"Hey, bro, tama na 'yan. Kanina ka pa umiinom. Halos ikaw na naka-ubos ng isang bote ng Bacardi." Rinig kong pag-pigil sa akin ni Saint. "Ang wasted na rin ng mukha mo. Hindi solusyon ang pag-iinom."
Inagaw niya sa kamay ko ang baso na hawak ko at ininom ang laman ne'to.
I scoffed. "Gusto ko mawala ang nararamdam kong sakit kaya ako umiinom. Para pag-matutulog ako, derecho na. Hindi ako mag-iisip at malulungkot sa sakit." Reklamo ko na parang bata.
Wala akong magagawa dahil takot ako matulog sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kaya.
"It's okay." Lang ang sinabi ko kay Athena nung humingi siya ng tawad sa pag-tanggi sa nararamdaman ko sa kanya. Pag-tapos binayaran ko na ang kinain namin at umalis na ng hotel para ihatid si Athena sa bahay nila.
Walang imikan sa loob ng sasakyan ko hanggang sa makarating kami sa bahay nila kanina.
Kaya eto, tinawagan ko kaagad si Saint na mag-kita rito sa condominium unit ko at ikinuwento lahat ng ngyari.
Buong mag-damag din akong umiinom. Manhid na ang mukha ko at umiikot na rin ang paligid ko sa kalasingan.
"I officially lost my chance to have her and my plan will not work anymore without Athena in my life." Naiiyak kong sinabi. Ang hina ko tignan sa lagay ko ngayon dahil naiiyak at nalulungkot ako sa isip ko.
"She might've rejected you but that doesn't mean you'll give up on her. Athena said she's not ready to commit. Matagal mo na siyang sinusuyo, ngayon ka pa hihinto?" Mahinahong aniya.
"Siguro oras na para ihinto ang plano kong pag-hihiganti sa pamilya niya. Talo na ako. Hindi ko na mahihiganti si Papa Sebastian."
Totoo naman. Hindi ko na ulit makakausap si Athena dahil ayon na ang sagot niya, eh. Ayaw niya. Para saan pa ang pag-hahabol sa kanya kung wala siyang interes makipag-relasyon. Ang panget naman kung pipilitin ko siya.
Kaya mabuti nalang talaga itigil ko na ang plano ko. Wala na patutunguhan ito.
"There are a lot of ways, Sean." Pangungumbinsi sa akin ni Saint. "Stay there for Athena even if she rejected you. In that way she'll start appreciating you for being by her side and who knows, baka magustuhan ka niya?"
Napa-ngiti ako sa pagiging positibong pananaw ni Saint. Kaso napag-desisyunan ko nang itigil ang plano.
"Kilala ko si Athena. Once she sets up her mind, that's it. Hindi na mapapalitan ito." Tumayo ako at huminga ng malalim bago lumapit kay Saint. "Thanks bro, for everything." Tinapik ko siya sa balikat niya kahit lumulutang na ang diwa ko.
Iniwan ko na si Saint matapos kong mag-pasalamat sa kanya. Inaantok na kasi ako, dagdag pa ang pagka-hilo kaka-inom.
Gumising ako na tumitibok ang sentido ko, pakiramdam na nasusuka ako, lalamunan ko ay tuyo, mabigat ang katawan at nasisilaw ako sa malakas na sinag ng araw na pumapasok dito sa kwarto ko na sakto pa sa akin ang liwanag ng araw.
Damn, hangover.
Kinaya kong iangat ang katawan ko at hinanap ang cellphone ko sa paligid. Kinapkap ko ito sa bulsa ng pantalon ng hindi ko makita sa paligid. Kinuha ko ito at binuhay.
Haruna. Vicky. Stephanie. Mommy. Saint. Halos pangalan lang nila ang naka-ukit ng makita ko ang notifications sa cellphone ko.
Napa-ngisi ako ng mapait sa dahilan hindi na nag-paramdam si Athena simula kahapon.
That's it, right? Athena's not going to talk to me anymore? We're not going to talk, and see each other anymore. It's all because of me. Sa katangahan kong umamin sa kanya na ikakabigla niya. Mabilis kong inamin kaagad, mabilis din nawala.

BINABASA MO ANG
Chasing You
Roman d'amourI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.