Epilogue.

817 16 1
                                    

Huminga ako ng malalim nang umupo ako rito sa upuan at hinihintay ang taong pinag-pasya ko makalabas ng pintuan kung saan may dalawang gwardya.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni Ed Casino ng ako ang unang makita niya nang makalabas siya ng pintuan.

"Just sit down." Inutos ko ng puno ng awtoridad.

Tumingin siya sa gwardya na naka-buntot sa likuran niya. "Sundan mo ang inuutos sayo o pahihirapan kita? Dali na umupo na. May sampung minuto kayo para mag-usap."

"Umpisahan mo na mag-salita." Walang ekspresyon na sinabi ng matanda sa harapan ko.

I took a deep breath. Pinag-isipan ko ito ng mabuti kaya kahit anong mangyari hindi ko pag-sisisihan ang gagawin kong ito. Sinabi ko na rin 'kay Saint ang tungkol dito. Kahit ilang araw niya ako hindi pinapansin dahil tutol siya sa desisyon ko, isasagawa ko pa rin.

"Papalayain na kita." Bukod tangi kong sinabi, sapat na para lumuwa ang mata niya at umuwang ang bibig sa narinig.

"I talked to my lawyer and he's talking to the officials for dropping the charge against you. Pero under probation ka pa rin kahit makalaya ka."

Bago pa siya maka-salita ay nag-dagdag pa ako sa aking sasabihin. "Yun ay kung hahayaan mo kaming dalawa ni Athena. You will not going to have anything against us, okay? Hindi ako papayag na gagawin mo ang ginawa mong karumal-dumal sa magulang ko nuon."

Mabilis na tumango ang matanda. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang saya. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko na maiging nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Salamat. Salamat." Paulit-ulit na pasasalamat niya. "Makikita ko na rin sawakas ang apo ko. Isang taon ng nakaka-lipas." Aniya. Ang luha niya sa mata ay simula ng tumutulo sa pisngi.

"Bukas na bukas ay laya ka na. Papa-discharge ko na rin si Deseree sa mental facility dahil normal naman ang kanyang standing sa facility. Naka-usap ko na rin siya tungkol sa'yo at parehas ng kondisyon na gusto ko. Bibigyan ko kayo ng sapat na bahay at pera para mamuhay ng maayos pang-samantala." Pahayag ko 'kay Ed.

Tahimik na lumabas ako ng presinto matapos ang sampung minutong binigay para sa amin ni Ed. Tahimik din na umuwi ako ng bahay namin.

"Gusto ko lang na malaman mo na galing ako sa-" Naputol ang sasabihin ko nang mag-salita si Saint.

"Reece is not what you think he is." Walang buhay na sambit niya.

Napa-kunot nuo ako sa narinig ko at nag-lakad ako patungo 'kay Saint. Umupo ako sa sofa kung saan siya naka-upo.

Binigay niya sa akin ang isang folder na nag-lalaman ng impormasyon tungkol 'kay Reece. Iniisa-isa ko ito, hindi mapaniwala sa mga nakikita ko.

"Kung gusto mo ng kompirmasyon. Yes, Reece is using Athena for his import and export of drugs overseas. Tuwing nag-papadala ng shipping si Athena ng kanyang mga designs sa iba't-ibang bansa, sinasama ni Reece ang mga droga niya sa mga kahon kung saan nakalagay ang mga designs ni Athena. I also checked the contracts he made sa mga shipping lines, all were Athena's signature. Meaning to say, he forged Athena's signature. At pag nagkataon nabisto ang drugs, si Athena mismo ang malalagot dahil pangalan niya at signature ang nasa kontrata."

I clenched my jaw on what I heard from Saint. How can he do that to Athena? Napaka-inosente ng tao pero niloloko at ginagamit niya lang pala.

"So, what's your plan?" Tanong ni Saint nang tumingin siya sa akin.

Binaba ko ang folder sa coffee table at sinandal ang likuran. "Wala."

"Anong wala? It's Athena we're talking about. Eto na ang chance mo mapalapit ulit sa kanya by saving her from that bastard."

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon