TwentyThree.

489 13 1
                                    

"Sigurado ka ba talaga na hindi mo ginagawa ang plano natin? Aminin mo na sa akin, tanggap ko pa rin." Seryosong saad ni Saint sa akin habang nakatitig ng taimtim sa mga mata ko.

Napasapo ako sa nuo ko habang natatawa ng tahimik. Nasabi ko na kasi ang balita na tinanggap ko ang alok ni Ed bilang distributor ng alak sa Empire. Hindi mapaniwala si Saint sa ginawa ko.

"Gusto ko lang suportahan ang family business nila Athena. I'm doing this for her. I don't want to disappoint her again. Pangalawang beses na akong inalok kaya tinanggap ko na." Huminto ako sa pananalita saglit. "I got this. Don't worry."

"Paano kung malaman ni Ed na anak tayo ni Scarlette Alfonso at ni Sebastian Salazar? Ano nalang ang mangyayari, Sean? Sisirain na naman niya ang pamilya natin panigurado. Masisira kayo ni Athena." Pag-tatalo ni Saint. Bakas ang pag-alala sa mukha niya.

"We'll fight him." Bukod tangi kong sinabi.

Napag-isipan ko na rin naman ang sitwasyon na 'yon. Balang araw malalaman ni Ed na anak ako ng babae at lalakeng sinira niya. I've got it all planned out kung sakaling nalaman niya ang tungkol sa pamilya ko.

"How about Athena? Paano kung-"

"Hindi malalaman ni Athena na kilala natin ang pamilya niya." Pag-putol ko kay Saint. "Kung mangyari man 'yon, aaminin ko lahat nang ginawa ng lolo at nanay niya sa pamilya natin."

Tumango si Saint. "Fine. Give Ed a chance. Pero kung may ginawa siyang kababalaghan o kung ano man ikakasira ng negosyo natin o pamilya natin, sisirain natin sila." Seryosong banta ni Saint.

Tumango ako bilang sagot.

Nilahad ni Saint ang kamay niya para makipag-kamayan. Tinanggap ko ito, ang mga mukha namin ay seryoso. Na para bang nag-lalaban ang tingin namin ni Saint sa isa't isa.

"Hindi ko na siya papakawalan. Hawak ko na siya simula ngayon." Kumorba ang ngiting aso sa labi ni Saint matapos niya sabihin 'yon.

-

Pitong buwan na ang nakaka-lipas simula nang maging distributor ng Empire ang Casino Wine and Spirits.

Maganda naman ang takbo ng pagiging magka-sosyo namin ni Ed Casino sa Empire at Casino Wine and Spirits. Wala naman halong komplikasyon. Siempre, hindi pa rin ako komportable sa kanya dahil si Ed pa rin ang taong dahilan kung bakit nawala sa piling namin ni Papa Sebastian.

Masayang nag-mamahalan din kami ni Athena. Going strong ika nga ng mga tao sa buhay namin.

Wala naman sumasagabal sa relasyon namin ni Athena.

Napalingon ako sa Accountant kong si Larissa Parayno nang tawagin niya ang pangalan ko. We're currently here in our office, discussing Empire's weekly transactions.

"Here's the ledger for this week, Sir." Inabot niya sa akin ang isang manipis na libro kung saan naka-record lahat ng transactions ng Empire.

Tumungo si Saint sa likuran ko at nilapit ang sarili para makita ng mabuti ang naka- sulat sa ledger.

Kuntento akong tumango sa nakita ko. Lumingon ako kay Saint na may ngisi sa labi ko. "See? Tumaas ang percentage simula nang maging distributor natin ang Casino Wine and Spirits."

Mabagal na tumango si Saint at humikab. "Pataas ng pataas ang cost of sales ng beverage inventory kumpara sa cost of sales ng Empire dati nung Double Tap ang distributor natin. The revenue profit seems unbelievable." Walang buhay na binanggit ni Saint. Tumayo siya nang tuwid at nag-unat ng kamay. "Imposible naman tumaas agad ng ganyan halaga ang cost of sales ng beverage natin."

"Seven months na natin distributor ang Casino Wine and Spirits, natural tataas talaga nang ganyan ang revenue natin." Pag-depensa ko. Seriously, ano na naman hinihinala ne'to ni Saint?

Alam kong may galit pa rin siya kay Ed at Deseree kaya naiintindihan kong binibigyan niya ng matinding pansin ang family business nila Athena, lalo na't major distributor ng Empire ang Casino Wine and Spirits.

