"Hi." Bati ko kay Athena nang besohan ko siya sa pisngi niya nang makarating ako dito sa isang restaurant na meeting place namin.Gan'on pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Athena. Hindi pa rin nag-babago ang pagka-lungkot at bagsak ng mukha niya gawa. Walang ayos ang mukha niya at pati na rin ang sarili.
Naka-suot lang siya na white shirt nan aka-tuck in sa high-waist jeans niya. Ang buhok niya ay naka-tali sa ayos na messy bun.
"Nag-order na ako ng pag-kain natin." Malamyang sagot ni Athena.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya itinatama ang mga mata niya sa akin. Nakatingin lang siya sa pinggan sa harapan niya o 'di kaya minsan tumitingin sa ibang bahagi.
Bumuntong hininga ako. Pinahaba ko ang aking kamay para hawakan ang kanan kamay ni Athena na nakapatong sa mesa. Nanatili lang na nakahawak ang kamay ko pero ilan saglit lang ay ibinawi ni Athena ang kamay niya.
Ilan saglit lang ay dumating na ang waiter na dala ang dalawang pinggan sa kamay. Inilapag niya ang pinggan sa harap namin matapos sabihin ang pangalan ng pagkain na in-order ni Athena at saka umalis.
"Athena, talk to me." Mahinang sabi ko kay Athena.
Sa kalagitnaan kasi ng pagkain namin niisa sa amin ay walang binibigkas na salita. Tahimik lang na kumakain.
This isn't us. Tuwing kumakain kami ni Athena ay puro kwentuhan at tawanan. This one is different. The silent treatment is suffocating.
I saw Athena's jaw cleanched as she finished chewing the piece of food she ate. Hawak niya lang ang kutsilyo at tinidor. Ilan saglit lang ay magalang na inilapag niya ang mga ito sa tissue na nasa gilid ng pinggan niya.
Tumaas ang ulo niya. Ang mukha niya ay hindi mo malaman kung ano ang ipinapahiwatig ne'to. It's a pure emotionless facial expression facing right at me.
Bigla akong kinabahan sa Athena na nakikita ko ngayon. Uminit ang buong katawan ko, nag-sisimula na rin lumabas ang maliliit na butyl ng pawis sa batok at likod ko. Pati tibok ng puso ko ay abnormal na rin sa bilis ng takbo ne'to.
Pero ang mga lumabas galing sa bibig ni Athena ay ang alintaya na ayaw marinig ng isang tao mula sa taong minamahal. Ang mga salitang tutusok sa puso mo upang sumakit ito at sumabog ng pagkarami-rami.
"I'm breaking up with you."
Napakunot ang nuo ko. Umuwang ang bibig ko pero sumara ulit ito dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa narinig ko. Para akong nabingi at napipi.
"I think it's best to part our ways, Sean."
Tama na, Athena! Nasasaktan na ako sa mga masasakit na sinasabi mo. Ayaw ko na makarinig pa ng salita na sasaktan ako ng tuluyan.
"I don't think our relationship is going to work. Nasa prisinto ang lolo ko ngayon at inembistiga ng mga pulis at abogado niyo. Hindi natin pwede ituloy ang relasyon natin kasi pamilya ko ang pinag-uusapan dito. Ayoko maging makasarili kung ipag- papatuloy pa natin ito, Sean. I love my family more than anything else. Yes, may nagawang kasalanan si Daddy Ed at Mommy but I can't just ditch them. Kailangan nila ako ngayon. I'm sorry."
Pag-tapos niya sabihin ang lahat ng iyon ay tumayo na si Athena, kinuha ang bag at nag-lakad na papalayo na kahit isang pag-lingon ay wala akong natanggap mula sa kanya.
Nanlumong sinandal ko ang aking likuran sa upuan ko. Namimilipit sa sakit ang namumuong bukol sa lalamunan ko sanhi nang gusto kong maiyak sa nangyayari ngayon.
Nawala na naman sa akin si Athena ng ika-dalawang beses sa buhay ko. Hinayaan ko na naman siya makaalis sa piling ko.
Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para hindi bumuhos ang luha na gustong kumawala sa mata ko.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.