I was got home at exactly ten p.m. Agad akong nagpunas ng ulo at nagpalit ng damit dahil medyo nabasa ako sa ulan. Pagkatapos gawin yun ay bumaba ako sa dining room. Kumuha ako ng malamig na tubig. Habang umiinom bigla akong nakarinig ng kaluskos kung saan. Nilapag ko ang baso sa sink at hinanap kung saan galing ang kaluskos na iyon. Napadpad ako malapit sa main door ng bahay. Nagulat ako ng makita si eythan. Basang basa sa ulan at nanginginig sa lamig. Kahit ang kanyang labi ay mapusyaw hindi tulad ng normal kong nakikita. He looks sick.
Lumapit ako sakanya. "Eythan, what happened to you?" Tanong ko sakanya. Despite of what he did for me, i can't contain myself but to be concerned.
"When did you got home?" Hindi niya ko sinagot. Sa halip ay yan ang pabalik niyang tanong.
"Ngayon ngayon lang. Maybe 20 minutes before you're here."
"Okay. Aakyat na ko." Sabi niya at umakyat na ng hagdan.
Nagtataka ko siyang tiningnan habang siya ay parang nahihirapan pa sa pag akyat. Nanginginig siya sa lamig. He even looks pale. But what happened to him? Saan siya nagpunta? He has his car when he left me to the freeway road. Bakit siya basang basa sa ulan? Why?
Umakyat na lang din ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama. I rest my one arm to my forehead and i closed my eyes. Ngunit hindi ako makatulog. Something's bothering me. Bumangon ako sa kama. I want to check eythan first if he's okay before i sleep. Nasa tapat na ako ng pintuan niya pero nag aalangan akong kumatok. We're not in good terms now. Paano kung magalit na naman siya? Bahala na.
Pinakiramdaman ko muna kung gising pa ba siya. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya pero wala naman akong naririnig na kahit anong ingay. So i opened the door silently. Napasinghap ako ng makitang nanginginig si eythan sa lamig kahit ang kapal kapal na ng kumot niya. I immediately went to him.
"Eythan," I hissed.
Hinawakan ko ang noo niya. Nagulat ako ng halos mapaso ako sa sobrang init. He's sick. Lumabas ako ng kwarto niya at bumaba. Naghanda ako ng pamunas at tubig pagkatapos ay bumalik. Nang pinupunasan ko na siya ay bigla na lang siyang napamulat ng mata. Even his eyes can tell that he's really sick.
"What are you doing?" Sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko para mapigilan sa pagpupunas sakanya.
"Mataas lagnat mo. Kailangan kitang punasan-"
"Leave me alone." Sabi niya. Hindi man lang ako pinatapos sa sinasabi.
Umiling ako. "How can i leave a sick person like this?" Pagtutol ko.
Hindi siya nakapagsalita agad. Nakatingin lang siya sa'kin. So pinunasan ko na lang ulit siya pero mga ilang sandali lang bigla na lang siyang tumalikod sa'kin.
Napasinghap ako. He really hates me, huh? Kahit sa ganitong sitwasyon hindi man lang niya matiis makita ang pagmumukha kong to? Kahit sandali lang? Kahit hanggang sa matapos lang ang pagpupunas ko sakanya?
"Leave! Get out of my sight." Sabi niya ng nakatalikod.
Napabuntong hininga ako. He really keeps on pushing me away, huh?
"Okay. Kung gusto mo kong umalis. Sige aalis na ko. Hindi lang ako aalis sa mga paningin mo, aalis na din ako sa buhay mo." Sabi ko at bigla na lang tumulo ang mga luha.
"You really wants me to get out of your sight, huh? Then your wish is my command. You'll never see me again." Basag ang boses na sabi ko. Pagkatapos nun ay lumabas na ko ng kwarto niya.
Parang water falls ang mga luhang tumutulo sa mata ko habang patungo sa sariling kwarto. I gave up now! Aalis na ko sa bahay na to at babalik na sa dati kong buhay kasama ang magulang ko. Gagawa na lang ako ng ibang paraan para maipagpatuloy pa ang pag aaral. Hahanap ako ng ibang part time job. Buo na ang desisyon ko. Kung ayaw niya sakin, fine! Kung gusto niyang mawala na ko sa buhay niya, fine! I give up.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove (completed)
Narrativa generaleI started to hate him since the first day I met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring for this bad boy and realized that I was inlove with him.