"Sean, I found your father." Diretsahan binalita ni Saint.
Agad kong ibinaba ang cellphone ko sa aking hita. Nakakapang-lumo talaga ng marinig ko 'yon.
Napasandal ako sa sandalan ng upuan.
The noise, chatterings, lights, people, and the venue itself are suffocating me. It seems like my whole world is shrinking and ganging up against me. I wasn't honestly hoping for Saint to discover my father early but the thought of knowing he still exist makes my whole existence execrate.
Nakaka-suka sa pakiramdam.
Tatayo na sana ako ng nakaramdam ako ng pag-hawak sa kamay ko. Binaba ko ang tingin ko sa kamay ni Ellie.
"Hey, are you okay?" Kunot nuong tanong ni Ellie. May pag-alala sa tono ng boses niya.
"Ye-yeah. Kailangan ko lang mag-pahangin." Nauutal kong sambit.
Nanginginig akong nag-maneho patungo sa kinaroroonan ni Saint.
Siguro nakakatawa ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang kaba, galit, at takot. Tinignan ko ang namumutla kong mukha sa salamin. Pati bahid ng mga pawis tumutulo na sa mukha ko.
Paspasan kong hininto ang makina ng sasakyan ko ng makita ko si Saint na nakasandal sa sasakyan niya na mukhang kalmado.
"Sigurado ka ba rito?" Nag-aalalang tanong ni Saint.
"Gusto ko na matapos ang lahat ng ito. Walang mangyayari pag-papairalin ko ang takot ko." Seryosong saad ko sa kanya.
Tumango lang ito at una na nag-lakad papaloob dito sa isang gusali na hindi ako pamilyar. Ang alam ko lang ay malayo ito sa mga tao at iba pang gusali. Kumbaga abandunado na itong lugar na ito. Halos ito lang ang makikita mong gusali. Pati ang daanan ay hindi maayos at hindi maaliwalas. Kumbaga para kang nasa isang horror movie kung saan ang gusali na ito ang lugar kung saan ka papatayin ng killer.
Huminto si Saint sa tapat ng isang sira na pinto at humarap sa akin.
"He's still unconscious." Aniya.
Siguro yung mga maliliit na segundong binubuksan ni Saint ang pinto ay lalo bumibilis ang pag-takbo ng aking puso, sunod din ang pag-sabay ng dalos ng pawis ko sa batok at likod.
"Let's just wait for him to wake up." Huminga ako ng malalim bago tumango kay Saint para buksan na niya ang pintuan.
Akala ko magiging kalmado pa rin ako hanggang sa pag-pasok ko ng makita ko siya pero hindi. Sumara ang kamao ko at tatakbo na sana ako patungo sa kanya para suntukin pero pinigilan kaagad ako ni Saint.
"It's not worth it if you'll attack him in his state. Calm yourself, Sean." Pag-pipigil sa akin ni Saint habang naka-yakap ang dalawang kamay niya sa likod ko.
Tinignan ko muli yung lalakeng walang malay na naka-upo sa upuan. May itim na tela ang naka-balot sa ulo niya. Ang dalawang kamay niya ay naka-tali sa likuran ng upuan, at pati na rin ang kanyang paa ay tig-isang nakatali sa paanan ng upuan.
Kahit papaano naging kalmado na rin ako. Halos thirty minutes na kaming naghihintay ni Saint na gumising ang lalake.
"Ang tagal niyang gumising." Reklamo ko. Binalik ko ang cellphone ko sa paketa matapos ko tignan ang oras.
Madami na rin text messages akong natanggap mula kela Vicky. Tinatanong kung asaan ako at bakit hindi na raw ako bumalik o nag-paalam man lang na aalis ako. Hahanapin daw kasi ako paniguardo ni Athena pag natapos ang fashion event.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.