Two.
"Oh my God, that's a lot." Tita Kendra exclaimed. Mom just told her about what happened earlier at Attorney Bustamante's office.
Andito kami kasalukuyan sa dining table at pinag-uusapan ang tungkol sa testament ni Papa Sebastian. Sinama namin si Tita Kendra sa family meeting namin dahil pamilya na rin siya. Kung hindi dahil sa kanya, wala raw kami rito ngayon, baka nasa nasa ibang lugar kami ngayon. Kaya sabi ni Mommy malaking pasalamat daw namin kay Tita Kendra.
"Dito pa rin tayo maninirahan kay Tita niyo. Ilalagay ko nalang ang pera ko sa bank account." Anunsyo ni Mommy.
Napakunot naman kaagad ang nuo namin ni Saint.
"No, ma. We wanted to have our own place. Sabi nga ni Daddy Baste na big boys na kami." Pag-salungat ni Saint kay Mommy.
"Oo nga, mommy. Tanda na namin, oh." Dagdag ko pa. Obviously, we're against her decision.
Tumango si Saint. "Lagi pa rin naman kami pupunta rito ni Sean. Hindi naman kami parati matutulog dun, 'di ba, bro?" Tumingin sa akin si Saint na may ngiti sa labi niya.
Alam kong iniisip niya si Mommy kaya niya iyon nasabi. Totoo naman, hindi naman kami madalas sa magiging tirahan namin ni Saint. Siempre hindi namin iiwan si Mommy kahit malaki na kami. Malulungkot iyon. Ayaw na ayaw niyang mawalay kami sa kanya. Hindi naman kami atat ni Saint na tumira mag-isa at iwan si Mommy. Gusto lang namin magkaron ng sariling matitirhan na nakapangalan talaga sa amin.
"Pwede ka naman bumili ng bagong bahay, ma. Gusto ko may sarili kang bahay na maitatawag mong sa'yo. Tita Kendra can live with you. Para magkasama pa rin kayo." Hinawakan ni Saint ang kamay ni Mommy at tinignan si Tita Kendra na gulat ang ekspresyon sa mukha.
"Hey, ano ka ba, I'm fine naman na mag-isa lang dito. And besides you guys are right. Mas maganda kung may sariling tirahan kayo na maitatawag niyong inyo." Hinawakan naman ni Tita Kendra ang isang kamay ni Mommy. "Let them be, Scar. Knowing their love towards you, palagi mo pa sila makakasama sa bahay."
Bumuntong hininga si Mommy. Iniisa-isa niya kaming tinignan. "Ayaw ko rin naman maiwan mag-isa tuwing wala ang dalawa kong anak. Kaya sa akin ka nalang tumira. Pamilya naman tayo rito. Ayaw kong iwan ka. It is to repay what you did for us and to myself before. Malaki ang utang na loob namin sayo. Paniguradong gusto rin ni Sean ang ideyang 'yon." Malambing na ngiti ni Tita Kendra na naiiyak sa sinabi ni Mommy.
Nakatitig lang kaming tatlo kay Tita Kendra. Mayamaya nalang ay may ngiti nang kumorba sa labi niya.
"Okay, majority. Hindi ko talaga kayo matiis." Napa-hiyaw kami sa pag-sangayon ni Tita. "But in one condition."
"Shoot." Saint dared her.
"I'll pay the bills too kung titira ako kasama ng mommy niyo. Bebenta ko nalang itong bahay."
Tumili naman si mommy at si Tita Kendra. Mabilis na lumalabas sa bibig nila ang mga ideya tungkol sa kung anong bahay ang kukunin, design ng interior at exterior, at kung ano pa ang pwedeng pag-usapan ng dalawang babae.
Nakangiting umiiling ako. Girls...
Nakasandal ang likuran ko sa headboard ng kama ko habang tulalang nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko na nakapatong sa dalawang hita ko. Mahapdi pa rin ang mata ko dulot ng pag-iyak kanina sa opisina ni Attorney Fransico Bustamante.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.