3. Long Time No See

236K 7.9K 3.2K
                                    




3. Long Time No See

Hindi tuloy ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa text na 'yon ni Zion. E kasi naman, bigla akong tinabunan ng hiya lalo na nung siya na ang tumawag. Gosh, apat na beses yata 'yong missed calls. I'm not sure though because I decided to turn off my phone. Hindi ko yata kakayanin na marinig ulit 'yong boses niya. I therefore conclude na isang impulsive move ang ginawa kong pagtawag kagabi sa kanya.

Pero alam niyo 'yong feeling nung sinabi niyang may kaboses daw ako? Iyon 'yong nagpahirap sa akin sa pagtulog e. Na-imagine ko lang naman yung mukha niya habang sinasabi niya iyon. Ibig sabihin ba ay natatandaan pa rin niya ang boses ko kahit tatlong taon na ang nakalipas? Geez. I felt like my blood left my head so fast that for a moment I thought I would faint...

"Ito kaya, Dad? Ayos lang po ba?"

Sa ngayon, medyo namomroblema ako sa isusuot kong damit para sa pagpunta namin ni Kuya Kurt mamayang gabi sa bahay nina Tito Anton. At dahil wala akong makausap ay ini-Skype ko si Dad to ask for suggestions.

"Misty, kamusta ba ang panahon sa Pinas? Sigurado ka ba sa turtle neck na 'yan?"

Napanguso ako't bumagsak ang balikat sa sinabi ni Dad. Tinignan ko ang sarili ko. Hala, mukha nga akong super conservative sa suot ko. "E ano po ba ang dapat kong isuot?" tanong ko kay Dad habang nakapameywang sa harapan ng laptop na nakapatong sa kama.

"Just wear something comfortable," he said and smiled. "Ano bang klaseng party ang celebration ni Anton?"

"Wala pong nasabi si Kuya Kurt, e." Hindi ko naman pwedeng i-text si kuya para lang tanungin iyon. Baka kung ano pang isipin no'n. He's such a paranoid brother.

"Then, wear casual dress."

Mabilis akong tumakbo sa closet ko at kumuha ng dalawang dress para ipakita kay Dad. "Ano pong klaseng casual, Dad? You mean, like these dresses?"

I stopped when I heard Dad's cocky laugh. Hala siya, first time ko yatang nakitang tumawa si Dad after he suffered from stroke. It's a relief though but why is he laughing?

"Dad, what's wrong?"

Mabilis ang pag-iling niya habang nagpipigil pa rin ng tawa. Weird. "W-Wala. Bakit ba na-i-stress ka sa paghahanap ng damit? Tell me, Misty. 'Yong birthday celebrant ba talaga ang pupuntahan mo o 'yong anak niya?"

Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa sinabi ni Dad kaya mas lalo siyang natawa sa screen. "Dad naman!" Ngumuso ako at naupo nalang sa kama kaharap ang laptop sa kandungan ko. "Hindi naman ganu'n. Para naman pong kumikirengkeng ako sa sinabi mo. Promise, si Tito Anton po 'yong ipupunta ko du'n."

"Really??"

I was tongue tied, at a loss of how to respond because that mocking smile was on his lips again and his eyes held a glint of humor. Hala, masyado ba akong pa obvious?

"Err. . . Syempre po bonus nalang si Zion," palusot ko at alanganing ngumiti. "Dad, alam mo naman pong hindi kami okay ni Zion bago ako pumunta ng States, 'di ba? Gusto ko lang siyang makausap."

He smiled at me again. This time, it was a sincere one. "I know. I won't argue about it. Hindi naman ako tututol dyan. At tama ka, you need to talk to him..."

Dad knew every single detail about the deal we had three years ago. E kasi naman, naging part siya nung deal na 'yon together with Tito Anton and Tita Sandra. Napatawad na kaya ako ni Zion?

"Oh, bakit natahimik ka bigla dyan?"

Umiling ako at bahagyang ngumit sa tanong ni Dad. "Wala naman po, Dad. I was just thinking if we can compromise. Galit pa kaya siya sa ginawa ko?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon