"Ang ganda ng bagong girlfriend ni eythan. Bagay sila,"
"Sino?"
"Si amanda. Yung classmate natin nung highschool. Pumunta siya dito ngayon."
"Ah. Nagkabalikan na sila? Wow naman! Nasaan sila?"
"Nasa openfield. Tara punta tayis."
Pagkatapos ng walang kwentang pag uusap namin ni lian ay eto ang sumalubong sakin ng nasa hallway ako. Ang sakit lang marinig sa ibang tao yung mga ganung bagay. Dumiretso na ko nun sa first class ko. Wala sa wisyo ang sarili ko ng araw na iyon hanggang dismissal. Nung time ng klase namin pareho ni eythan hindi ko siya napansin man lang. Lumilipad sa kawalan ang utak ko kaya naman ang ending nasayang ang oras at baon ko sa pagpasok ng school ng walang natutunan kahit isa.
Sa sumunod na araw Nakasalubong ko si shawn sa hallway. He handed me an invitation.
"Birth day party ko mamaya sa bahay. Huwag kang mawawala. Magtatampo ako pag hindi ka pumunta." Shawn said, smiling.
Ngumiti din ako sakanya. "Pupunta ako. Basta andun si eythan."
Nawala ang ngiti sa labi niya at nag iwas ng tingin sa akin. Huli na ng marealize kong mali ang sinabi ko. Ang pagkakaalam nga pala nila ay hiwalay na kami ni eythan. Geez!
"Uh, I mean pupunta din ba si eythan sa party mo?"
Tumango siya. "He's with amanda later. Cait pumunta ka pa din huh? Hindi ako magiging masaya kapag wala ka." He frown.
I maintain my expression. Yung ekspresyon na hindi mababakasan ng kahit anong emosyon. It's just plain.
"Pupunta ako shawn. See you later, Punta na ko sa klase." Sinabi ko at nilagpasan na siya.
Pinilit kong ituon ang atensyon sa mga lessons. Isinantabi ko ang gumagambalang alalahanin at pinilit ang sariling makipagparticipate sa discussion. I'm a scholar. I need to maintain my grades. Pero kahit anong gawin ko ay ang lungkot lungkot pa din ng pakiramdam ko.
Nang magtanghali na nakasabay ko maglunch sa cafeteria si mildred at wilson. Naghaharutan sila sa harap ko kaya iniirapan ko silang dalawa. PDA ang mga ito, e. Naiinggit ako!
"Pupunta ka sa party ni shawn mamaya, Cait?" Biglang tanong ni wilson pagkatapos ikiss si mildred sa pisnge.
Tumango lang ako. Why not?
"Pupunta doon si amanda at eythan." Sinabi naman ni mildred.
I forced a smile. I know.
"Pwede namang huwag kang pumunta. Ako na lang magpapaliwanag kay shawn."
I shook my head. Pupunta ako.
"Bessy, masasaktan ka lang pag nakita mong magkasama si eythan at amanda-"
Pinutol ko sa pagsasalita si mildred. Wala akong ganang makipag usap pero parang nagpantig tainga ko sa huli niyang sinabi.
"Bakit ako magseselos?" Bakit hindi ba?
Hindi ko man aminin sa iba pero sa sarili ko alam kong nagseselos nga ako. Ako ang totoong girlfriend pero sa mata ng ibang tao si amanda ang girlfriend ni eythan. Ang sakit lang isipin. Kailan kaya matatapos ang pagpapanggap na ito? Miss na miss ko na si eythan.
"Sorry." Narinig kong sinabi ni mils.
Napatingin ako sakanya. Umiling ako. "Hindi ako galit, mils."
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na kami muling nag usap pa hanggang sa natapos kami pare pareho sa kinakaing lunch.
"Una na kami bessy. May pupuntahan lang kami ni wilson saglit." Ani mildred.
Tumango ako at tumayo. Palabas na ko ng cafeteria ng makita ko si eythan. Tinitigan ko ang slow motion niyang paglalakad palapit sa akin. Looking at him kumalabog ang puso ko! He's wearing a gray jacket na may hood. Ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa nito. I missed him so much. Nang makalapit siya ay kinabahan na ako. Lahat ng tao sa cafeteria sa akin nakatingin. A sharp look that makes me uncomfortable to be with eythan.
"Tapos ka ng kumain?"
Tumango ako. I can't utter any words.
"Pupunta ka na sa next class?"
Tumango ulit ako.
"Hatid na kita." Sinabi niya sabay lagay ng kamay niya sa bewang ko pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan.
"Eythan, What are you doing?"
"Ihahatid lang kita."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "They're looking at us." I half hissed, half yelled.
"So? I don't care, Ihahatid ko ang girlfriend ko. Walang masama doon."
Napapikit ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at mukhang walang nakarinig.
Girlfriend?
"Am i still your girlfriend?" Sinabi ko.
Huminga ako ng malalim bago ko tinanggal ang kamay niyang nasa bewang ko at lumabas mag isa sa cafeteria. Hindi ko na siya hinayaang sumagot dahil madaming nakatingin sa amin. Nang makalabas ako alam kong nasa likod ko siya. Sinundan niya ako.
"Cait, You're still my girlfriend. Yes. You're the fucking love of my life. We're just pretending for as long as it takes to make sure that i can take care of you. For us, between us. I'm still yours and you're mine. For everyone else.. I don't give a fuck! Wala akong pakealam sakanila."
"I know eythan. Ilang ulit ko bang sasabihin na naiintindihan ko? Pero bakit hindi ka kumikilos ng naaayon sa pinlano natin? Anong ginawa mo kanina? Hindi kana nagpapanggap."
"Ayaw ko ng magpanggap."
"What? Didn't you the one who suggest it in the first place?"
Bumagsak ang balikat niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. His eyes intently looking at me.
"I know. Ako ang nagsuggest nito! Nahirapan ako cait pero kinaya ko lahat. Ilang araw na kitang namimiss. Tiniis ko na huwag kang lapitan at kausapin ng ilang araw dahil sa pesteng pagpapanggap na ito. Pero tuwing nakikita kitang mas nahihirapan kesa sakin. Hindi ko kaya! Hindi kita kayang panoorin ng malungkot. Akala mo ba hindi ko napapansin? Wala kang focus sa klase tuwing tinitingnan kita."
"Kaya ko pa eythan. Kailangan nating gawin to di ba? Yes. Nahihirapan ako but I don't mind."
"You don't mind but not me. I always care for you."
Hindi na ko nakapagsalita ng yakapin niya ako. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at ang dalawang braso ay nakapulupot sa akin. Namiss ko ang init ng yakap niya. Ang mabangong amoy ng katawan niya. Lahat ng tungkol sakanya ay miss na miss ko na.
"Everything will be alright. Don't worry." Anya at niyakap pa ako ng mas mahigpit.
Sa oras na iyon, Alam kong mahal na mahal namin ang isa't isa. And we'll fight for love until forever.
****
😉
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
General FictionI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.