Four.

1K 27 6
                                    

Four.

"What the hell?" Nagulat kong sinabi nang makita si Saint na nakatayo sa bandang bintana. Nakatalikod siya at pinag-mamasdan ang madilim na tanawin sa labas ng condominium.

Binuksan ko ang ilaw sa loob ng unit ko. Mabilis pa rin tumitibok ang puso ko sa takot dahil akala ko nakakita na ako ng multo. Si Saint lang pala.

Bumuntong hininga ako. May duplicate key nga pala kami sa mga unit namin kaya naman nakapasok ang kapatid ko.

Lumingon na siya sa akin na may ngiti sa labi niya at naglakad patungo sa mini bar. Kinalikot niya ang mga alak dun. Mayamaya sinimulan na niyang mag-lagay ng whisky na may yelo sa dalawang rock glass. Isa sa akin, isa sa kanya.

"Bakit ka andito?" Tanong ko bago lumagok ng alak. Umupo ako sa bar stool at nakipag-titigan sa kanya.

Kumibit balikat si Saint. "Wala magawa, e."

I chuckled on his response. "Ikaw? Wala ka magawa ng ganitong oras? Kelan ka pa nawalan ng gagawin?"

Seriously, lagi kasi may ginagawa yang si Saint. Kaya bago sa akin ang narinig kong sagot niya na wala siyang magawa.

Ngumiti naman ang loko na umiiling-iling pa. Umalis siya mula sa loob ng mini bar at umupo sa katabi ng bar stool ko habang naka-harap sa akin. "All done for tonight, bro."

Kaya naman pala. Maaga niya natapos ang ginawa niya. Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang ginawa niya dahil nuon palang alam ko na.

"Enough of me. Ikaw? How are you? Hindi na kita nakita simula kagabi."

"All perfect." Ngiti ko.

Kinuwento ko ang ngyari kagabi tungkol sa pag-hatid ko kay Athena at sa mga kaibigan niya sa condominium ni Vicky.

Tumawa ng nakakaloko si Saint sa kwento ko. "Sabi ko naman kasi sayo, gawin nalang natin ang madaling paraan para sirain ang mga Casino."

Pati ako natawa sa suwestyon niya. "Gago, ayoko silang patayin kaagad. I want to torture them mentally first with this plan I'm doing."

Umikot si Saint at sinandal niya ang likuran niya sa bar counter. "Well, I love that better." Lumagok siya ng alak at tumango naman ako. "Kamusta pala si Haruna? How is she feeling about this? Alam na ba niya na nag-kita na kayo ni Athena?"

Humalukipkip ako at bumuntong hininga. "Yeah, I told her about it kanina. Takot pa rin siya. She's afraid on what the consequences would be."

Hinawakan ako ni Saint sa balikat ko. Ayan na naman ang ngiti niyang ma-amo. "Make her feel that she's the only one and worth it. Always make her feel that. Baka siya pa ang mawala sayo kapag pinabayaan mo siya."

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

If you wish not to lose someone, don't let them go. Simple as that.

--

Pinag-masdan ko ang loob ng club. Napangiti ako kung gaano ka-successful ang club namin. Hindi ko aakalain na matutupad kaagad ang pinapangarap namin mag-kapatid.

Tumingin ako sa itaas. "I hope you're proud of us, dad." Bulong ko sa sarili kong kinakausap si Papa Sebastian.

Napalingon ako sa kanan gilid ko ng may kumalabit sa balikat ko. Bigla nag-iba ang ugali ko nang makita kung sino ang kumalabit sa akin.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon