Fourteen.

624 12 3
                                    

"We are now arriving at London Heathrow Airport..."

Anunsyo ng flight attendant na nag-bigay buhay sa mga pasahero rito sa eroplanong sinasakyan ko. Tinanaw ko ang madilim na kalawakan ng London sa labas ng bintana. Puno ito ng mga ilaw kaya namangha ako sa kagandahan ne'to.

Nahirapan man ako mag-paalam at gumawa ng rason kung bakit ako mag-babakasyon dito sa England kay mommy at Tita Kendra, nakumbinse ko naman sila. Si Haruna naman ay wala rin alam sa totoong pakay ko rito. Ang alam niya lang ay may kailangan akong kausapin na kliyente para sa Empire Aphrodite. Tanging si Saint lang ang nakaka-alam sa totoong rason.

Nag-book kaagad ako ng flight patungo rito simula ng maayos ko ang pag-papaalam sa kanilang lahat. Buti nalang hinanda ko na ang proseso ng visa ko dati pa dahil nagbabakasakali ako na dadating ang araw na pupunta ako rito sa England pag nahanap na ni Crystal si Luke Forbes.

Kasama rin naman ito sa plano ko na hanapin ang totoong ama ni Athena. May dahilan kung bakit ko pinahanap kay Crystal si Luke Forbes. Mahirap lang talaga hanapin ang lalake gawa ng personal na problema niya. Laking pasalamat ko nalang talaga kay Crystal dahil nag-pursigi siyang hanapin si Luke Forbes.

"Sean! Oh my God!" Mabilis na kinakaway ni Crystal ang kamay niya habang sinisigaw ang pangalan ko. Bakas ang tuwa sa kanyang mukha kaya pati ako nahawa na rin sa saya.

"Crystal." Yakap ko sa kanya na mahigpit nang mag-lapit kami.

Kinalas ako ni Crystal sa yakap niya. Hawak pa rin niya ang dalawang balikat ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You're bloody gorgeous, ya prick." Aniya sabay suntok sa dibdib ko ng pabiro.

Bigla naman ako natawa ng marahan. "You do know I find your accent amusing?"

Seriously, her British accent is just unbelievable now that Crystal's a fine woman. Unlike before, Crystal was just that clichè girl that I get to grow up with.

She used to have braces back then. Now... she's damn gorgeous. With that ash blonde hair, brown eyes, and overly sexy body that every girl would want to have as their goal body.

"You just think it's sexy, yeah?" Kindat niya sa akin.

I scoffed at her bluff and shook my head playfully. "Whatever, loser."

--

"Great flat, Crys." Mangha kong pinuri ang apartment unit ni Crystal nang makapasok kami rito.

Kumibit balikat siya. "I know, yeah." Aniya habang hinila ang maleta ko sa tabi ng brown na sofa niya.

Dito ako maninirahan sa buong isang buwan dahil wala naman daw kasama si Crystal dito. Siya lang mag-isa kasi kakahiwalay lang nila ng ex-boyfriend niya tatlong buwan na ang nakakalipas. Wala naman daw malisya kung mag-kasama kami sa isang bahay.

"Enough about me. How about you? How are you?" Tanong ni Crystal sa akin matapos niya ikwento ang mga nangyari sa kanila ng boyfriend niya.

"I'm still with Haruna, as you can see. Daddy Sebastian left a massive amount of inheritance for our family that's why I managed to open up a club. My life is still the same." Or so I think.

Kailangan ko rin limitahan ang mga salitang binibigkas ko kay Crystal dahil wala siyang alam tungkol sa plano namin ni Saint sa pamilya ni Athena. Wala rin siyang ideya tungkol kay Athena, ang alam niya ay si Athena yung anak na pinapahanap ko sa kanya.

"What do you want to do with that guy Luke Forbes? Now that we have clue where he is now." Mausisang tanong niya. "Your friend must be really important to you since you even visited England just to meet him. What's her name again? Athena, is it?"

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon