37. Biro

179K 7.2K 7.4K
                                    

Chapter 37

"I love you."

I just stood there as he sat on the kitchen top. My heart was pounding crazily inside me as his lips still near my ear. Feeling ko ay naestatwa ako. Shucks. Nagha-hallucinate ba ako? O baka naman nangangarap na ako ng gising? Worse, don't tell me nananaginigip talaga ako dahil kung oo, aba, kikiligin ako sa paggising ko.

Nilayo niya ang kanyang ulo ng bahagya at tinitigan ako ng mabuti. Hindi matinag ang titig ko sa kanya. Ganun din naman siya. Napapitlag ako nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa niyang 'yon at kasabay nito ay ang pag-init lalo ng buong mukha ko. Shucks! The feels! Ramdam na ramdam ko iyon! Hindi ito isang panaginip lang! Totoo nga ito!

Suminghap ako at nanlaki ang mga mata. Para akong late receiver dahil halos isang minuto bago ako nakapag-react. Natawa siya ng mahina sa reaksyon ko. Wait. So, natawa siya? May nakakatawa ba?

Oh. Natawa siya. So, ibig sabihin...

"Mukha mo!" Lumayo ako agad sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Pa-fall talaga ang isang ito e!

"Huh? Mis-"

"Huwag kang lalapit!" saway ko sa kanya nang makita siyang bumaba mula sa pagkakaupo sa kitchen top. "Hindi magandang biro yan, Zion ah!"

Pinaghalong dismaya at gulat ang reaksyon niya sa sinabi ko. "Pero hindi ako-"

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Sige, tawa pa!" singhal ko sa kanya.

Napasimangot siya. Binuka niya ang bibig niya para sana magsalita pero itinikom niya rin iyon at nagkamot ng ulo. Yung kamot na may gigil. Naghintay pa ako kung may sasabihin siya pero ayun, tinalikuran lang ako at saka kumuha ng maiinom. Napairap nalang tuloy ako sa ere at bumalik nalang sa sala. Napansin kong sina Geoff, Sab, Reishel at TJ nalang ang nandun.

"So, ano? Bati na kayo?" tanong agad ni Sab sa akin habang yung katabi niyang si Geoff ay nakatutok sa Excel ng balance sheet namin.

Bago ko pa masagot ang tanong ni Sab ay lumabas na si Zion mula sa kitchen at nauna sa pwesto namin. Sinundan siya ng tingin ni Sab pagkatapos ay sa akin ulit sabay iling niya sa akin. It seemed like she got it. We're still not okay!

Mahaba pa ang gabi. It turned out na naunang natulog si Eunice sa kwarto kaya wala na siya sa sala. Si Sab naman ay nilingunan kong natutulog na rin sa carpet nung marinig kong may sunod-sunod na humihinga ng malalim sa bandang likod ko. Geoff was too sweet to help her take her into the bedroom with Eunice. So, ang natitira nalang na gising pa ay kami nina Geoff, Reishel, TJ at... si Zion na dalawang oras na ang nakalipas ay hindi man lang ako kinikibo o tinatapunan man lang ng tingin. Naka-focus lang siya sa ginagawa niyang technical study.

I looked at the wall clock to check the time. Quarter to 3 in the morning na pala.

Tinignan ko ulit si Zion. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tinungkod niya ang kanyang kaliwang siko sa sofa at hinawakan niya ang ulo niya para hindi ko makita ang mukha niya. Napasimangot tuloy ako. Nagtampo yata siya ng todo dahil hindi ko tinanggap ang apology niya kanina.

Dumapo ang tingin ko sa chips na nasa gilid ko. Binuksan ko iyon at sinadyang iparinig sa kanya yung ingay para makuha ang atensyon niya pero ayun, hindi talaga ako pinansin.

Nakakafrustrate naman ito! Fine. Ibaba na ang pride, Misty...

"Cheetos, Zion oh," alok ko sa kanya. Umiling lang siya. Hindi man lang nagawang lingunin ako. "Ayaw mo?"

He shook his head again that made me frown even more. Huminga muna ako ng malalim bago umusog ng kaunti sa tabi niya. Pakunwa'y nakitingin ako sa ginagawa niya.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon