Naglalakad ako papuntang library dahil magkikita kami doon ni mildred. Tulala pa din ako. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni jigs. Mahirap naman kasing paniwalaan, kahit pa gusto ko yun hindi pa rin maialis sakin ang mangamba na baka pinagtitripan lang ako at hindi siya seryoso sa sinabi niyang gusto niya ako.
Natigil ako sa pag iisip at napako ako sa kinatatayuan ng makita ko si lian at ang dalawa nitong kaibigan na si krisha at melanie. Gusto ko man umiwas ngunit huli na ang lahat.
"Look what's we have here, girls."
"L-lian-"
"What?" she smirked.
"Please, ayoko ng gulo." Sabi ko. Ayaw ko na talagang magkagulo ulit. Nasapak ko siya nung nakaraan na naging dahilan ng pagterminate sa scholarship ko at ayoko ng maulit pa yun. Hangga't kayang umiwas, iiwas ako.
"Tanga! Sa tingin mo ba palalagpasin ko lang basta basta yung ginawa mong pagsapak sakin?" Kita ko ang galit sa mga mata nito "No fucking way, stupid." Tiim bagang na sabi nito.
Hinawakan ako nito sa braso at tinulak ako pabagsak sa sahig. Sumakit ang balakang ko sa ginawa nito.
"Hindi ba dapat wala ka na dito? Naterminate na ang scholarship mo dahil sa pagmamatapang mo! Ano pa bang ginagawa mo dito istupida!" Galit na galit nitong sigaw.
Agad namang naalarma ang lahat ng marinig si lian. Mabilis ang paglapit ng mga estudyante para makiusyoso sa gulo na nangyayare.
"Lian, please-"
"Please what? Yan pa lang ang ginagawa ko, Tingin mo kuntento na ko dyan?" Umibabaw ito sakin habang nakatukod ang dalawang tuhod sa sahig at pinagsasampal ako. Gusto ko man lumaban ngunit hindi pwede. Ako lang ang mapapasama pagdating sa university administration. Best actress ata ito sa lian pagdating sa pagpapaawa.
"Ano ha? nasaan ang tapang mo? Lumaban ka ng sa ganon mapatalsik kana ng tuluyan dito." Sigaw nito at akma na sanang sasampal ulit ng malakas pero hindi niya iyon naituloy.
"LIAN, STOP IT!" Sigaw ng nasa likod.
Tumingin ako sa likod at kitang kita ko ang seryosong mukha ni eythan. Matalim nitong tinitigan ang mga estudyanteng nanunuod. Natakot naman ata ang mga estudyante sa titig na iyon kaya nagkandarapa ang mga ito sa pagtakbo palayo.
Naiwan kaming lima. Si melanie at krisha na nakatayo lang, si lian na hanggang ngayon ay nasa ibabaw ko, si eythan na seryosong nakatayo lang sa likod ko at ako na halos nakahiga na sa sahig dahil sa sunud sunod na atakeng ginawa ni lian.
"Eythan?" Lumapit si lian sa lalaki at yumakap dito "Are you here to save me from that stupid girl? Babe, gusto niya ulit akong saktan." Nagpapaawa na sinabi ni lian kay eythan.
Nilayo ni eythan si lian sa sarili at masamang tinignan ito. "Bakit naman kita ililigtas kung ikaw nga itong nanakit? Huwag mo nga kong lokohin." Sabi nito at lumapit sakin.
Tinayo ako nito at hinigit ang braso ko palayo sa kanila. Naiwang hindi makapaniwala ang tatlo. Literal silang napanganga sa inakto ni eythan.
"Eythan, bitawan mo ko. ang sakit na ng braso ko." Sabi ko sakanya. Nakinig naman ito at agad akong binitawan.
"Salamat." Mahina kong sinabi.
"Huwag mo kong pasalamatan. Hindi ko yun ginawa dahil gusto kitang tulungan. Ginawa ko yun dahil ayokong nasasayang ang kabaitang ginawa sayo ng daddy ko. Binigyan ka niya ng scholarship kaya sana pahalagahan mo. Umiwas ka sa gulo o kahit sa anupaman na pwedeng maging dahilan para bawiin sayo ang scholarship. Ayoko sa lahat yung walang pagpapahalaga. Keep that in your mind." Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa akin bago naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.