Chapter 26

957 24 0
                                    

Limang araw na ang lumipas. Limang araw na din akong nagkukulong sa maliit na kwarto ng bahay namin dito sa Rizal. Yes. I'm here. Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni eythan kay lance umalis ako doon sa meet up place nila ng tahimik at dumiretso sa bahay namin dito sa Rizal.

Sobrang sakit ng puso ko. Feeling ko nabasag na ito at parang hindi na kaya pang buuhin ng kahit sino. Minahal ko siya ng totoo. Akala ko mahal niya din ako, Yun pala'y si amanda pa din ang mahal niya hanggang ngayon. Ang sakit. Sobrang sakit!

Narinig ko ang mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Pagkatapos ay dahan dahan iyong nagbukas. Pumasok si mama kaya naman umayos ako ng upo sa kama.

Pilit na ngumiti si mama pero alam kong nalulungkot siya para sakin. Wala silang alam ni papa sa problema ko. Hindi ako nagkwento sakanila dahil nahihiya akong iopen up sakanila ang katangahan ko. Ganunpaman, Alam kong may nabubuo na silang konklusyon sa limang araw na nandito ako sa bahay.

"Cait, Andyan na naman siya." Mahinahong sinabi ni mama.

Pabalik balik si eythan dito sa bahay. Pero hindi ko siya hinaharap. Ayoko siyang makausap! Namimiss ko na siya pero ayoko siyang makita. Mahal ko siya pero nasaktan ako. Hindi ko siya kayang harapin sa ganitong pakiramdam.

"Ma, pauwiin niyo po. Pakisabi po na wala ako dito. Please?" Nakikiusap ko na namang sinabi kay mama.

Yun naman ang palagi kong pinapakiusap sakanila tuwing nagpupunta si eythan. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nagpapabalik balik pa din si eythan ngayon dito.

"Anak, Mukha namang hindi siya naniniwala na wala ka dito. Ilang beses na siyang nagpabalik balik. Araw man o gabi nandito siya. Hindi mo ba siya pwedeng kausapin na? Nakakaawa naman, e."

Napalingon ako kay mama. Ito ang unang beses na sabihan niya akong kausapin na si eythan. Sa ilang araw na pagpupunta ni eythan dito pinapaalis din nila agad tulad ng pinapakiusap ko sakanila. Masunurin akong anak. Malaki respeto ko sa magulang ko. Lahat ng sinasabi nila sinusunod ko pero ngayon hindi ko kayang pagbigyan ang hinihiling ni mama. Ayokong makita at makausap si eythan. Hindi ko pa kaya!

"Cait, hindi ba't anak siya ng may ari ng school na pinapasukan mo? Tsaka siya din yung boss mo? Ano bang mayroon sa inyong dalawa? Magnobyo na ba kayo?" Biglang tanong ni mama.

Napalunok ako. Parang nagbara ang lalamunan ko sa narinig. Iniwas ko ang tingin kay mama at bumuntong hininga.

"Opo ma. Pero maghihiwalay na po kami." Sagot ko sa paos na boses.

Alam kong nagulat si mama. Narinig ko ang pagsinghap niya. Ilang segundo bago niya ata naabsorb ang pag amin ko. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sakanya!

"Anak, Ito ang unang pagkakataon na nagkanobyo ka kaya naman nalulungkot ako na ganito pa ang sinapit mo sa unang karanasan mo." Tumikhim si mama bago nagpatuloy. "Pero cait, Mas magandang pag usapan ng maigi ang problema ng sa ganoon maaari pang maayos ang gusot sa pagitan niyong dalawa. Pakinggan mo siya nak. Hayaan mo siyang ipaliwanag ang sarili niya bago ka magdesisyon ng isang bagay na maaari mong pagsisihan pagdating ng panahon."

Hindi ako nakapagsalita. Namuo ang mga luha sa gilid ng mata ko. Pakiramdam ko ang sikip sikip ng dibdib ko at parang hindi ako nakakahinga ng maayos!

Niyakap ako ni mama. "Kung hindi mo pa kaya ayos lang. Naiintindihan kita, Cait."

Humiwalay ako sa yakap at tinignan ko sa mata si mama.

Siguro ay tama siya. Kailangan kong kausapin si eythan. I need to hear him out. Explain his side and to know what he want to do with our relationship. Kung gusto niya si amanda, fine. Edi maghiwalay na kami. Pero kailangan ko pa ng oras para paghandaan ang paghaharap naming muli. I need more time!

Accidentally Inlove (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon