Eighteen.

469 11 1
                                    

It's been three weeks since the day Haruna and I broke up.

Ang buong tatlong linggo na iyon ay sinusubukan kalimutan ang katotohanan wala na kami ni Haruna. Ang buong tatlong linggo na kinakayang mag-move on para sa ikabubuti ng aking sarili. Ang buong tatlong linggo na hinahanap ko ang aking sarili para mabuo ulit.

Kinakaya ko naman na. Sa totoo lang, I'm healing day by day. Nalulungkot pa rin ako, inaamin ko 'yon. Pero hindi na kagaya nuong mga unang araw na palaging bumubuhos ang luha sa mga mata ko at ang pag-kirot ng puso ko.

I'm finally letting go of the girl I loved dearly.
Tama sila. Makakahanap din ako ng tao na para sa akin. Someone who will give the love that I deserve.

I looked at myself in the mirror. I brushed my hair push back for a final touch before taking the cufflink for the sides of my sleeves cuff. After putting the links, I let myself shower from the manly smell of my perfume before grabbing my ebony coat and suspend it on my forearm before heading out of my room.

Today is Stephanie's birthday. She personally invited me to come to her birthday celebration in one of the most luxurious hotel in the Philippines.

Sakto lang ang pag-dating ko sa ballroom kung saan gaganapin ang celebration ni Stephanie. Kaya naman agad akong lumapit sa isang table kung saan kailangan mag- sign in ang mga guests ni Stephanie. Hindi rin nag-tagal may nag-alalay sa akin na isang lalake patungo sa table kung saan ako naka-assign.

And, I knew it. I'm assigned to the table where her close friends are. Hindi lang iyon. Si Athena pa ang katabi ko.

Masayang binati ako nila Vicky nung nakita nila akong papalapit sa table nila. Si Athena naman ay walang imik na naka-upo lang sa upuan niya, hawak ang cellphone at nag-titingin sa kanyang Facebook news feed.

Umupo ako nang marahan sa tabi ni Athena at sinimulan kausapin sila Vicky dahil binabati nila ako na buti naka-punta ako sa birthday celebration ni Stephanie.

Naka-ilan program na siguro ang celebration ni Stephanie, hindi pa rin kami nag- papansinan ni Athena. Kumakain man o kausap ang mga kaibigan. Mag-sasalita lang si Athena kung may gusto siyang sabihin sa mga kaibigan niya o kung kinakausap siya nila Vicky. Pati nga kahit tumingin sa akin wala ako natatanggap mula sa kanya.

Napatingin kami lahat sa harap nang mag-salita ang emcee.

"Ladies and Gentlemen, now it's time to spice up the romance in our program by having a slow dance as requested by our birthday girl." Maligayang anunsiyo ng emcee sabay nag-simula ang isang mabagal na tugtog.

Tuwang-tuwa at kinikilig naman sila Ellie sa narinig nila dahil makakasayaw na nila ang mga kasama nilang date at si Vicky naman ay makakasayaw ang kanyang pinsan na sinama niya dahil ang boyfriend ni Vicky ay nasa ibang bansa.

Tinignan ko sa gilid ng mata ko si Athena na blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Wala naman din kasi siyang dinala na date at kilala ko siya na wala siyang interes sumayaw kahit may mag-aya sa kanya na lalake.

Simula na ang pag-tayuan ng ibang bisita ni Stephanie at pumunta sa gitna para sumayaw.

Dumadami na rin ang mga tao sa gitna. Mga couples, matatanda, mag-asawa, mga bata na naglilikutan sa gitna, o kahit magkakaibigan at magpipinsan ay nagsasayawan na sa gitna. Yung iba naman sinasabayan lang ang kanta gamit ng pag-kanta rin.

Sila Vicky, Ellie at Alyssa ay nasa gitna na rin.
Ang natira nalang dito sa table ay ako at si Athena.

The usual, Athena looked bored. She's just using her cellphone to get rid of her boredom as if waiting for this program to stop.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon