Sixteen.

552 8 3
                                    

                 

"Bihis na bihis ka ah." Napa-ngiti ako sa opinyon ni Saint sa likuran ko.

Pinakitaan ko nang ismid sa labi si Saint sa harapan ng salamin habang tinutupi ang manggas ng puting long sleeves ko hanggang sa siko.

Plano ko kasing supresahin si Haruna sa bahay nila ngayon para ayain siya lumabas. Na-mi-miss ko na rin kasi siya kahit kaka-kita palang namin kahapon. Gusto ko lang ibigay ang oras ko sa kanya. That's how I love her dearly. Kahit madami akong pinag-kakaabalahan sa buhay ko, hindi pa rin mawawala ang oras at pag-mamahal ko para kay Haruna.

Plano ko nga siya pakasalan. Nag-hahanap lang ako ng tamang oras para mag-propose. Pero sigurado ako na ngayon taon mangyayari 'yon. Tinigil ko naman na ang plano ko sa pamilya ni Athena kaya wala ng sagabal sa oras ko.

"Boyfriend duties." Kindat ko kay Saint na biglang natawa nang marahan sa sinabi ko.

"Well, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng bilang isang boyfriend, but I'm sure it's worth it." Tinapik ako ni Saint sa balikat bago umalis ng kwarto.

Binigyan ko nang huling tingin ang sarili ko mula ulo hanggang paa bago ihawi ang kamay ko sa buhok ko. Matapos ay kinuha ko na ang cellphone, susi ng sasakyan at ang paperbag na ang laman ne'to ay dress na binili ko kahapon.

Naiinip kong tinignan ang trapik sa harapan ko. Halos sampung minuto na akong nakatambay dito sa loob ng sasakyan dahil sobrang trapik, umagang-umaga matindi na ang trapik. Kinuha ko ang cellphone ko sa passenger seat at tinignan ang oras. 11:07AM. Tamang tama pag-dating ko sa bahay nila Haruna ay hapunan na. Saktong oras para maaya siyang kumain sa labas.

Hindi ko pa rin siya tine-text simula kaninang umaga dahil sa plano kong susupresahin siya. Nakakapag-tataka dahil hindi rin siya nag-te-text sa akin. Baka tulog pa...

Sawakas andito na ako sa kalye patungo sa bahay nila Haruna. Lumalaki na ang ngiti ko sa labi habang papalapit sa bahay nila. Sa maliit na distansya, palaki na ng palaki ang bahay.

Napa-angat ang kilay ko sa asul na sasakyan na naka-parada sa harapan ng bahay nila Haruna. Kumibit balikat nalang ako dahil baka may naki-parada lang sadya sa kanila.

Pinarada ko sa likuran ng asul na sasakyan ang kotse ko. Pinatay ko ang makina at saka tinignan ang rekpleksyon ko sa rear-view mirror. Inayos ko ang buhok at mukha ko. Pag-tapos ay kinuha ko na ang paperbag at bouquet ng bulaklak bago lumabas ng kotse.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate ng bahay nila dahil ayoko ma-alarma si Haruna. Kinuha ko ang duplicate key na naka-tago sa ilalim ng pangatlong paso. Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok.

Tahimik ang buong bahay dahil wala ang mga magulang ni Haruna ng ganitong oras. Ang mga katulong naman nila ay nasa likod lang ng bahay dahil tanghali na rin kaya panigurado kumakain na sila ng hapunan.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko habang patungo sa kwarto ni Haruna sa ikalawang palapag ng bahay.

Naririnig ko ang malabong tunog mula sa kwarto ni Haruna. Napa-kunot ang nuo ko dahil alam ko may pinapanood si Haruna. Ang dahilan sa pagka-kunot ng nuo ko ay ang hindi pag-text sa akin ni Haruna kanina pa siya gising.

Isinantabi ko nalang ang isip ko dahil baka hinihintay niya lang ako mag-text sa kanya. Ugali niya na rin kasi ang ako una mag-te-text sa kanya bago siya mag-paramdam.

Bumalik naman ang ngiti sa labi ko at binilisan na tumungo sa harap ng pinto niya. Huminga ako ng malalim sabay hawak sa doorknob at inikot ito para bumukas ang pinto.

I felt like my whole world shattered to pieces the moment I saw the view in front of me. My whole body weakened. Every portion of me melted. Even the tears in my eyes were pulled down by the gravity, hitting the ice-cold floor. Same goes to the paper bag and bouquet of flowers.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon