"They're in the dancefloor. Ayaw mo puntahan?" Tanong sa akin ni Saint pag-pasok palang niya ng opisina at humiga sa couch.
"Let them be." Bukod tanging sagot ko. Binibigyan kong abala ang pag-tingin ng newsfeed sa Facebook account ko dito sa laptop ko.
Mag-tatatlong linggo na kasi ang nakakalipas simula nung pag-aaway namin ni Athena nung celebration niya. Pag-inaaya ako ng mga kaibigan niya, tumatanggi ako. Halos kami lang ni Vicky ang nag-kikita madalas.
Inisipan ko nalang lumabas ng opisina para tumungo sa VIP lounge. Nakaka-bagot kasi sa loob ng opisina, wala naman kami gagawin ni Saint dun. Halos lahat ng kailangan gawin, nagawa na namin.
"Oh. Madami sila ngayon, ah." Tugon ni Saint na bigla sumulpot sa tabi ko.
Tinignan ko siya at sinundan kung saan siya nakatingin.
"Sean?" Napa-igtad ako ng may tumapik sa balikat ko. Umikot ako para tignan kung sino ang tumapik at tumawag sa akin.
"Oh, hey." Bati ko sabay ng pakipag-beso niya sa akin.
"Hindi ka namin ma-contact kanina sa number mo. Aayain ka sana namin dito but then you're also here pala."
Umismid nalang ako sa sinabi ni Stephanie. Humingi ako ng paumahin dahil low battery ang cellphone ko. Nakalimutan ko kasi mag-dala ng charger din kaya walang pagkaka-taon makapag-charge ng cellphone.
"Sabi pa nga ni Ath na 'wag na kami mag-aksayang tawagan o i-text ka dahil panigurado andito ka sa Empire."
Mas lalo ako napa-ismid sa sinabi niya tungkol kay Athena. Ibig sabihin hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya ang tungkol sa akin bilang may ari ng Empire Aphrodite. Masaya ako na ganun ang iniisip niya na andito lang ako sa club.
"Sean!" Sigaw ni Ellie mula sa malakas na tugtog.
Niyakap niya ako at ganun din si Vicky at Alyssa. Si Athena nakatayo lang sa likuran nila.
Tumingin ako kung saan nakatayo si Saint kanina para ipakilala siya sa kanila pero wala na siya. Bigla-bigla nalang talaga nawawala ang lokong 'yon.
"Who are you with?" Tanong ni Vicky sa akin. "Don't tell me flying solo ka?"
Marahan akong tumawa sa sinabi niya. Umiling ako. "I'm with my brother. But he's nowhere to be found."
"Can you girls stop your conversation with him? Gusto ko nang umupo. Umakyat tayo rito sa VIP lounge para mag-pahinga bago pumunta sa bahay ni Stephanie." Bumuntong hininga si Athena at umirap. "My God."
Bago pa kami sumunod kay Athena patungo sa table nila, inangkla ni Stephanie at Vicky ang kamay nila sa mag-kabilaan braso ko.
"Since andito ka na rin lang at hindi na kami mahihirapan i-contact ka, you'll go with us pauwi sa bahay. Simpleng chill lang sa bahay. Nasa Hong Kong kasi ang parents ko kaya solo namin ng kapatid ko ang bahay." Masayang tugon ni Stephanie sa akin.
Bumuntong hininga ako palihim. Mahaba-habang gabi na naman ito.
--
"Baby boy, shot mo ito para sa akin, please." Binigay sa akin ni Paolo ang dalawang shot glass. Ang laman ng isang shot glass ay purong vodka at ang isa naman ay tequila.
Lasing kong ininom ang dalawang maliit na baso bago ilapag ito sa table. "Ahh, tang!na." Hiyaw ko bago kumuha ng lemon sa mesa at sinipsip ito sabay ng hiyawan nila Vicky.
Medyo umiikot na rin ang paningin ko dahil kanina pa ako sunod sunod na pinapainom ni Paolo. Gay friend siya nila Athena kaya naman ako ang pinupuntirya niya ngayon, lalo na't ngayon niya lang ako nakita.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.