Bumukas kaagad ang mata ko nang tumalon si Saint sa gilid ng kama ko at humiga sa tabi ko."Wake up, bro!" Maligalig niyang pag-bangon sa akin na natatawa.
Sa pagka-bigla nang gising ko mabilis tumatakbo ang puso ko pati ang pag-hinga ko ay mabilis din.
Ang kinaiinis ko pa ay nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko.
"Dude, what do you want?" Urat kong asik kay Saint na sabay sipa ko rin sa paa niya.
"Gusto kong bumangon ka na diyan. You have a lot of stories to tell me sa mga nangyari kagabi sa birthday ni Stephanie. Ano, nakapag-usap na ba kayo ni Athena?" This time, Saint is now serious.
Last night was the night I became the luckiest man - the happiest person in the world. I couldn't believe that I would fall in love with Athena. Athena Casino.
Athena and I are finally together.
Parang kelan lang plano ko lang siya maging girlfriend gawa nang pag-hihiganti ko sa pamilya niya. Ngayon, eto ako, totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Totoo lahat...
"Sean, you're creeping me out. Bakit ka nakangiti mag-isa diyan." Winagayway ni Saint ang kamay niya sa harap ko kaya nawala ako sa tren ng iniisip ko.
Umupo na ako at sinandal ang likuran sa headboard ng kama. Kaya naman ginawa rin ni Saint ang ginawa ko.
"Athena and I are in finally in a relationship. Girlfriend ko na si Athena and I'm proud to say that she's my girlfriend." Mahina kong binungad kay Saint.
Tinignan ko Saint na ngayon ay naka-buka ang bibig at ang mata niya ay bumilog. Ilan saglit nalang ay bumalik siya sa katinuan niya nang maipasok niya sa utak niya ang sinabi ko.
"Ano? Kayo na? Paano nangyari 'yon? Does this mean na tinutuloy mo na ang plano natin?" Matanong niyang usisa.
Umiling-iling ako. "Una, hindi ko tinutuloy ang plano ko. Malinis ang intensyon ko kay Athena. Totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. And it just happened. Bigla ko nalang naramdaman. Simula palang nang isayaw ko siya sa party ni Stephanie, naramdaman ko na agad dun." Pahayag ko.
Ginaya ni Saint ang pag-iling ko ng ulo. "I-I don't get it. Paano si Haruna? I mean, kaka-hiwalay niyo lang ni Haruna tapos ngayon si Athena naman? Sean, Athena's your rebound." Sa dulo nang sinabi ni Saint, napansin ko ang lungkot sa boses niya.
Bumuntong hininga ako. Alam kong mapupunta sa punto ang usapan namin na topic na rebound si Athena.
"I know in my heart that Athena's not a rebound. I love her. And believe it or not, she is the one. Athena is a keeper, Saint. And I don't want to risk anything to lose her. Oo, kaka-break lang namin ni Haruna but that doesn't mean I'll go run up to Athena para lang may someone ako. I respect her, hindi ako nag-hahanap ng rebound. I wouldn't do such thing." Huminto ako at bumuntong hininga ulit. "Ano naman kung matagal ang pinagsamahan namin ni Haruna? Kung madami kaming memories? Wala na lahat ng iyon. Everything about Haruna is all in the past. Athena? She made me a better man. Look where I am now? Nang hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari lahat ng ito. I can feel how much she loves me and I'm willing to share my feelings with her."
Hinawakan ko si Saint sa kaliwang balikat niya at pinisil ito. "I love Athena. Just support me on this one, okay?"
I do love her.
Matagal bago mag-salita si Saint. Bumuntong hininga siya bago ngumiti at tumango. "Okay. I support you, bro. Naniniwala ako sayo. Basta 'wag mo lang sasaktan si Athena. And if something came up, sabihin mo lang sa akin."

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.