Pinag-masdan ko ang mga taong nag-sasayawan sa dancefloor ng club ko habang iniinom ang beer sa bote. Wala pa rin nag-babago rito simula nang makabalik ako galing England. Lalo pa nga ito naging kilala at ang perang nakukuha namin ay mabilis dumadagdag kumpara sa tatlong buwan na nakakalipas.
Sa buong buwan kasi na nasa England ako si Saint ang bumahala sa club namin. Hindi ko rin masyado naasikaso ito nung pangalawang buwan dahil sumama sa akin si Crystal pauwi rito sa Pilipinas. Isang buwan din siyang nanatili rito. Na-miss niya lang daw kasi ang buhay dito kesa sa England na puro trabaho lang inaatupag niya. Kaya naman ngayon lang ako nakabalik ng matiwasay sa negosyo namin.
The corner of my mouth twitched upwards when I saw Stephanie, Vicky, Alyssa, Ellie, and Athena dancing on the dancefloor. Regular pa rin pala sila rito sa Empire.
It's been three months since the last time I had a connection and communication with Athena. After that irresponsible confession I uttered to Athena, everything was put to an end. We were over. She didn't bother talking to me.
And that hurts me the most.
Buti nga kinakausap pa rin ako ng mga kaibigan niya. Bihira nga lang kami mag-usap, pero maganda na rin 'yun dahil kaibigan naman nila si Athena talaga. Ayaw lang daw nila na hindi ako papansinin porket may hindi magandang nangyari sa amin ni Athena. Naging kaibigan naman daw kasi nila ako.
"You're not going to go down and pretend you don't know they're here?"
Napalingon ako sa maamong boses ng kapatid ko. Nakatingin lang din siya sa baba habang iniinom ang alak sa baso.
"May rason ba para pumunta dun?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
Naka-ngiting umiiling si Saint sa sinabi ko. Inakbayan niya ako at sinama ako mag-lakad pababa patungo sa dancefloor.
Umaatras ako sa gusto niyang pumunta kami sa dancefloor pero hindi niya hinayaan mangyari 'yon. Ang tangi niya lang sinasabi ay ang mag-saya ngayon gabi. Bilang kapatid niya, na-miss niya raw ako makasama.
"I don't think this is a good idea, Saint." Umiiling kong pahayag.
Medyo malapit lang kami kung saan sumasayaw sila Athena kaya naman kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam ang i-aasta ko pag nag-kita kami ni Athena. Kakausapin ko ba o hindi papansinin?
"Ako bahala sayo." Malakas na sinabi sa akin ni Saint dahil sa lakas din ng tugtog dito sa club. "Let's just have a good time." Kindat niya sa akin habang sumasayaw.
Natawa nalang ako sa kapatid ko. Ngayon ko lang din ulit nakita ang ugali ni Saint na ganito. Hindi mo aakalain na isa siyang seryosong tao at may itim na sikretong tinatago. Kung pagmamasdan mo siya ngayon, halos ibang tao siya. May ugali naman na ganyan ang kapatid ko pero sobrang bihira lang.
"Yes. And this is my brother, Sean, by the way." Pinakilala sa akin ni Saint ang isang babae na hindi ko napansin lumapit sa amin at nakipag-kilala kay Saint.
Ang lakas talaga ng lalakeng 'to. Kahit walang ginagawa, lumalapit sa kanya ang mga babae. Mangha kong kumento sa looban ko.
Kumindat sa akin si Saint habang kasayaw ang babae kanina. Habang ako naman ay kasayaw din ang kaibigan nung babae.
Sa totoo lang sinasakyan ko lang itong dalawang babae na'to dahil alam kong may binabalak 'tong si Saint kung bakit andito kami ngayon sa dancefloor at kasayaw 'tong mga babae. I'm only trying to have some fun here.
Mayamaya nalang may binubulong si Saint sa babae habang tumatango naman ito. Ilan saglit lang ay hinawakan ako sa kamay ni Saint at hinila paalis sa dalawang babae.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.