TwentySeven.

551 12 1
                                        

"Bakit ka kasi pumunta diyan?" Inis na sambit ni Saint sa kabilang linya ng cellphone. "Akala ko pa naman andito ka lang sa Manila at hindi nag-paparamdam dahil ayun naman ang ginagawa mo simula nang mag-hiwalay kayo ni Athena."

Tinawagan ko kasi si Saint nang makarating ako dito sa hotel at inamin sa kanya na andito ako ngayon sa England para makipag-balikan 'kay Athena. Hindi ko aakalain na magagalit siya ng ganito sa akin.

"Umuwi ka na rito, Sean. Tignan mo, oh. Masaya na si Athena. May mahal na siyang iba. Wala ka ng lugar diyan. Mag-mumukha ka lang tanga sa ginagawa mo. She moved on and I think you should too." Dagdag niya pa.

Tahimik lang ako habang nakatitig sa repleksyon ko sa blanko na screen ng TV. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin 'kay Saint. Alam ko naman na kaya nagagalit sa akin si Saint ay dahil ayaw niyang nasasaktan ako lalo na't wala siya rito kasama ko.

Narinig kong bumuntong hininga si Saint. Ilan saglit lang ay naririnig ko rin ang pag-type niya sa keyboard.

"Bago ka pa gumawa ng katangahan ulit, pupuntahan kita diyan para sunduin ka. I booked a flight first thing in the morning tomorrow." Ma-awtoridad na sambit ni Saint bago ibaba ang tawag.

Napasapo nalang ako ng sentido ko at sinimulan tanggalin isa-isa ang butones ng baro ko.

"Paano ko nga ba papahintuin 'tong pag-mamahal ko para sayo?" Bulong ko habang tinitignan ang litrato namin ni Athena sa cellphone ko.

Kumirot ang puso ko sa kalungkutan sa nakikita ko ngayon. Puno ng saya at pag- mamahal ang nasa mukha namin. Na parang kami lang ang tao sa mundo.

I felt my tears starts to run down at the side of my eyes down to the bedsheet. Hindi ko kayang simulan na hindi mahalin ka. I don't want to give up on you.

I love you, Athena. I always do.

Nabigla ako ng biglang lumabas ang pangalan ni Luke Forbes sa screen ng cellphone ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at huminga ng malalim bago pindutin ang call ni Luke Forbes.

"Athena called. She told me you visited her in her boutique and what happened while you were there." Aniya.

Hindi ko alam kung dismayado ba siya sa tono ng boses niya o sadyang walang buhay lang ito pakinggan.

"I came to win her back and make everything right." Naiiyak kong inamin 'kay Luke.

Narinig ko ang marahan na tawa niya sa kabilang linya. "Have you been crying, mate?"

Natawa nalang din ako sa tanong niya.

"Look, Sean, come meet me here in my office as soon as possible, yeah? I'll tell my secretary that I am expecting you." Umaasang sambit ni Luke.

Agad na tumayo ang isang Jamaican secretary ni Luke Forbes nang makita niya akong maka-labas sa elevator. Ang buong floor na ito ay ang oposina ni Luke Forbes. Ang table ng sekretarya ni Luke Forbes ay nasa gilid lamang habang ang isang mahogany na double door ang nasa gitna.

"I'm Kanya Chambers. Mr. Forbes' secretary. You must be Mr. Alfonso." Naka-ngiting bati niya.

Naka-ngiting tumango ako bago niya ako patunguhin sa opisina ni Luke Forbes.

Grabe. Dati halos baon sa utang si Luke Forbes, ngayon pataas na ulit siya ng pataas. Bumabalik na ang dating magaling na businessman nu'ong mga kapanahunan nila Mommy. Halos 15-storey building na ang kompanya ni Luke Forbes at palago ito ng palago.

Masaya ako ngayon dahil natulungan ko si Luke Forbes. At hindi niya binigo ang mga pinangako niya sa akin na magiging maayos ulit ang kanyang buhay para sa kapakanan ng anak niya.

"Sean, my man!" Maligayang bati ni Luke nang makapasok kami sa opisina. Agad na nilahad niya ang dalawang kamay niya para bigyan ako nang yakap. "Sit down." Aya niya sa akin sa itim na couch sa gilid ng kwarto.

Naiwan nakatayo si Luke nang maka-upo ako. Pumunta ang matanda sa pwesto kung saan naka-hilera ang kanyang mga alak. Nag-lagay ito ng alak sa baso at ang isa ay tubig sa isang baso. Inabot sa akin ni Luke ang baso na puno ng tubig bago ito umupo sa pwesto sa harapan ko.

