TwentyFour.

475 10 1
                                    

Uminit ang buong katawan ko. Pati pag-hinga ko ay huminto sa pag-kuha ng hangin, na para bang nasasakal ako sa ihip ng hangin sa paligid ko. Iniipit ako at sinasakal.

Ang mundo ko ay gumuho sa nakikita ko sa harapan ko. Humigpit ang pag-hawak ko sa papel na binigay sa akin ni Saint na nag-lalaman ng ebidensiya sa pagnanakaw at panloloko ni Ed Casino.

Bumuka ang bibig ko para mag-salita pero walang lumalabas dito. Ramdam ko ang pagka-malat ng labi ko.

Ed Casino is still the same bastard who took my father's company.

Eto nga pala ang gusto ng matanda. Ang negosyo ng tatay namin ni Saint kaya pinilit niya na ipakasal si papa Sebastian at Deseree para maging sa kanila ang negosyo. Pero natapos lahat sa pagka-matay ni papa Sebastian kaya napunta rin sa kanila ang negosyo at pinalitan ito ng pangalan.

"Kailangan natin siyang kasuhan." Rinig kong suwestyon ni Saint. "Tawagan na natin si Attorney Bustamante." Dagdag niya.

Bumalik ako sa katinuan ko nang hablutin ni Saint ang cellphone niya sa bulsa at simulan tawagan si Attorney Bustamante.

Umupo ako sa malapit na silya sa kwarto at dinala ang isip ko sa malalim na pag- iisip habang kausap ni Saint si Attorney.

Paano ko sasabihin kay Athena na ninanakawan kami ng malaki halagang pera ng kanyang lolo? Masasaktan si Athena pag-nalaman niya ang tungkol dito.

"Pinapapunta tayo ni Attorney sa opisina niya kasama ang papeles na hawak natin bilang ebidensiya." Aniya nang natapos sila mag-usap.

Tumango ako at tumayo para pumunta na sa opisina ng abogado namin.

Habang patungo sa sasakyan ni Saint, iniwanan ko ng mensahe si Athena na may emergency kaya kailangan ko umalis kaagad kasama si Saint.

"We could sue him for embezzlement. He stole a big amount of money, six million pesos to be exact." Pahayag ni Attorney Bustamante nang matapos niya pag-aralan ang papeles na binigay namin sa kanya. "Later I'll go to the police station to collaborate for Ed Casino's arrest." Pangako niya sa amin.

"What would be his punishment?" Pormal na tanong ni Saint.

Huminga ng malalim ang matanda bago mag-salita. "He could be sentenced for life in prisonment since six million pesos ang ninakaw niya sa inyo. Hindi biro ang pera na ninakaw ni Ed Casino." Sagot niya.

Tinignan uli ni Attorney Bustamante ang mga papel at umiling. "Possible rin nag- nanakaw siya sa ibang kompanya kung saan major distributor ang Casino Wines and Spirit. Pero malaking ebidensiya na itong hawak natin para malagay siya sa bilangguan."

"Ano mangyayari sa business nila pag nakulong si Ed?" Tanong ko.

Nagsisimula na ako lumungkot sa mangyayari na pag-bagsak ng negosyo nila. Isa lang din ang magiging ibig sabihin ne'to. Ito ay ang pag-bagsak din ng pamilya Casino. Masisira ang pamilya nila. Dito masasaktan si Athena, ang pagka-wala ng pamilya nila.

"Casino Wine and Spirits will be forced for closure. Kukuhanin sa kanila ang mga pera na hawak nila para ibalik ito sa mga negosyong ninakawan niya. They'll lose all their money and possession." Sagot niya.

Parang lahat ng ito ay katulad ng plano namin ni Saint nuong simula. Hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang mangyayari.

Si Ed Casino mismo ang sumira sa pamilya niya.

Buti nalang naisagawa ko ang pag-tulong sa totoong tatay ni Athena na si Luke Forbes na umangat ulit. Ang huli kong balita sa kanya ay natayo na niya ang negosyo na itinayo niya at maayos na tumatakbo na ang negosyo niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon