Chapter 53
Friday came so fast. Over the few days that passed by, parehas lang ang ginagawa namin sa campus. Nandun ang magpa-practice kami sa auditorium ng graduation ceremony namin tapos right after that, either sumasama kami kay Zion para panuorin ang rehearsal nila o 'di kaya'y tambay lang sa The 13th District para magmiryenda.
Ngayong araw, dahil may dinner na hinanda sa bahay ay umuwi agad ako pagkatapos ng practice namin ng graduation. Wala naman akong ibang ginawa dahil hindi ako pinatulong ni Mama sa kanya sa kusina kaya heto ako't nasa kwarto, gulong-gulo kung ano ang dapat kong suotin.
I ended up wearing white off-shoulder jumpsuit paired with my Birkenstock sandals. Bakit pa ba ako mag-aabala na damitan nang maayos ang sarili ko kung bukod sa sa bahay naman namin gaganapin ang dinner ay si Zion lang naman iyon na nakakasama ko every single day. On a second thought, baka naman pinaghandaan ni Zion ang gabing ito at pumorma siya ng maganda kaya dapat it's a tie.
Nakaupo ako sa harap ng vanity table ko nang matagpuan ko ang necklace na binigay ni Mommy sa akin noong 17th birthday ko. It was the same necklace she got from my grandmother that she passed to me three years ago. Pinagmasdan ko muna iyon ng matagal bago ko isinuot sa sarili ko.
Then my phone suddenly beeped. Zion's message flashed on the screen.
From: Zion
Dito na ako sa labas.Nataranta ako bigla. Sumulyap pa ako sa clock sa phone ko at nakitang 7:30 PM na. I made few final touches on my hair before I hurriedly went downstairs.
With his white vintage print polo paired with denim jeans and sneakers, Zion stood there while holding a bouquet of flowers at his most charming state as I opened the gate for him. Bumungad agad ang ngiti niyang nakakahawa.
"Ayos ba?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago ngumuso at tumango. Napaisip tuloy ako na sana medyo nag-ayos din ako dahil tama nga ang hinala kong poporma siya ng ganito.
"Kanina ka pa namin hinihintay," I replied as I opened the gate wider to give him access.
Pumasok naman siya't nagulat ako dahil inabot niya sa akin ang isang bouquet. "Para sa'yo..."
"Wow. Para sa akin?"
"Hindi. Para sa kapit-bahay," pambabara niya na nagpasimangot sa akin.
"Okay. Ibibigay ko sa kapit-bahay," akmang lalabas na ako pero agad niya akong hinarangan habang natatawa.
"Hey, hey! Joke lang! Hindi naman ito mabiro. Syempre para sa'yo yan."
Alam kong biro lang 'yon pero trip ko lang na asarin siya. Tinignan ko ang iba pa niyang dala bukod sa isa pang bouquet na buhat niya at box of cake sa kaliwang kamay niya.
"Come in..."
Papasok palang kami sa pinto ng bahay nang bigla niya akong pigilan. "Misty, saglit..."
Nilingon ko kaagad siya. Dews of sweat formed over his forehead. Halatang tensionado siya marahil dahil haharap siya sa buong pamilya ko.
"Kinakabahan ako," he said in a low tone.
Sa totoo lang ay kinakabahan din ako. I have been bothered since the day my mom told me she wanted to meet Zion, my suitor. However, I am sure that Zion will get everyone's approval. Noon pa na magkaklase kami ay kilala na siya ng pamilya ko at maganda ang reputasyon niya sa mata ng pamilya ko.
"You'll be fine, Zion. As if naman hindi mo pa sila nami-meet e mula pa noong kindergarten tayo ay kilala ka na nila. Kaya chill ka lang..."
From tensed, his expression turned to slightly relieved. Kahit hirap na hirap sa dala-dala ay tinapik niya ng ilang ulit ang kanyang dibdib bago mabilis na tumalikod para bumunga ng hangin. And when he was a little better already, he faced me again.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)
Teen Fiction"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*