One year ago had passed since Ed Casino was sent to prison for embezzlement and Deseree Casino were sent to a private mental facility as she lost her mind when her father lost the trial and to the fact there's no money left for the Casino's.
Isang taon na rin ang nakakalipas sa pag-hiwalay namin ni Athena. Simula nang makulong ang lolo niya, hindi na muli nagpakita pa si Athena sa akin. Pati ang mga kaibigan niya ay hindi na ako pinapansin at hindi ko na rin sila pinapansin dahil hanggang ngayon kahit tama ang ginawa ko sa pag-kulong sa lolo niya ay nahihiya pa rin ako harapin ang mga taong kasapi ni Athena sa buhay niya, lalong lalo na si Ahena.
Habang nakikipag-laban sa kaso ni Ed Casino ay kinausap ko si Luke Forbes, ang totoong ama ni Athena. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyayari kasalukuyan sa pamilya ng mga Casino kaya agad itong lumipad galing England patungo rito sa Pilipinas.
Nasa England na si Athena ngayon kasama si Luke. Sa England na rin niya pinag-patuloy ang pagiging fashion designer. Kaya kahit andu'on siya ay pasikat na ito ng pasikat sa ganda ba naman ng mga deisgns niya.
Masaya ako dahil maganda at payapa na ang buhay niya.
At ako? Until now, I haven't moved on. Kahit sinasabi nila Saint sa akin na mag-move on na ako 'kay Athena ay hindi ko pa rin magawa. Hindi ko siya kayang makalimutan. Mahal na mahal ko pa rin si Athena hanggang ngayon. Hindi ito nag-babago kahit isang taon na ang nakakalipas.
"Damn. What is wrong with me?" Mahinang pag-mamaktol ko sa reclining chair ko sa aking opisina dito sa bahay namin.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Binuksan ko ito at tinignan ang mga litrato namin ni Athena nu'ong kami pa. Hindi ko pa kasi binubura ang mga litrato namin dahil mahalaga ito sa akin.
Biglang nawala ang litrato namin sa harapan ko nang napalitan ito ng caller ID at nakalagay ang pangalan ng secretary ko na tumatawag sa akin ngayon.
"What is it?" Tanong ko.
"Sir, I already booked you a flight to England. I'll send you the flight details to your e-mail now." Sagot ne'to sa kabilang linya. Naririnig ko rin ang pag-tunog ng keyboard niya habang nag-ta-type siya.
Mayamaya lang ay tumunog bilang alerto ang laptop ko. Dumating na ang mensahe sa e-mail ko.
"Got it. Thanks so much." Pasasalamat ko.
Nag-paalam muna ito bago ko binaba ang tawag.
I excitedly clicked the message to check it. Napa-ngiti ako nang makita kung kalian ako makaka-alis patungo sa England para puntahan si Athena at makipag-ayos sa kanya.
I'm going to win her back even if I'm chasing her again.
"Thanks, mate." Pasasalamat sa akin ng driver ng taxi na sinakyan ko papunta rito sa hotel na pag-is-stay-an ko dito sa England.
Kinuha ko ang bagahe ko bago bumaba ng taxi at tumungo sa entrance ng hotel kung saan ay binati ako ng dalawang doorman.
Nang makarating ako sa kwarto, agad kong hiniga ang sarili sa kama dulot ng pagod at puyat. Kailangan ko ibalik ang lakas ko para maayos ang anyo ko pag nakipag-kita na ako 'kay Athena bukas.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa'kin mula sa bintana. Kahit may kurtina ang bintana, malakas pa rin ang liwanag ng araw kaya nakaka-silaw pa rin ito.
Inaantok na kinapa ko ang cellphone sa kama para tignan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang 10:37AM na.
Bumangon kaagad ako sa kama dahil kailangan ko na maligo at ayusin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.