"Sure thing, boss." Bumalik si Saint sa upuan niya at tamad na umupo.

Tumingin ako kay Larissa, tahimik na naka-tingin lang siya sa planner niya. Paniguradong nag-kukunwari lang siyang busy pero nakikinig yan sa pinag-uusapan namin ni Saint.

Binalik ko ang tingin ko sa mga papel na nasa harapan ko at sinimulan ayusin ito. "I guess, that would be all for now, Larissa. Thank you for your hard work." Tumayo ako para ibigay ang mga papel sa kanya na magalang na inayos naman niya at nag- pasalamat sa akin pati na rin kay Saint.

Sinundan ko lang ng tingin si Larissa hanggang sa pag-labas niya ng kwarto.

"Huwag mo naman husgahan ang business nila. Mukhang tapat naman sila sa pagiging distributor ng Empire. Pangalan din ng kompanya nila ang nakasalalay dito kung may mali man ginagawa si Ed." Sabi ko kay Saint nang isara ni Larissa ang pinto.

Tamad na tumingin sa akin ang nakababata kong kapatid at kumibit balikat. "I just hope that everything you're saying about Ed Casino and his business are legit. Ayokong masira ang club natin gawa niya."

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa at sinandal ang baba ko sa aking dalawang kamao.

I'm not in the mood to argue with this guy in front of me. Knowing Saint, ipag-pipilit niya pa rin ang side niya hanggang sa wala na akong masagot pabalik.

May punto naman si Saint, sa totoo lang. Pero matagal na sa business industry ang Casino Wine and Spirits. Madami na silang kasosyo sa negosyo kaya naman para sa akin totoo ito.

Matapos ng meeting kanina hindi na kami nag-pansinan ni Saint. Tahimik na lumabas lang siya sa kwarto at hindi na bumalik pa.

Kasalukuyan kasama ko si Athena at mga kaibigan niya dito sa dancefloor pero natigil ang kasiyahan ko nang sumulpot si Saint sa amin.

Maligalig naman siyang binati nila Athena at binati niya rin ang mga ito bago pag- tunan ako ng pansin.

Lumapit siya sa akin. "I need to talk to you in private." Bulong niya sa tenga ko.

Umurong ang mukha ko na may kunot sa nuo. What's so important that he want to talk to me in private?

"Now." Utos ni Saint saka nag-lakad.

Nag-paalam ako kay Athena at sa mga kaibigan niya bago sundan si Saint. "Close the door." Aniya.

Sinunod ko ang utos niya at isinara ang pintuan ng opisina namin nang makarating kami rito.

"Ano ang sasabihin mo at gusto mo ako makausap ng tayo lang?" Nagugulhan kong tanong.

Sino ba naman kasi hindi maguguluhan sa inaasta niya ngayon, kanina lang tahimik siyang umalis at hindi kami nag-papansinan tapos ngayon gusto niya ako makausap na kami lang?

Tinignan ako nang mataimtim sa mata ni Saint at seryosong inamin ang nalaman niya.
"Ninanakawan tayo ng malaking halagang pera ni Ed Casino."

Naka-titig lang ako sa kanya. Ni-isa sa amin walang nag-sasalita. Tanging ingay lang mula sa aircon, ilaw at malabong tugtog mula sa club ang naririnig.

I burst out laughing. Natawa ako sa sinabi ni Saint.

"Kung isa 'to sa mga kalokohan mo, 'wag ako Saint." Tumatawa kong sinabi. "You're just trying to trash talk Ed."

"For fuck sake, Sean!" Iritang sinabi ni Saint sabay ng pag-bigay niya ng isang asul na folder sa dibdib ko.

Nahulog ang panga ko nang makita ang nasa laman ne'to. Biglang uminit ang buong katawan ko na para bang nanikip ang damit na suot ko.

Naglalaman ng ibang record ng Empire ang mga nasa balance sheet na sinulat ni Larissa. Sobrang iba ito kumpara sa pinakita niya sa amin kanina sa meeting.

Isa-isa kong tinignan ang mga papel na pinag-sama sama ni Saint.

Andito rin sa folder ang mga account balance ng Empire at hindi nga tugma ang mga records ni Larissa. Karamihan ay may palya at kababalaghan sa beverage inventory ng Casino Wine and Spirits.

Hindi ako mapaniwala sa nakikita ko.

Halagang 6 milliion pesos na ang nanakaw ni Ed sa amin.

--

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon