Twelve.

638 15 0
                                    

                 

Hingal na hingal kong tinakbo ang sasakyan ko na naka-parada sa labas ng bodega. Nanginginig kong kinuha ang susi sa bulsa ng pantalon ko at nanginginig din binuhay ang makina ng sasakyan.

Patay na siya. Ang isa sa mga taong kinamumuhian ko sa buhay ko ay wala na. Kahit hindi ako ang pumatay, kasabwat pa rin ako. Ginusto namin pareho ni Saint ang barilin siya.

And Saint obviously can kill him because he's a psychopath. His hidden personality is one fact I cannot blurt out to our mother. Masasaktan 'yon ng sobra pag-nalaman niya. Matagal ng pumapatay ng tao si Saint. Kaya nga Saint stuff ang code namin tuwing gagawa siya ng kababalaghan.

Nagimbal ang isip ko ng tumunog ang cellphone ko. Athena Casino. Tapos na siguro yung fashion show kaya hinahanap niya ako. Bigla rin naman kasi ako umalis ng walang paalam sa kanila.

Hindi ko pinansin ang tawag. Hinagis ko ang cellphone sa passenger seat bago simulan umalis sa bodega.

Tinignan ko ang relo ko. Tatlong oras na ako rito sa harapan ng bahay nila Athena, naka-upo sa sidewalk at hinihintay siya maka-uwi. Nasa after-party siguro siya ngayon para ipagdiwang ang matagumpay na fashion show.

Purisgido talaga ako hintayin si Athena kahit alam kong matagal pa siya makaka-uwi. Okay na rin 'yon. Para makapag-isip ako sa ngyari.

Napatingin ako sa sasakyan na paparating. Hinarangan ko ng kamay ko ang mata ko para hindi ako masilaw sa ilaw ng sasakyan. Alam ko na kung kaninong kotse ito.

"Sean? Ano ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba? Bakit hindi mo ako tinawagan o text man lang?" Sunod sunod na tanong ni Athena simula ng makababa siya ng kotse. "You don't look okay."

I looked up her face. There's so much concern with a bit of curiosity in her eyes.

I gulped to find my words but they just betrayed me. A lump was already formed in my throath and I could feel the tears will come out soon if I don't hold it back right now. It was too late, though.

Bigla nalang ako tumayo at niyakap ng mahigpit si Athena habang ang mga luha sa mata ko ay umaagos.

Naramdaman ko ang pag-yakap sa akin ni Athena. Hinahawi niya ang likuran ko sabay ng pag-tatahan niya sa akin.

Gusto ko siya kausapin. Gusto ko sabihin sa kanya ang ngyari pero walang lumalabas sa bibig ko.

Nakakahiya. Andito ako ngayon umiiyak sa kanya. Hindi man siya yung dahilan ng pag-iyak ko, wala akong plano umiyak sa harapan niya. Eto ako ngayon, umiiyak na parang bata.

Kumalas siya sa yakap. Yumuko ako para itago ang mukha kong umiiyak. Naramdaman ko ang mainit na pakiramdam sa kamay ni Athena ng hawakan niya ang mag-kabilaan pisngi ko at inangat ito. Nakatingin ako sa kanya at siya ay nakatingin sa akin na may matamis na ngiti sa labi niya.

"Tara sa loob." Hinawakan ni Athena ang kamay ko at inalalayan akong pumasok sa bahay nila kaya naman kinagulat ko ang kilos ni Athena.

Tahimik na ang buong bahay nila Athena dahil tulog na silang lahat, hating gabi na rin kasi.

Pumunta muna kami sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng tubig na daldalhin sa kwarto niya.

Somehow, I feel a little better. Her gestures were comforting enough to calm me.

Andito kami ngayon sa kwarto niya. Naka-upo ako sa gilid ng kama habang siya ay may hinahalungkat sa vanity table niya.

Naramdaman ko nalang ang pag-lubog ng kama sa tabi ko dahilan ng pag-upo ni Athena. Inangat niya ulit ang mukha ko at sinimulan punasan gamit ang tissue ang mukha ko.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon