TwentyTwo.

483 11 0
                                    

"Sean."

"Sean!"

Napa-hinto ako sa pagiging tulala ko nang marinig ko ang malakas na tawag sa pangalan ko. Diniin ko ang kamay ko sa mata bago tignan ang tao na may pamilyar na boses.

"May problema ba? Kanina ka pa tuliro." Tanong ni Saint sabay nang pagka-upo niya sa tabi ko rito sa sofa.

Umuwi na muna kasi ako rito sa bahay namin galing sa bahay nila Athena. Pumunta kasi si Athena sa opisina ng fashion magazine na i-interview-hin siya at may kailangan pa akong asikasuhin sa Empire kaya umuwi muna ako, mamayang gabi pa naman ang family dinner nila Athena.

"Pormal na ipapakilala ako ni Athena sa lolo at nanay niya mamaya sa family dinner nila." Mahina kong sinabi kay Saint. Binalik ko ang tingin ko sa malayo, iniiwasan tumingin kay Saint.

"Hindi ka pa handa?"

Tumango ako. Kailan ba ako magiging handa harapin sila? "Walang araw na handa akong harapin sila. Sila ang sumira sa pamilya natin."

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Saint sa tabi ko. "Pero kailangan mong mag- panggap na hindi mo alam ang ginawa nila, na hindi mo sila kilala."

"Ayun na nga, eh. Kailangan kong mag-panggap para lang kay Athena. Hanggang kelan ako mag-papanggap? Takot akong sumabog sa harapan nila. Takot akong mabanggit ang tungkol kay Papa Sebastian. Takot akong ibitiw ang bintang sa kanila sa harapan ni Athena." This time I'm looking at Saint with frustration in my eyes.

Sa sitwasyon na ito ay nag-sisinungaling ako ng buo kay Athena. Wala siyang alam na kilala ko ang pamilya niya, na kilala ko sila matagal na. Kaya ko lang naman siya nakilala at napalapit sa kanya gawa ng plano ko dati na sirain ang pamilya Casiño.

Kinamot saglit ni Saint ang kaliwang kilay niya at huminga nang malalim. "This might suck to say but siguro kailangan mo sila bigyan ng isang chance, hindi sa ginawa nila sa nakaraan kundi chance para kay Athena." Hinawakan ni Saint ang balikat ko at tinapik ito ng isang beses. "Do this for Athena. She's what matters the most. Siya ang bigyan mong pansin." Ngiti ng nakababata kong kapatid bago tumayo.

"Saan ka punta?" Tanong ko.

Kumibit balikat lang siya. "Sigurado ka ba talaga na hindi mo na itutuloy ang plano?" Seryosong tanong niya.

Sinipa ko ng mahina si Saint na natawa nalang sa inasta ko.

"Chill. Just making sure lang." Saad niya bago tuluyan umalis sa harapan ko.

Umiling nalang ako bago kuhanin ang cellphone sa tabi ko. 11:19AM palang nang tinignan ko ang screen. Dapat 6PM daw kailangan nasa bahay na ako nila Athena.

Mahaba-habang pag-hihintay ito. Wala rin akong magawa dito sa bahay dahil si Mommy at Tita Kendra busy sa sariling maliit na business ni Mommy na pag-catering at pag-bake ng pastries. Yung kailangan kong asikasuhin sa Empire, mamaya ko pa gagawin bago pumunta sa bahay nila Athena.

Huminga ako nang malalim bago ilabas ito. Ipapahinga ko nalang muna siguro ito dahil panigurado mamaya mapipiga ang utak ko pag-kasama ko na ang pamilya ni Athena.

--

"Daddy Ed and mommy, I would want to officially introduce you my boyfriend, Sean Alfonso." Pakilala sa akin ni Athena sa dalawang nakatatanda na naka-upo sa upuan nila dito sa hapag-kainan.

Nilahad ni Ed ang kamay niya nang palapit kami ni Athena sa kanya. "Sean Alfonso, of course, how could I forget?" Tumayo si Ed Casino para kamayan ako na may malaking ngiti sa labi ng matanda. Nang kamayan ko si Ed, nilapit niya ako sa kanya para yakapin.

Tinapik muna ako ni Ed sa likod ko bago halikan sa pisngi si Deseree, ang nanay ni Athena. Nag-yakapan din kami ni Deseree bago umupo sa upuan.

"Welcome to our family, Sean." Maligayang sambit ni Ed. Inangat ni Ed ang champagne flute niya sa era. "To my lovely granddaughter, Athena and her boyfriend, Sean."

Kinuha namin ang champagne flute at itinaas din sa ere para pag-diwang ang kaarawan ni Athena at ang pagiging kabilang ko sa pamilya nila.

Sa totoo lang kanina pa ako hindi komportable. Nalilito ako sa nararamdaman ko sa pamilya ni Athena. Ang bait nila sa kanya at mahal nila si Athena.

May parteng gusto ko sila patawarin sa ginawa nila sa pamilya ko at itanim pa rin ang galit sa kanila.

Siguro nga kailangan ko kumalma para kay Athena. Nararamdaman ko lang ito dahil mabuti silang tao kay Athena.

Nawala ako sa tren ng pag-iisip ko at bumalik sa katinuan nang marinig ko ang pangalan ko sa sinasabi ni Ed.

"So, what do you think, Sean? Why don't the Casino Wine and Spirits be Empire's supplier of liquors? I'll assure you to give you a great deal of percent." Malaking ngiti ang pinakita sa akin ni Ed.

Napatingin ako sa gawi ni Deseree nang tumawa siya nang marahan. "You're scaring, Sean, dad. Sige ka, baka hindi na bumalik 'yan sa mga susunod na family get together natin."

"Mom's right, Daddy Ed. Sabi ko sa'yo no business talks sa dinner natin ngayon." Lumingon si Athena sa akin at kumindat sabay nang pag-hawak niya sa kamay ko.

Lumabas ang tawa sa bibig namin dalawa ni Ed sa mga sinabi ng dalawang babae. "You can't blame a businessman, right, Sean?" Kindat sa akin ni Ed.

Napa-sapo nalang si Deseree na may ngiti sa labi sa sinabi ng ama niya. Si Athena naman natawa nalang.

"In fact, I think it would be a great idea to be partnered with Casino Wine and Spirits. I reviewed the products before and I can tell it gives out the best quality of liquors than others. By tomorrow, aayusin ko ang contracts. Patapos na rin naman ang kontrata ng Empire sa Double Tap Liquors." Tumayo ako at nilahad ang aking kamay para kamayan si Ed Casino. "Looking forward to do business with you, sir." Ngiti ko.

Maganda talaga ang kalidad ng mga alak nila, hindi ako mag-sisinungaling tungkol diyan. Kahit maganda ang pakikitungo ng Double Tap Liquors sa Empire, alam kong may tumutulak sa akin para pumayag sa alok ng matanda. Isa na si Athena sa rason na'yon pero may iba pang rason. Rason na hindi ko alam kung ano at aalamin ko sa mga dadating na panahon.

Tumayo at nag-lakad papunta sa pwesto ko si Ed. Kinamayan niya ang kamay ko at niyakap. Bakas sa kanyang labi ang saya sa pag-payag ko sa alok niya. "I love this guy, my dear Athena. It would be a one hell of a partnership, iho." Akbay sa akin ni Ed at tinapik ang gilid ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko para pumayag sa alok ni Ed Casino.

Being partnered with the enemy feels like dealing with the devil.

--

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon