"Happy birthday." Pinakitaan ko ng matamis na ngiti si Athena matapos batiin sa kanyang kaarawan. Inilahad ko ang kamay ko para hawakan niya at alalayan pababa ng hagdan.Marahan hinawakan niya ang kamay ko at binigyan ako ng isang dampi nang halik sa pisngi bago bumaba ng hagdan kung saan lahat ng bisita niya nag-aabang sa baba at nakatingin sa amin ngayon, hinihintay si Athena.
Today is Athena's birthday. Dito sa bahay nila ipinagdidiriwang ang kaarawan niya dahil sa gusto ng lolo niya. Masyado daw kasing old-fashioned ang lolo ni Athena kaya naman lagi dito sa bahay nila ang handa.
Pansin ko rin na kanina pa nag-iisip ang mga bisita niya kung sino ang lalakeng hawak ang kamay ni Athena ngayon pababa. They're surely thinking that I'm Athena's boyfriend. Tulad nga nang sinasabi ni Athena at ang kanyang mga kaibigan na wala siyang naging date tuwing kaarawan niya.
Athena and I are finally official to the public. Sigurado akong may alam na rin si Ed at Deseree na ang lalakeng kasama ngayon ni Athena ay boyfriend niya. Hindi ko nalang sila binibigyan pansin ngayon dahil ayoko masira ang mood ko sa kaarawan ng girlfriend ko.
Habang pababa ng hagdan halatang kinikilig ang apat niyang kaibigan na nag-bigay ngiti lalo sa labi ko.
"I'm sorry if I dragged you into this. Okay lang naman kung gusto mong humiwalay muna sa akin ngayon. Baka napapagod ka na lakad nang lakad kasama ako." Pag- paumanhin ni Athena sa akin.
Kanina pa kasi kami nag-iikot ni Athena. Papalit-palit kami ng mga bisitang pinupuntahan para humingi ng pasasalamat si Athena sa pag-punta nila sa kaarawan niya. Pinapakilala niya rin ako bilang boyfriend niya sa kanila.
Sinong mapapagod pag ang girlfriend mo ay pinapakilala ka sa mga kakilala niya bilang boyfriend niya?
Umiling ako. Hinawakan ko ang magkaibilaang pisngi niya at itiningan siya sa akin. "Hindi ako mapapagod na kasama ka. Sa totoo lang, gusto ko mag-lakad kasama ka. Napapakilala mo ako bilang boyfriend mo sa mga bisita." With that said, I kissed Athena on her forehead.
Niyakap ako ni Athena nang mahigpit. "This is the best birthday ever. You are the greatest gift that I ever had."
Kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinalikan ito.
"I'm sure iniisip na nila Daddy Ed at mommy na boyfriend kita. Sigurado akong hindi nila tayo makakausap ng matino ngayon kasi madami rin silang nakakausap na tao at alam nila na busy ako. Pero hindi pa kita pwede mapakilala sa kanila ng maayos. Gusto ko kasi ipakilala ka ng maayos bukas sa family dinner namin. Tuwing kinabukasan kasi may family dinner na kaming tatlo lang. Para maayos nila akong batiin sa birthday ko. And I want you to be a part of us tomorrow." Mahinhin na sinabi ni Athena.
"You made me fall in love with you even more. I can't wait for tomorrow." Ngayon naman hinalikan ko siya sa kanyang malambot na labi.
Kinagat ni Athena ang ibabang parte ng labi niya at kumindat.
"Geez, guys. Get a room." Sabat ni Stephanie sa amin. Ang mga ibang kaibigan nila ay nakabuntot kay Stephanie.
"Or better yet, save the private celebration later." Kinindatan ni Vicky si Athena.
"Come on, girls, first time lang ni Athena na may ka-date. Pagbigyan niyo na, virgin pa siya sa ganito." Natatawang saad ni Ellie. Natawa rin tuloy kaming lahat sa sinabi niya.
Umiling nalang si Athena at nag-pasalamat sa kanila.
Now, I wonder what it feels like to have long-lasting friends around you like these girls in front of me. Kahit na simple lang ang pinag-uusapan nila, kita mo sa mga mukha nila ang saya at alam mong hindi ka nila iiwan kahit anong mangyari. Wala sa kanila ang plastik, totoo lahat sila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.