Ten.

646 17 3
                                    

"Oh, damn." Bigla dumilat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Saint.

Napakunot ang nuo ko sa ekspresyon niya ngayon na nanlalaki ang mata pero may ismid sa kanyang labi na nakatingin sa akin dito sa sofa.

But wait, how come I can't move my left arm and there's a weight pressing to my left arm?

Nilingon ko ito at ginaya ang ekspresyon ni Saint kanina na nanlaki rin ang mata.

"Athena." Mahinang bulong ko.

Dahan-dahan niyang binuklat ang mata niya. Tumibok kaagad ang puso ko sa kaba dahil baka magulat at magalit sa akin si Athena dahil mag-katabi kami matulog. Pero nawala lahat ng kaba at napalitan iyon ng kampante ng makita siyang nakatitig lang sa akin habang onti-onting kumorba ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Good morning." Mahinang inaantok na bulong niya. Umupo rin siya at ngumiti kay Saint para mag-good morning din na siya'y binati rin ng kapatid ko.

"I should go home." Aniya.

Umupo na rin ako ng maayos. Mag-sasalita na sana ako para ako na mag-susundo sa kanya pauwi ng sumabat kaagad ang kapatid ko.

"Sumabay ka na muna sa amin mag-breakfast bago umuwi." Matamis niyang ngiti kay Athena.

Let's just see if that charming smile of Saint would work to Athena. Saint's smile is one of his strength. It's like being hypnotize by it once he shows you his smile. He can convince anyone with that smile. But knowing Athena... I doubt.

Napalingon ako kay Athena ng lumingon siya sa akin. "Can I?" Tanong niya.

Does it mean Saint's smile worked? Napangiti nalang ako sa loob ko dahil kahit sino talaga na mangingitian niya ay makukuha niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Pero kailangan ko muna bumili ng toothbrush. It's morning, afterall." Nahihiya niyang sinabi.

Natawa kami ng marahan ni Saint sa sinabi niya. Napalingat ang tingin ko kay Saint at nakita siyang tumango't kumindat sa akin. Ano trip ne'to?

"I enjoyed the breakfast with you and your brother. Thank you." Pasasalamat ni Athena sa akin ng makarating kami dito sa tapat ng bahay nila.

Kumibit-balikat lang ako sa sinabi niya at ngumiti. "Thank you for spending a morning with me."

She chuckled. "Yeah right. I should get going. Kagabi pa itong suot ko. Again, thank you." Binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan ko at tumungo na sa gate ng bahay nila. Hinintay ko rin siya makapasok bago ako umalis.

--

Dalawang linggo na ang nakaka-lipas ng ibalita sa akin ni Saint ang tungkol sa tunay kong ama.

Madami na rin ang ngyayari sa buhay ko sa loob ng dalawang linggo na iyon. Mas naging malapit kami ni Athena sa isa't-isa. Siguro nakukuha ko na rin ang tiwala at loob niya dahil hindi na siya tulad ng dati na salbahe ang ugali sa akin. She's still having that sharp-tongue of hers but her sophistication is with her. Athena will always be unpredicatable.

Kahit na madalas kami mag-sama ni Athena, nabibigyan ko pa rin ng oras si Haruna. She's my girlfriend, after all. Hindi ako nag-kukulang sa pag-bibigay ng oras sa kanya. Alam niya rin ang mga pinag-gagawa ko kay Athena kaya hindi nawawala ang tiwala niya sa akin. I am not going to do a risk on losing her trust towards me.

"Who's the girl for today?" Asar na tanong sa akin ni Saint. Ang kanyang labi ay naka-ismid na mapang-asar.

I tsk'ed. "May importanteng sasabihin daw sa akin si Athena ngayon." Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumungo na sa pintuan ng kwarto ko para pumunta sa pag-kikitaan namin ni Athena.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon