"These are amazing, Athena." Pag-puri ko sa mga disenyong ginuhit ni Athena sa sketch pad niya."Wait until you see..." Huminto sa pag-sasalita si Athena at excited na tumungo sa isang pwesto kung saan may dalawang nakatalukbong na mannequin. Tinanggal niya yung isa at ganun din sa pangalawa. "This!"
Inilahad ni Athena ang mga kamay niya sa dalawang mannequin na suot ang design na katulad sa mga designs niya sa sketch pad.
Nanlaki ang mata ko pati ang labi ko ay kumobra sa ngiti nang makita ito. Nilapitan ko kung saan nakatayo si Athena at ang dalawang mannequin. Niraramdam ko ang telang ginamit ni Athena sa disenyo niya.
"You're amazing, Athena." Ani ko habang tinitignan pa rin ang disenyo bago siya tignan sa kanyang mata. "You really are amazing."
Athena rolled her eyes with a smirk on her face. But I saw a little pinkish tint on her cheeks as I think I made her blush.
"Thank you. I poured all my heart out on my projects. Especially to this current work I'm working on. Isa kasi ako sa mga designers na i-sho-showcase ang designs sa Philippine Fashion Week. At bilang isa sa mga rising star young designer, pinili nila ako."
Kitang-kita ko sa mukha ni Athena ang saya habang tinititigan niya ang design na naka-suot sa mannequin. She honestly loves what she's doing. Si Athena ang nag-iisang babaeng nakita kong mahal ang kanyang ginagawa. Alam kong mahirap mag-isip ng design para sa mga damit at gawin ito. Lahat ng hirap at effort binibigay niya para ipakita at ibahagi ito sa mga tao.
I know how much she loves designing clothes. And it makes me proud of her even more.
"I'm happy for you, Athena. I'm so proud of you." I wholeheartedly said.
And again, a little pinkish tint on her cheeks appeared. This time she's looking at me.
Silence...
Parang tumigil ang oras nang magka-titig lang kaming dalawa ni Athena. Ang titig niya ngayon ay hindi katulad ng mga titig na pinapakita ni Athena sa akin palagi dati. Ibang-iba ito ngayon. Buo ang titig niya ngayon na may tipid na ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko rin alam kung ano ang titig na pinapakita ko kay Athena ngayon. Kung ano man ang titig ko, buo rin ito.
Niisa sa amin walang gumagalaw sa kinatatayuan, kundi magka-titig lang. Ang ingay lang na naririnig ngayon dito ay ang tugtog mula sa speakers ni Athena at ang malabong ingay ng mga sasakyan sa labas ng studio ni Athena.
Napa-igtad si Athena sa kinatatayuan niya. "So, what do you think?" Pag-putol niya sa katahimikan bumalot sa amin dalawa.
Kinurap-kurap ko ang mata ko at ngumiti ng alanganin. "One of a kind. I mean, kung may girlfriend lang ako ngayon, I would buy her that dress. It's worth it. I can't wait to see all your designs in the runway."
"And I can't wait to see you see all my designs. Araw-araw kong pinag-puyatan at pinag-hirapan ang mga 'yan. At wala pang nakakakita niyan, kahit sila Vic. Ikaw lang. Be flattered, Alfonso." Aniya na nakataas ang kanan kilay at naka-halukipkip.
Natawa nalang ako ng marahan sa pinakita niyang asta. I jokingly bowed my body. "Well, thank you. I'm so flattered." Natatawa kong pag-sasalamat.
Naka-upo lang kami ni Athena sa lapag, ang mga likod namin ay naka-sandal sa pader at mag-kaharap. Kanina pa kami nag-kwe-kwentuhan habang hinihintay dumating ang pina-deliver namin na pizza.
Pati nga ang movie na pinapanood namin mula sa projector ni Athena ay hindi nabibigyan pansin.
Ang binibigyan pansin lang namin ngayon ay kaming dalawa lang.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.