Five.
"So, how was she after I left?" Inosenteng tanong ko kay Vicky nang matapos namin maka-recover sa pag-tatawa.
Huminga siya ng malalim. Pinatong niya ang dalawang siko niya sa table, ang baba niya ang naka-patong sa dalawang kamao niya.
"Athena was quiet the whole time." Halatang malungkot ang boses niya. Ang tingin niya nasa frappucino na inumin.
Tumingin siya sa akin na may tipid na ngiti. "She's like that talaga. Wala ka naman kasalanan. Napikon lang siya sa ngyari. Malaki kasi ang pride ni Ath. Ayaw niya ng tinutulungan siya."
Tumango nalang ako ng dalawang beses. Hindi na rin ako nag-tanong pa sa kanya. Baka kasi mahalata ako na may gusto ako kay Athena kaka-tanong tungkol sa kanya.
If I have to do my plan right, I have to do it naturally. Kailangan maging sa akin si Athena para magawa ko ang plano ko.
Kami lang ni Vicky ang mag-kasama ngayon dito sa coffee shop malapit sa condominium niya. I owe her one for leaving the party early four days ago because of what happened between Athena and I.
Mabuti nalang tin-ext ako ni Vicky kahapon na mag-kita kami ngayon. Just to hang out. Busy kasi yung apat, yung boyfriend naman niya tulog dahil gabi na sa California, at sawa na raw siya makasama ang mga iba niyang lalakeng kaibigan. Mas gusto niya raw kasi na makilala ako dahil bago akong kaibigan and I have no problem with that. In fact, I loved it. In that way, mapapalapit ako lalo kay Athena.
"Oh. Speaking of." Sambit ni Vicky ng tignan niya kung sino ang sender ng text. "Tinatanong ni Athena kung asan ako." Pinakita niya sa akin ang message ni Athena sa kanya.
"I'm with someone. Why ba?" Binigkas niya habang nag-ta-type sa screen ng cellphone niya.
Ilan saglit lang din nag-reply na si Athena.
Bumungisngis nalang si Vicky sa reply ni Athena. "Well then ditch whoever you're with. Or isama mo, whatever. I don't care. I just need you here, girl." Banggit ni Vicky.
Tumingin sa akin si Vicky na may nakakalokong ngiti na naka-pinta sa labi niya.
Lumaki ang mata ko at umiiling sa kanya. "No way, Vic. You saw how mad she is the last time we met."
Seriously, after that scene Athena and I pulled up at Vicky's birthday, naduwag na ako. Never in my mind thought that our fight had that effect in me. Akala ko magiging madali lang ang lahat pero eto ako ngayon, naduduwag.
Fvck.
Natawa nalang si Vicky sa sinabi ko. "Kasama mo ako! You don't have to worry about a thing. Ditch or bring whoever I'm with, 'di ba? And I'm not going to ditch you. We still have the whole day ahead of us. Umpisa palang ito ng pag-uwi mo ng maaga nung birthday ko."
"Ikaw ang bahala sa akin, ah." Naka-ngiti kong sinabi sa kanya. Tumayo na ako at tumayo na rin siya para umalis na sa coffee shop.
"Alam mo bagay kayo." Ang huli kong narinig sa sinabi ni Vicky bago kami makalabas ng coffee shop.
Yeah.
--
"You said I could bring whoever I'm with. Ayaw ko naman siyang i-ditch. We already planned this day na mag-chill until you texted asking for my presence. Pwede ba, Ath, stop being a kiddo. Aalis nalang kami kung patuloy ka pa rin sa pag-iinarte."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Vicky kay Athena. Hindi ko aakalain na she has that inside of her. I mean, si Athena pa ang binangayan niya ng ganyan? Well, I guess, that's how close they are to each other.

BINABASA MO ANG
Chasing You
Roman d'amourI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.