Nine.

605 19 3
                                    

"Saint, hindi ka maniniwala-" Maligaya kong binungad ng makadating si Saint sa bahay at pumarito sa kwarto ko.

I-kwe-kwento ko kasi ang ngyari ngayon na buong araw kong kasama si Athena.

Halos hating gabi na rin siya naka-uwi. Saan na naman kaya galing 'to?

Nag-bago rin ang masayang ekspresyon ko sa mukha dahil parang seryoso ang mukha ni Saint.

"Sean, your dad."

Napakunot ako ng mukha sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin tatay ko?"

Sinarado ni Saint ang pintuan sa kwarto ko at ni-lock ito. Mukhang seryoso nga talaga ito.

"I found him."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa balita ng kapatid ko. Binalot kaagad ng pawis ang batok at likuran ko. Pati puso ay mabilis na tumitibok. Sa kaba siguro o takot.

"Ano? Pa-paano?" Anon na naman bang pinag-gagawa neto ni Saint?

Umupo ako sa gilid ng kama ko.

"Hinahanap ko kung sino ang nang-gahasa sa mommy natin para makahiganti ako. Tapos-"

"Wait. Hinanap mo na walang pasabi sa akin?" Kalmado kong saad. Seriously, this guy...

Hindi naman ako galit o inis. Nagulat lang ako dahil hinahanap niya pala na walang pasabi sa akin. Okay lang naman, pero ako ang kuya niya. We're close to each other and we don't hide secrets. This family is an open book.

Tumango si Saint at bumuntong hininga. "Sasabihin ko naman sayo pag may information na ako tungkol sa kanya. Tulad ngayon."

I sighed. Oo nga pala. This is Saint we're dealing with. He has his own little life away from us. Saint is not a weirdo. May sariling buhay lang yan at pinag-kakaabalahan ng sarili niya lang. Saint stuff is what the two of us call it.

And knowing this brother of mine, he's capable of doing things.

"What's his name?" Tanong ko.

Hindi ko naman kasi alam kung sino siya. Ni hindi rin kilala nila Mommy at Papa Sebastian ang katauhan niya. Not that I'm interested of knowing my father. I just want to know who he is kahit na ba ka-demonyohan ang ginawa niya sa nanay namin. Wala naman akong pakealam sa lalakeng 'yon. Kaya kung ano ang plano ni Saint na gawin sa kanya, hahayaan ko nalang siya.

"Kieffer Delaña. Matagal ng nasa kulungan yung taong 'yon. Mga taon na ginahasa niya si Mommy. Ang pag-kakaalam ko nakatakas siya isang taon na nakakalipas." Kwento niya.

Nangilabot ako sa huling sinabi ni Saint. Isang taon na pala umaaligid kung saan ang hayop na iyon.

"Pero paano mo nalaman lahat ng ito? Paano at saan mo siya nahanap?"

Tumungo si Saint sa gawi ng computer desk ko at umupo sa upuan.

"Easy. I asked Attorney Bustamante kung alam niya ang tungkol sa rape case ni Mommy. Luckily, he knows. Also, Papa Sebastian knows. Si Papa ang dahilan kung bakit nakulong ang tatay mo."

Naririndi ako pag-sinasabi ni Saint na tatay ko talaga siya. Wala ako magagawa dahil totoong tatay ko naman 'yon. Lumaki akong minahal si Papa Sebastian dahil tinanggap niya si Mommy lalo na ako ng buong buo at minahal niya ng lubos ang nanay namin pati ako nuong sanggol pa ako. Siya lang ang tinuturingan kong ama.

"Ang problema lang ay hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. But, knowing how obsessed he is to our mother. I'm sure he'll come and find our mother." Seryosong saad niya. Nakatitig lang ng taimtim sa akin si Saint.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon