Seventeen.
"Sean, tama na. Ang wasted mo na!" Pag-pigil ni Saint sa akin bago ko inumin ang isang shot glass ng vodka.
Lasing na inakbayan ko siya habang hawak pa rin ang shot glass. "Bro, loosen up! I'm celebrating my independence day. Be with me on this!" Natatawa kong sinabi sa kanya bago bigyan ng kindat.
Inaamin ko na lasing na ako ngayon. Alam ko pa naman ang mga ginagawa ko dahil mataas naman tolerance ko pag-dating sa alak.
Here I am now at my own club getting wasted. Para matanggal ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin na nalaman kong niloloko ako ni Haruna for two years! Putangina!
Inaya ko kaagad si Saint na pumunta dito sa club matapos malaman ang nangyari. Nakwento ko na rin sa kanya ang lahat. Siempre hindi siya mapaniwala na magagawang mag-loko ni Haruna ng dalawang taon dahil iba si Haruna kumpara sa ibang babae. She's the ideal girl that any guy would love to be their lover. I mean, Haruna is the perfect girl.
But she turned out to be a perfect bitch.
Mag-sasalita na sana si Saint nang may tumapik sa likod ko sabay ng pag-tawag sa pangalan ko ng malakas dahil malakas din ang tugtog dito sa club. Lasing ko siyang nilingunan.
"Woah. You look wasted af. What happened to you?" Gulat na sambit ni Ellie.
"Are you okay?" Natatawa naman tanong ni Alyssa sa akin.
I nodded with a smirk on my face. I'm pretending that I'm not in pain but deep down I'm in so much pain and they don't have any idea!
"Of course, I am. Kayo lang?" Tanong ko sa kanilang dalawa na tumango naman bilang sagot.
"Tara punta tayo sa couch namin." Aya ni Alyssa.
Pumayag naman ako at inaya si Saint na kinalaking gulat ko ay pumayag din. Nag-aalala na rin siguro siya dahil lasing na ako. Siya rin kasi ang mag-uuwi sa akin pag nagka-taon.
"Heeey!" Maligalig kong bati kela Vicky at Stephanie sabay yakap sa kanila nang lumapit sila sa akin.
Tinignan ko rin si Athena habang kayakap sila Vicky. Naka-upo lang siya sa couch at nakatingin sa malayo. Kumalas ako sa yakap nila at pumunta sa harap niya. Tumingin siya sa gawi ko nang papalapit ako sa kanya.
Niluhod ko ang dalawang tuhod ko sa lapag. Tumingala ako para titigan siya. Wala akong pake kung mapungay o wasted ang mukha ko ngayon basta magka-titig lang kami ayun ang importante.
Kinuha ko ang isang kamay niya at dinikit ito sa pisngi ko.
Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Pinipigilan din umiyak sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
I'm so lost right now. The love of my life is now gone in my life. Hindi ko alam kung paano ako mag-sisimula ulit. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Walang tao ang sino man makaka-intindi kung gaano kasakit.
How do I expect myself to live alone with just me and not with Haruna? I'm now alone. I'm lost without Haruna.
Baby...
"I'm sorry." Naiiyak kong sinabi kay Athena. Mga mata ko ay nakapikit pa rin at hinigpitan ang pag-hawak ko sa kamay nyang nasa pisngi ko. "I'm sorry." Pa-ulit-ulit kong binibigkas sa kanya.
Sa kalagayan ko ngayon, hindi ko alam kung bakit humihingi ako ng tawad kay Athena. Ang gusto ko lang ay mag-sorry sa kanya ng totoo.
Humihingi rin ako ng tawad kay Haruna dahil hindi ko alam kung saan ako nag-kulang at bakit niya nagawa ang pang-loloko sa akin.
I'm sorry kung nag-kulang ako.
--
"Oh my God, anak, ano nangyari sayo?" Puno ng pag-aalala ang boses ni mommy nang makita niya akong sumusuka sa sahig.
Inutusan niyang kumuha ng maligamgam na tubig si Saint. Naririnig ko rin ang boses ni Tita Kendra na mukhang nagising din. Inumpisahan ni Tita Kendra linisin ang suka ko. Pareho sila ni mommy na natataranta at nag-aalala.
Ngayon lang din kasi nila ako nakitang lasing ng ganito. Tinatanong nila pareho kung may problema ba ako at nagpaka-lasing ako.
"Si Haruna ba 'yan?" Tanong ni mommy.
Hearing her name made me cry again.
Bumuhos na naman ang luha sa mata ko.
Eto ako ngayon, umiiyak sa harap ni mommy at Tita Kendra.
"Baby, bakit? Bakit ka ganyan? Ano nangyari? Makikinig si mommy." Napapansin kong naiiyak na rin si mommy gawa ng tono ng boses niya.
Hindi ko pa rin sila masagot sa tanong nila dahil sobra ako nasasaktan. Hindi ko matanggap na wala na kami. Na wala na ang girlfriend ko. Na hinding hindi ko na ulit siya makakasama. Na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan at umiiyak ako ng sobra ngayon.
Pinainom sa akin ni mommy ang tubig na kinuha ni Saint.
Niyakap agad ko ni mommy nang matapos ko inumin ang tubig.
Hinigpitan ko rin ang yakap kaya humagulgol ako ng tuluyan.
"Wala na kami." Sabi ko sa gitna ng mga iyak ko. "Two years na niya akong niloloko."
Sa katotohanan na niloko niya ako napa-hagulgol ako lalo sa bisig ng nanay ko. "Ano ang nagawa kong mali? Saan ako nag-kulang? Okay naman kami, mommy, eh. Ginawa ko naman lahat para sa kanya. Bakit nag-loko siya? Saan ako nag-kulang?" Iyak ko.
"Baby, hindi ka nag-kulang, okay? 'Wag na 'wag mong iisipin nag-kulang ka kasi napakita mo sa kanya kung gaano siya ka-importante sayo. Buong buo mo binigay ang pag-mamahal mo sa kanya. Hindi niya nakita ang halaga mo. But someday, you'll find someone who truly deserves you. Yung ibibigay ng buong buo ang pagmamahal niya sayo. Ang love parang trial and error lang 'yan. Hindi man nag-work out yung relationship mo sa isang tao, dadating at dadating din ang tamang tao para sa'yo. Kusang dadating 'yan." Tugon ni mommy na pinakitain ako ng matamis na ngiti matapos niya mag-salita.
Kumikirot pa rin ang puso ko sa mga naririnig ko. Hindi ko pa rin matanggap na wala na kami ni Haruna. Nawala ang pitong taon na kasama ko siya. Sa buong pitong taon na 'yon siya lang ang babaeng minahal ko, wala ng iba. Lahat ng plano ko sa future lagi siyang kasama. Pero nawala nalang iyon agad.
Bigla kong naalala ang nasa paketa ng pantalon ko. Kinuha ko ito at nakarinig ng singhap mula kela mommy, Tita Kendra at Saint.
I was staring at the most wonderful diamond ring that I'm supposed to put in Haruna's finger. Now that we're not together anymore, this ring is useless.
Ngayon wala na yung babaeng gusto kong pakasalan. Para saan pa ito?
"Sean..." Mahinang sinabi ni Tita Kendra.
Napatingin ako sa kanya na may malungkot na ngiti bago ibaling ang tingin ko kay mommy na naiiyak sa nakita niyang hawak ko, ang dalawang kamay niya ay tinatakpan ang labi niya.
"I'm so sorry, baby." Yakap muli sa akin ni mommy ng mahigpit. "I'm sorry kung sayo pa nangyari ito."
Kumalas siya sa yakap niya at hinawakan ako sa balikat ko. "But you know, mag-pray ka lang. Praying makes every thing be all right. Ipag-dasal mo ang mga gusto mong ipag-dasal. Pag tapos nun mawawala na ang mabigat na nararamdaman mo diyan." Turo niya sa puso ko. "Alam kong masakit, anak. Pero kailangan mo maging matatag para sa sarili mo. You have to embrace the pain and accept that it happened to you. Everything happens for a reason. You're better, Sean. You are the most wonderful man I know. I love you. We love you."
Lumabas ang maamong ngiti ni mommy kaya naman onti din kumorba ang matipid na ngiti sa labi ko. Tinignan ko rin ng tingin si Tita Kendra at Saint na naka-ngiti sa akin.
"We're all here for you, bro."
Tumango si Tita Kendra at pinisil ang pisngi ko. "Sa gwapo mong 'yan makakahanap ka agad ng babae para sa'yo. Bata palang kilala na kita, alam kong mabait na tao ka. As what your mommy said, you're the most wonderful man, Sean. Never forget that. Babae lang 'yan. You're still young, I know you'll find the love of your life soon."
Soon...
--
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.