Eight.

627 21 0
                                    

Tulala lang akong nakatitig sa kisame rito sa kwarto ko, iniisip ang ngyari sa amin ni Athena kagabi, pati na rin ang pag-punta ko sa bahay nila Haruna para iraos sa kanya ang pagka-bitin ko dahil sa ginawa namin ni Athena.

But I like where this is going. Athena gave in. Konting pag-hahabol pa sa kanya, maisasagawa ko na ang plano ko para sa kanilang pamilya. Tanging si Athena lang talaga ang daan ko para sa plano ko.

"I need to call her." Bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at sinimulan tawagan si Athena.

Ngumiti nalang ako matapos namin mag-usap. Pumayag siya na makipag-kita sa akin.

Bago palang ako tumayo mula sa kama para maka-ligo at mag-ayos para sa pag-kikita namin ni Athena, bigla kong narinig ang boses ng aking ina mula sa labas ng pintuan sabay ng mahinhin na pag-katok niya sa pinto.

"Oh, mom, why?" Kunot nuo kong tinanong sa kanya.

Ngayon lang din kasi siya ulit kumatok sa pinto ko. Madalas kasi pumapasok nalang bigla yan.

"Haruna's here. Sige, iha, pumasok ka na. I'll leave you guys alone. Sean, ah!" Pabirong pinanlisikan ako ng mata ni mommy bago ngumiti ng matamis kay Haruna saka sinarado ang pinto.

I slumped my back against my bed's headboard. I heavily sighed inwardly. Haruna's here and I should meet with Athena around 10AM. 8:30AM na! Ugh.

"Umalis ka kaagad kagabi after..." Hininto niya ang sasabihin niya. Nakatingin lang siya sa kamay niya na nakapatong sa binti niya.

Knowing her, alam kong nahihiya siya sa akin tuwing may ngyayari sa amin dalawa. Kahit na ba matagal na kami, at ginagawa namin ang pag-tatalik, nahihiya pa rin siya pag-tapos.

"Yeah. I'm sorry about that. Kailangan ko pa kasi balikan si Saint sa Empire. Wala kasi sasakyan na dala." Pag-sisinungaling ko.

Tumango lang si Haruna. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

This girl... She's so soft and demure. Kaya na-in love ako sa kanya kasi ganyan siya. Bihira ka lang makakita na babaeng ganyan kahinhin ngayon.

Niyakap ko siya mula sa likod. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at hinigpitan ang yakap.

"I love you so much, Haruna." Bulong ko.

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya at pinisil.

"I love you too, Sean." Tumingin siya sa akin at hinalikan ako sa nuo pababa sa labi.

"After all this, everything will be back to normal. I promise." Pangako ko sa kanya na may ngiti sa labi ko.

Tumango lang siya at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. "I trust you, Sean."

Tumango nalang din ako sa sinabi niya. Masakit at nakokonsensya ako sa ginagawa ko sa likuran niya dahil matiyaga niya akong sinusuportahan sa ginagawa kong plano sa pamilya ni Athena. Kaya naman hindi na ako makapag-hintay na matapos na ang lahat na pag-hihiganti ko sa mga Casino.

Iniisip ko rin na mag-propose na kay Haruna bilang asawa ko pag-tapos na ang lahat ng ito.

"Maliligo lang ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Saad ko.

Kumunot ang nuo ni Haruna sa sinabi ko. "Kakarating ko lang. I'm here because I want to spend time with you. Besides, mag-papasundo nalang ako kay Manong Ben." Ngiti niya sa akin.

Tinignan ko ang orasan sa bedside table ko. 9:06AM na. Ang bilis naman ng oras! Ma-le-late ako niyan.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Haruna. Nahalata niya siguro ang pag-tingin ko sa orasan at pag-bago ng ekspresyon ko sa mukha.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon