"What was that? My Daddy Ed thinks you're my date." Utas ni Athena sa akin nang maka-punta siya rito sa hallway nila sa ikalawang palapag ng bahay.
Matapos kasi namin mag-pakilala ni Ed sa isa't isa, pinaalam niya sa akin na kakausapin muna siya ng mga kaibigan niya sa business nila. Kaya pumunta ako sa tahimik na parte ng bahay nila, yung walang tao, yun ay ang ikalawang palapag ng bahay nila. May mga pictures nila sa dingding kaya naman ayun ang pinag-kaabalahan ko.
I chuckled lightly. "Hey, it's not my fault what I said about you was true."
"Shut up. Sinasabi mo lang yun kasi kaharap mo ang lolo ko. Hindi mo rin kailangan mag-sinungaling na ikaw ang may ari ng Empire. Mapag-panggap." Humalukipkip siya habang masama ang tingin sa akin.
"Kailangan pa ba pag-kalat sa mga tao na ako ang may ari ng isang sikat na club?" Pag-tatalo ko.
Eto na naman kami, nagtatalo.
Athena rolled her eyes. "E, ano yung ginawa mo kanina? Ang yabang mo kasi. Hindi mo naman kailangan ipakilala ang sarili mo bilang may-ari ng Empire club. The hell he cares about you and your damn business. And pwede ba, kadiri ng mga pinag-sasabi mo tungkol sa akin kanina. Hindi ko kailangan marinig yun. Lalo na sayo. Nakaka-diri pakinggan. Conceited jerk."
"Ano ba ang problema mo sa akin? Tinulungan kita sa pesteng photoshoot mo na iyan tapos eto ang ipapa-salamat mo sa akin? Lahat nalang ng ginagawa o sinasabi ko sayo naiirita ka. Kababae mong tao ang sama ng ugali mo." Padabog kong sinabi. Malapit na maubos ang pasensya ko.
I cannot deal with this right now. Kanina pa ako walang gana at nang-gagalaiti gawa ng lolo niya tapos eto siya ngayon, nag-uumpisa ng bangayan. Sa pinag-sasabi niya, bumababa ang ego ko bilang isang lalake. Wala rin kahit sino ang nakikipag-usap sa akin ng ganyan kundi siya lang.
Kirot at hapdi ang naramdam ko matapos niya ako bigyan ng isang malutong na sampal. Saktong dumating din ang apat na kaibigan, tinatanong kung ano ngyayari sa amin dalawa. Hawak ni Stephanie si Athena sa balikat habang si Alyssa at Vicky ay nasa gilid ko.
"Tang!na mo. Wala kang karapatan sabihin yan sa akin." Nanginginig niyang sinabi.
"You deserved that." Ani ko. Nag-lakad na ako papalayo sa kanila para tuluyan na umalis rito sa bahay.
I screwed up, I know.
'What happened? We saw the slap. Ayaw sabihin ni Ath ang ngyari.' Tanong ni Vicky sa text message niya.
Initapon ko muna ang cellphone ko sa passenger seat ng sasakyan ko at nag-drive papunta sa bahay nila Haruna.
"Can you believe it? Pucha, napaka-panget ng ugali niya para sa isang babaeng katulad niya! Ano ngyari? Wala! Yung plano ko na makuha siya mauuwi pa sa wala!" Walang humpay pag-ra-rant ko kay Haruna simula ng makarating ako rito sa bahay nila.
"E, 'di itigil mo na kung sa tingin mong wala nang pag-asa."
Umatras ang ekspresyon ng mukha ko ng marinig iyon sa kanya. "What? You expect me to do that? Alam mo naman matagal ko ng hinintay ito tapos ayan ang sasabihin mo?"
"Sabi mo mauuwi pa sa wala kasi sa ngyari kanina. Sinabi ko lang naman itigil mo na kung sa tingin mong wala ka na pag-asa sa kanya." Kalmadong sagot niya sa akin.
"Siempre hindi ko ititigil. Alam mo yan. Hindi mo kailangan sabihin na itigil kung wala pag-asa. You're trying to make me feel bad even more."
"Then change your attitude towards the situation."
"Yeah, right. Here we go again sa change the attitude towards the situation mo. Kailangan ko lang naman is comfort mo pero kung ano ano pa sinasabi mo." Naiirita na ako.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.