagitnaan ako ng paglamutak ng pagkain ng makarinig ako ng mga tili at kinikilig na mga babae. Tumingin ako sa pinto ng cafeteria at nakita ko ang pagpasok nina jigs, shawn at mio. At ang nakakagulat pa palapit ang tatlo sa akin.

"Hi." Nakangiting sinabi ni shawn. Umupo ito sa tabi ko.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga mata ng mga estudyante na masamang nakatitig sa akin.

"Anong kailangan niyo?" Oops. Medyo masungit boses ko. Actually, hindi naman ako malditang tao pero ayaw ko kasi ng nakakakuha ako ng atensyon ng iba. At sa ginagawang pagkausap sa akin ng  tatlong to kuhang kuha namin lahat ng atensyon ng mga tao na nasa cafeteria. They were glaring at me like they want to kill me.

"Ooops! Easy lang, bakit highblood?" Mio said, laughing.

He mentioned my name? kilala niya ko? Really?

"Bakit mo ko kilala?" I asked instead.

"We met at the coffee shop, remember?"

Hindi ko akalain na maaalala pa nila pangalan ko. knowing them? They're famous at the same time snobers.

"Mind if we join?" Sabi naman ni jigs. Literal na napanganga ako ng ngumiti ito at lalong lumiit ang singkit na mga mata nito. It's so cute And it really turns me on kaya crush ko siya eh.

"Hey bro! don't show your killer smile at her. Look she's blushing," shawn giggled.

Nataranta naman ako bigla sa sinabi nito.

"Huh? hindi ah! Ba-kit na...man ako-" Shit! nagkautal utal na ko sa pagsasalita. Napahawak na lang ako sa pisnge.

Tumawa naman ang tatlo.  Pinagtitripan ata nila ako! Katulad ng pagtitrip sakin ng leader nilang si eythan kanina. Follow the leader nga naman. Geez!

"I think cait likes you bro," Sabi ni mio kay jigs. Halos umabot na sa mata nito ang pagkakangiti. Pinagtitripan nga ko? o obvious lang talaga na may crush ako kay jigs?

Sasagot na sana ako para pagtakpan ang kahihiyan pero I got cut off ng magsalita si jigs.

"I like her too" He said then winked.

Lalong nag init ang pisnge ko sa narinig, tumahimik ang lahat. lahat ng tao sa cafeteria. maybe because they heard it too. Ilang segundo ang nakalipas ng biglang humagalpak ng tawa ang ang tatlo.

I knew it. pinagtitripan nga nila ako! Nakaramdam ako ng pagkainis. Hindi ko na tinapos ang kinakain. Tumayo ako sa pagkakaupo at mabilis na lumabas ng cafeteria. Mabilis na bumagsak ang mga luha ko. How dare them! Bakit nila ako pinagtitripan? Tss. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko ng dahil sa ginawa nila. Pero ang mas masakit dahil pati ang taong hinangaan ko dahil sa pagiging mabait nito ang siyang naging dahilan ng pag iyak ko.

"Cait? Wait," Napapitlag ako ng marinig ang pagtawag nito. Sinundan niya ako! Bakit pa?

Hindi ko siya nilingon at mas binilisan pa ang paglalakad. Pero nakakabwisit lang dahil naabutan niya ako. Hinila niya ang braso ko para mapaharap sakanya.

"Hey cait sorry.."

"Bakit ka nagsosorry? Masaya naman diba na pagtripan ako?" Sarkastiko kong sinabi.

"Hindi kita pinagtitripan. Totoo yung sinabi ko. I like you and i want to get to know you more.."

Ang bilis ng kabog ng puso ko! Masyado akong affected sa mga sinasabi niya. Totoo ba to O nananaginip lang ako?

"Sorry talaga kanina. Hindi ko sinasadya! Natawa lang kasi ako sa reaksyon mo sa sinabi ko. You're so cute kasi nung nag blush ka," He chuckled.

"Huh?" Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Ang cute mo talaga. Forgive me na please?" He said, smiling. Napatingin tuloy ako sa mata niya dahil lalo iyon sumisingkit kapag ngumingiti siya o tumatawa. Hindi ko namalayan na tumatango tango na pala ako na parang tanga.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong halikan sa pisnge. Ilang minuto atang huminto ang mundo dahil sa ginawa niyang yun.

"Thanks. So see you next time.. Aasahan kong magkakilalanan pa tayo Cait. Bye." Sinabi niya at naglakad na pabalik ng cafeteria.

***

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon