Pagkatapos ng lahat ng klase dumiretso agad ako sa mansyon ng monte. Inayos ko lahat ng gamit ko sa kulay itim na maleta. I will leave now. Hindi ko na kasi talaga kaya tumira sa mansyon na ito kung ang kasama ko ay hindi ko naman nakakasundo. Besides, Alam ko naman na ayaw niya talagang may maid siya. That's what tito enrico told me. Eythan annoyed his maids para kusang umalis ang mga ito. And he did it to me, He keep annoying me kaya mapapaalis na niya ako.
He must be happy now!
Hindi rin ako naniniwala sa sinabi ni mildred. Ayoko din maniwala. It's impossible that eythan have feelings for me. Like 'duh! Ano naman magugustuhan sakin ni eythan? Wala akong mahanap na dahilan para gustuhin niya. Malayo ang agwat ng estado ng buhay namin at isa pa hindi pagkagusto ang nakikita kong pinaparamdam niya sakin sa araw- araw kundi pagkadisgusto.
Bumaba ako ng hagdan. Umupo ako sa sofa at hinayaan ko lang ang maleta sa gilid nito. I'll wait eythan. Pormal akong magpapaalam sakanya. Ayoko namang maging bastos kahit papaano. Hindi ko nga alam kung tama ba na sakanya lang ako magpaalam or ipaalam ko din ito kay Tito enrico.
It's six evening ng makarating siya. Nakasuot siya ng jersey. So, kaya siguro siya natagalan umuwi dahil nagbasketball pa pala siya.
Natigilan siya ng makita ako. Palipat lipat ang tingin niya sa'kin at sa maletang nasa gilid ng sofa.
"Ano to?" Tanong niya sa seryosong tono.
"Uuwi na ko samin. Inantay lang kita para magpaalam." Pumiyok ako ng sabihin iyon. My eyes watered. I don't know kung anong dahilan. Nalulungkot ako sa kahahantungan ng desisyon ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa scholarship., Kaya lang naman ako may scholarship diba dahil nagtatrabaho ako sakanila? For sure pag umalis na ako, Aalisin na sa'kin yun. Pag nawala na sa'kin 'yun hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko pa ang pag-aaral ko.
Isa iyon sa mga ikinalulungkot ko, pero bukod doon alam kong meron pang ibang dahilan. Mas mabigat na dahilan na hindi ko mapangalanan kung ano. Basta pakiramdam ko masakit sa'kin na lisanin ang mansyon na ginalawan ko ng ilang buwan.
"Bakit? Dahil ba sa nangyari kanina? Cait, Hindi ko talaga sinasadya. Sorry sa mga nasabi ko.." Nanatili ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ang nakikitang takot sa mukha niya.
What he's scaring of? Hindi ba't eto naman ang gusto niya? He keep annoying me para umalis ako sa pamamahay niya.
"Okay lang.. Kalimutan mo na 'yun! Hindi ako galit.. Gusto ko lang na humanap ka ng iba na gusto mong makakasama sa bahay mo. Yung makakasundo mo., Alam ko naman kasi na ayaw mo sa'kin kaya para hindi kana naiinis.. Aalis na lang ako."
His face softened. Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.
"I'm sorry cait. Please huwag kang umalis."
Nagulat ako don. Why he's acting like that. Bakit ang sarap pakinggan ng malambing niyang boses? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi tulad ng normal na tibok noon kapag kausap ko siya.
Nag- angat ako ng tingin sa mukha niya.
"Eythan, Ano ba talagang gusto mong mangyari? Ang hirap mong basahin. Bakit lagi kang galit sakin?"
Hindi siya agad nakasagot. Ilang segundo ang lumipas bago niya ako matapang na harapin muli. His eyes focused on mine. "Okay fine! I admit.. Hindi ko talaga gustong binabantayan ako. Namulat kasi ako na maids ang kasama ko dito sa mansyon imbes na magulang ko. I hate that set up. Kaya naiinis ako kay dad, Naiinis din ako sa mga pumapasok na maid dito. Mas gusto ko pang mag isa na lang kesa ibang tao na hindi ko naman kaano ano ang nakakasama. Tapos babantayan pa bawat kilos ko? Ano ako bata? Nineteen years old na ko. Kaya ko na sarili ko."
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
Aktuelle LiteraturI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.