One.
"Yes, naman! Binata na talaga ang kapatid ko." Umakbay ako kay Saint matapos namin siyang kantahan ng Happy Birthday.
Umakbay din siya sa akin. "Siempre, at mas gwapo pa sayo." Biro niya. Natawa naman kami ng mommy namin pati na rin sila Tita Kendra, Lola Anna, Tito Darwin at ang asawa niya na bitbit ang anak nila.
Saint just celebrated his 18th birthday here at papa Sebastian's mausoleum. Celebrating our birthdays in his grave became a tradition in our family. Birthday ni mommy, ako at ni Saint lagi rito. Walang taon na sa iba kami nag-celebrate ng kaarawan namin maliban lang sa first birthday ko.
Our mom wanted us to celebrate here so that papa Sebastian wouldn't feel left out. Gusto niya kasi na kahit wala na si papa, makakasama pa rin namin siya.
Saint and I don't mind rejoicing our birthday here. Mas gusto ko pa nga na rito mag-handa dahil buo ang pamilya namin, kesa naman gumastos pa kami ng malaki para sa isang malaking handaan kasama ang mga iba't-ibang tao. I'm a private type of guy, anyway.
"Wait, stay right there. 'Wag kayo mag-iba ng posisyon." Pag-hinto sa amin ni mommy para kuhanan kami ng picture ni Saint gamit ang cellphone niya na sinunod naman namin ni Saint.
"Parang kelan lang ang bubulinggit niyo pa!" Komento ni Tito Darwin na karga si baby Alice. "Parang itong maliit na baby kong ito." Pang-gigigil niya sa bata.
"Oo nga, dati lagi mong kinakagat si Saint sa braso niya. Ang reason mo kung bakit mo kinakagat ay dahil nakaka-gigil braso ni Saint sa sobrang lambot parang marshmallow." Natatawang pag-fa-flashback ni Tita Kendra.
"The fuck, Sean? Pagkamalan ba akong marshmallow!" Pabirong lumayo si Saint sa akin na natatawa. Kaya naman natawa nalang din ako sa sinabi niya.
Pinitik naman ni mommy si Saint sa braso. "Saint, your language!"
Kahit na sinabihan ni mommy si Saint ng ganun, alam kong okay lang sa kanya na mag-mura kami basta 'wag lang sa harapan niya at nila Tita.
"Kasi 'tong si Sean. Kainin ba naman ako. Ano, Sean, masarap ba ako?" Taas baba ang kilay ni Saint na may halong mapang-asar na ngiti. Loko talaga ito.
"Nung bata ka, oo. Ngayon hindi na. Bato na 'yan braso mo, eh." Suntok ko sa braso niyang maskulado.
"Oo naman. Habulin ng babae itong braso ko." Saint playfully flexed his biceps.
I must say I'm impressed. He really is a masculine type of guy. I am too, but mas batak siya. Malaki kasi ang katawan niya kumpara sa akin. Habang ako sakto lang pero batak din.
"Tangina lang, Saint." Kunwaring nandidiri kong sinabi sa kanya. Ayan tuloy, pati ako nakatikim ng pitik kay mommy.
See, this is one of the reasons why I love spending my time with my family. There's no drama. All pure happiness. Smile permanently etched on our faces, joyful eyes, and optimistic vibes.
We grew up living as an average middle class family. We don't have that luxury in our pockets. Hindi naman kami ganun ka-brat ni Saint para mag-demand ng mga gusto namin bagay kay mommy. Dalawa kaming pinag-aaral ni mommy kaya naman naiintindihan namin ang kalagayan niya. Lalo na't manager lang siya sa club ni Lola Anna na dating pinag-trabahuhan ni mommy. Buti nalang nga nakapag-graduate na ako sa college at si Saint nalang ang problema ni mommy. Kaya naman next month mag-uumpisa na ako sa trabahong in-apply-an ko para pag-hatian namin ni mommy ang tuition ni Saint sa college na pinapasukan niya na school ko rin nuon.
Nag-papasalamat ako na may mommy akong katulad ni mommy. Kahit na kulang kami ng ama, nagawa pa rin kaming palakihin ni mommy ng maayos. I love her so much. I'm so lucky and proud to have a mother like her. Masakit man ang sinapit niya nuong mawala si papa Sebastian, nakaya niya pa rin kaming palakihin na siya ang ina at ama. She didn't give up on us. I'm falling in love with her more and more.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomanceI've been chasing you for eight years and I wouldn't give up chasing you.