"What you did was right and honest. It was not your fault for sending Ed Casino to prison. It was his own doing for scamming his clients. Unfortunately, you were involved to my daughter as to way it led to complications on your relationship with her." Huminto si Luke sa gitna nang mga sinasabi niya at lumagok ito ng isang beses before clearing his throat. "Now, I'm not saying all these because you helped me start a new better life. I'm not being bias here. I'm saying all these to the reason that you're a courteous man. You're thinking like a legit businessman, Sean. Ed Casino? He's a fraud."

"I should've kept quiet and if I did, none of this would happen." Mahina kong sinambit.

"Ed and Deseree are the only family Athena got to grow up with. They are close to each other, which is why her relationship with them is strong. Even though what they did – especially Ed – was wrong, Athena couldn't build angst and hatred towards them because she loves them. Just give her time. She'll come around and understand everything. Athena, in fact, feels alone even if I'm here as her father. Her life is not complete without her family. I can't honestly blame her if she is so devastated right now. The only happiness she's getting right now is Reece."

"How about you? You and Athena are not in good terms right now?" Mausisang tanong ko.

Matipid na ngumiti si Luke sa tanong ko. "We do have a good relationship. But as of now, we're still building our father-daughter relationship. Afterall, ever since she was a toddler, I wasn't there for her until she grew up. I'm not in a hurry. I'm happy as long as she's here with me and she finally got to know that I'm her father."

Napalingon kami pareho ni Luke Forbes nang kumatok at pumasok ang sekretarya niya upang ipaalam sa kanya ang meeting na magaganap sa sampung minuto.

Nilapag ni Luke ang baso ng alak at tumayo ito na pati ako ay tumayo na rin.

"It's finally nice to meet you again, Sean. Again, thank you so much for everything. I owe you a lot." Pasasalamat ni Luke sa akin nang kamayan niya ako ng kamay. "Hoping to see you again."

"The pleasure is mine, Sir. Until then." Ngiti ko bago tuluyan umalis ng opisina.

Patungo na ako sa sasakyan na ni-rent-ahan ko habang andito ako sa England. Pero nahinto ang yapak ko nang mag-tama ang tingin namin ni Athena.

Nag-lalakad kasi sila ng boyfriend niya patungo sa elevator ng building kaya napahinto ang dalawa na hindi kalayuan sa akin.

Bigla nag-bago ang ekpresyon ni Reece nang makita ako. Napansin ko ang pag- yukom ng kamao niya at agad na tumakbo patungo sa akin. Ang kanyang kanan kamay ay handang atakihin ako.

Sa sobrang bilis ng pangyayari andito ako agad sa sahig habang hawak ang namamanhid kong pisngi dulot nang suntok ni Reece sa akin ilang segundo lang ang nakakalipas.

Pumagitna siya sa akin para hawakan ang kwelyo ko nang lumapit si Athena sa kanya at hinihila ito palayo sa akin. Pero sa sobrang lakas ni Reece, hindi napapaalis ni Athena ang lalake sa itaas ko. Tuluyan pa rin akong binibigyan nang suntok sa mukha ni Reece hanggang sa nararamdaman ko na ang sakit at dugo sa mukha ko.

"You fcking prick. How dare you hurt Athena like that? She told me everything. Don't you ever show your face again. She doesn't concern you anymore. You don't belong in her life!" Nanggagalaiting sigaw ni Reece sa akin.

"We started our love so perfectly but how did we end up here? Ayaw kong mawala ka ng tuluyan sa buhay ko." Sabi ko sa gitna nang hikbi ko. "Sabi mo ako lang, eh. Ang daya mo naman. Ngayon? It seems like you don't even know me. Tinaboy mo nalang ako. I made a biggest mistake in my life. Now, I can't take it all back even if I wanted to. I should have saved us. I can't start a life without you" Sabi ko habang maiging nakatitig 'kay Athena. Hawak pa rin ni Reece ang kwelyo ng damit ko.

Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko 'kay Athena na mukhang halo ang nararamdaman niya ngayon. Mayamaya nalang ay pinahid niya ang pisngi niya na para bang may tumulong luha at hinila na palayo si Reece sa akin.

Nang makaalis sila, hiniga ko ang sarili ko sa sahig habang hinahawakan ang gilid ng labi ko kung saan ang dugo ay nag-sisimulang bumuo. Tuluyan na naman akong naiwan mag-isa...

--

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon